Kabanata 2

31 16 0
                                    

Kabanata 2

NARAMDAMAN niya na lamang ang mahihinang tapik sa kaniyang balikat. Naudlot tuloy ang napakagandang panaginip niya sa tanang ng buhay niya. May nakita daw siyang kakaibang saging, kulay brown daw ito at napakalaki. Halatang nakakatakam, lalapitan na niya sana ito para kainin nang biglang may umeksena. Unti unti niyang iminulat ang mga mata.

"Ay bungi!" gulat niyang sambit nang bumungad sa kaniya ang mukha ni Manong bungi este Manong konduktor.

"Grabe ka naman Miss makapanghusga." malungkot na sambit ni Manong.

"Hihihi nagulat lang naman po, sorry po." pakamot kamot niyang paghihingi ng pasensya. Napatingin siya sa sa katabi, nanglulumo siya nang makitang wala na si Kuyang may malabakal na totot.

"Ok lang iyon Miss. Ganyan naman talaga ang buhay, parang life."

Napataas naman kilay niya kay manong. Ano konek?

"Nasaan na po pala tayo Manong?" pag iiba niya ng usapan ba'ka mahawaan pa siya ng kapistihan ni Manong eh.

"Ay oo nga pala. Kaya kita ginigising, ikaw na lang kasi ang naiwang pasahero Miss. Hindi namin napansin na nandito ka pa pala sa likod."

"Ah ganoon po ba?—taena ano pong sabi niyo manong?"

"Di mo ba narinig Miss? Ang sabi ko... Kaya kita ginigising—"

"Shatap manong. Wer na we now?"

"Hala Miss, hindi ko maintindihan—"

Napatampal siya sa kaniyang noo. Ay jusko day.

"Ibigsabihin ko manong, nasaan na po tayo ngayon?" malumanay niyang tanong ba'ka ma pektusan niya ito.

"Ah hehehe nasa blah blah blah..."

Hindi na niya pinatapos si Manong at dali daling inabot ang bayad dito. Halos magkandarapa na siya makababa ng sasakyan habang bitbit ang dalang bayong at bag.

"Paksyet wer na me?" maluha luha niyang sambit habang tanaw tanaw ang matatayog na gusali at iba't ibang sasakyan. May napakaraming tao na may sari sariling mundo.

Ibang iba ito sa kanilang barangay na puno ng basura at dikit dikit na bahay.

NANGANGALAY na ang kaniyang mga paa sa paglalakad. Jusme, para na siyang binilad na isda. Napaka init talaga sa Pinas. Nagpahinga muna siya sa isang park at kumain na ng tanghalian.

"Si Nanay talaga." ngiti niyang ani nang mabuksan ang baunan. Naglalaman ito ng adobong baboy at may piniritong daing din. Nakakatakam! Nabitin siya kanina sa panaginip niya kaya't agad niya itong nilantakan. Ang sarap talaga magluto ni Nanay!

Nang matapos ay dali dali niyang hinanap ang baong tubig sa dalang bayong.

"Nasaan na iyon?" todo ang pag halungkat niya pero taena wala siyang makitang tubig!

Nasabunutan na lamang niya ang sariling buhok sa sobrang inis. Paksyet, paano na ito? Uhaw na uhaw na siya dito.

"Mom look oh, ang ganda ng fountain!"

Napalingon siya sa bata habang tinuturo ang isang—himala! Agad siyang kumaripas ng takbo, naunahan pa niya ang mag iina. Walang pag alinlangan niyang inilahad ang dalawang palad at sinalo ang mga tubig na nanggagaling dito. At saka iyon ininom.

"Grrrr. Naka inom na din sa wakas!"

Napatingin siya sa mag iina na ngayon ay nakanganga sa kanya. Problema nila?

"Iinom din po ba kayo? Ito po oh." nag bigay daan siya.

"T-rara na baby, doon na lang tayo sa ibang fountain. Ok?" at hinila ang anak nito paalis.

Napataas naman ang kilay niya kay Manang. Grabe siya, baka nauuhaw na 'yong bata eh.

PALAKAD lakad lang siya sa isang madilim na eksinita. Para siyang pulubi dito, grabe ang gandang experience niya. Hindi niya talaga ito inaasahan na mangyari.

Ginabi talaga siya sa paghahanap ng lokasyon ng Tita Bebang niya. Nasaan na kaya nagsusuot ang tabachoy na iyon?

Nang bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib. Paksyet may sumusunod sa kaniya! Marami pa namang mga masasamang elemento ngayon, nangunguha daw ng bag.

Napakapit na lamang siya ng mahigpit sa dalang bayong at bag. Kahit kinakabahan nilakasan niya ang loob at hinarap ito.

"Eh wala?"

"Meoww."

"Santabokbok santabakbak!" sigaw niya at napahawak sa dibdib. Lumingon lingon siya sa paligid. Jusme mukhang na engkanto na ata siya, huwag naman sana.

"T-tabi t-tabi po." nagkandarapa siyang nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw naman niyang tumakbo na lang basta ba'ka kasi ay habulin siya ng engkanto at gawin na lamang hapunan.

"Meowww."

Jusko po, nakasunod pa rin sa kaniya! Dahil sa pagmamadali, hindi niya namalayang may naka usli pa lang bato sa daan at...

"Arayyyy." daing niya habang himas himas ang tuhod na natamaan ng naka usling bato nang madapa siya.

"Meoww."

Ay jusko po! Katapusan niya na ba? Lord naman, huwag naman po sana. Hindi pa niya nakikilala si destiny at hindi pa din niya na eexperience ang ma ano ah basta Lord marami pa po talaga siyang kailangang gawin sa buhay.

Nanginginig ang buong katawan niya nang unti unti siyang lumingon dito habang naka upo pa rin sa daan.

"Meoww."

Agad napataas ang kilay niya sa nakita. Isang gusgusing pusa, wala itong kabalabalahibo sa katawan. Taena—ito iyong humahabol sa kaniya? Nilapitan niya ito at gigil na sinakal.

"Mamatay ka na! Pisting engkanto ka!"

"Ngayawwwwwwww—aaa" daing ng kawawang pusa.

"Pisti ka, nagmumura ka pa? Mamatay ka na!"

___

Don't forget to:
VOTE|COMMENT|SHARE

My Sleepwalking BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon