Kabanata 7

29 16 0
                                    

Kabanata 7

MATAPOS ang second subject ay tumunog na ang bell, ibigsabihin breaktime na. Ang peyborit sabdyek ni Lailah. Nagpaunahan naman ang ilang kaklase niya palabas ng room. May mga babae rin na namulbos at nag liptint muna. Nagpaiwan naman ang apat na magkakaibigan dahil may pag uusapan kuno sila.

"So sino yong cute—i mean yong isip batang kasama mo kanina ate? Kaano ano mo po siya?" sunod sunod na tanong ni bata.

"Isa isang tanong lang Jen, gago 'to." tawa ni tibo. Ngumuso lamang si bata. Habang ayon, nasabuyan na naman ni madre ng holy water ang bibig ni tibo. Sinamaan lang ng tingin ito ni tibo.

"Bat ka kasi interesado?" ngise niyang tanong dito. Pinamulahan naman ito. Know na this.

"Ate Lailah!" sigaw ng kung sino sa kaniya mula sa labas ng room. Pareho silang apat na napatingin dito. Namilog naman ang mga mata ni bata at lalong pinamulahan sa nakita. Ay jusko po.

Pumasok si Ash habang dala dala ang mga ngiti sa labi. Parang itong koreano, maputi at ang kinis pa ng kutis.

"Oh Ash, napadito ka?" maang maangan niyang tanong at sinilip si bata na ngayon ay kunwaring may inaayos sa bag.

"Ahm, sasama po sana ako sa inyong mag recess. Kung pwede po?" sagot nito. Magsasalita na sana siya nang sumabat agad si bata. Aba kanina pa'to ah!

"Bat ka sasabay sa'min? Hindi pwede." mataray nitong wika kay Ash.

"Eh hindi ka naman tinatanong ko ah." sagot naman ni Ash.

"Gago, ano ka ngayon?" tawa ni tibo kay bata. Napabusangot naman si bata, naiiyak na yata. Napansin iyon ni Ash.

"Ahm kung gusto niyo libre ko kayong lahat." ngiti nitong alok. Napahiyaw naman ang tatlo maliban kay bata na ngayon ay tahimik na pinapahid ang mga luha sa pisnge.

"Okay tara na." malumanay na yaya madre. Sumunod naman si tibo tapos siya.

"Uy di ka sasama?" baling ni Ash kay bata.

"Ah eh, kasama ba ako?" nakasimangot na tanong ni bata kay Ash. Natawa naman 'tong lalaki.

"Aba'y oo naman, kahit ano pa nga gusto mo...ibibigay ko—i mean bibilhin ko."

"Telege?" pabebe namang tanong ni bata.

Napaface palm silang tatlo.

"Amen." si madre.

"Gago." si tibo.

"Pisti." siya.

TINGIN ng tingin sa kanila ang madlang pipol habang papasok ng cafeteria. Napansin din iyon ng mga kasama niya pero nagkibit balikat lamang ang mga ito. Nagagandahan siguro sa kaniya? Gusto ata ng authograph niya?

"Ano sa inyo guys?" tanong sa kanila ni Ash. Kaniya kaniya namang sagot ng oorderin ang lahat.

"Spaghetti and iced tea." si madre.

"Hamburger, footlong, spaghetti at orange juice lang sa'kin. Hehehe." si tibo. Ay aba'y nila LANG lang ang enorder.

"Sa'yo Jen?" baling ni Ash kay bata. Halatang nataranta si bata.

"Ah eh kung ano na lang ng sa'yo." sagot ni bata.

"Ayieeeee." pang aasar ng tatlo. Pinamulahan naman ang dalawang isip bata. Hahaha.

"Eh sa'yo Ate Lai? What yours?"

Natameme siya, hindi alam ang isasagot. "Ah eh sama na lang ako sa'yo. Para makapili ako ng mabuti. Atsaka matulungan kitang magdala ng mga pagkain." suggest na lang niya. Tumango naman ito.

Nang matanggap na nila ang inorder, tawa sila ng tawa ni Ash dahil sobra ang isinukli ng tindera sa kanila. Aba'y syempre hindi nila ibinalik, bakit kasalanan ba nilang sobrahan nito ng isang daan?

Naudlot ang tawanan ng dalawa nang makarinig sila ng pagtikhim sa likuran. Napaharap naman sila dito at nanlalaki ang mga mata ni Lailah sa nakita.

"Bakat." mahina niyang bulong. She miss him.

Walang sabi sabi ay hinigit siya ng binata, hindi naman siya pumalag. Para pa saan? Para magpakipot? No way, sayang ang grasya nuh.

Napuno naman ng bulungan ang buong eskwelahan. Mga tsismoso't tsismosa! Nakita niya namang hinahabol sila ng mga kaibigan niya. Napatili naman siya nang bigla na lang siyang binuhat ni bakat na pawang ikakasal. Omayyyyyy

"Bakat, 'san mo 'ko dadalhin?" tanong niya. Nasa tapatan ng kanyang mukha ang matitipuno nitong dibdib. Ang bango bango pa.

"Shut up." diin nitong sagot sa kaniya. Napataas naman kilay niya. Kahit kailan talaga, ang sungit ng isang 'to. Hihihi.

"Hoy gago san mo dadalhin kaibigan namin!" si tibo.

"Ibalik mo po si Ate Lailah!" si bata.

"Masama 'yang ginagawa mo!" si madre.

Rinig niyang sigawan ng mga ito sa malayo. Ngunit binalewa lamang ito ni Nico at ipinasok siya nito sa sasakyan. Nakita naman niya sa labas ang naka ngiting si Manong Eding. Pisti 'tong si Manong, kitang magka-cutting class sila di man lang sila sisitahin?

PATULOY nilang binabaybay ang mataong kalsada ng manila. Napa lingon siya sa katabi na ngayon ay tahimik lang sa pagmamaneho. Hindi niya maiwasang mag alala. Saan kaya 'to nagpu pupunta at di naka uwi ng bahay? Baka—no way! Nang babae ang isang 'to!

"What are you thinking woman?"

Napatingin siya dito. Nakakunot na naman ang mga noo nito sa kaniya.

"Wala." malamig niyan sagot. Naiisip pa lang niyang may babae ang binata, sumisikip ang dibdib niya sa sakit.

Bigla naman itong nag break. Muntikan pa nga siyang mauntog sa harapan, mabuti ay may suot siyang seatbelt.

"Bat ka biglang huminto?" asik niya.

"It's your fault. Tsk." napataas naman kilay niya. Ano daw? Kasalanan pa niya talaga eh. Siya ba ang driver? Sarap pangigilan ng bakat eh.

"Bat naman ako, aber?"

"I said what's your problem at sagot mo lang wala? Don't me Lailah, I know you." sagot nito.

"Weh di nga, ga'no mo 'ko kakilala, aber?" paghahamon niya.

"I know you like me." ngise nitong sagot. Napasinghap siya pero agad na kinalma ang sarili.

"Pene me nelemen?"

"That's beacuse." tawa nito at kinurot siya sa pisngi. Ugh ang shakett nemen.

TUWANG tuwa siya matapos ng pangatlong rides. Ang saya sobra. Hindi na sila naka uniform, bumili sila sa mall ng pamalit. Naka couple shirt ang dalawa ngayon, aba'y syempre si Lailah ang pumili. Hindi naman umangal ang binata kanina.

"Uyyy bakat okay ka lang?" baling niya kay Nico na ngayon ay hinang hina.

"I'm okay. Ano sunod nating pupuntahan?"

"Gusto ko pang sumakay ng panibagong rides!" umasim naman ang mukha nito. Tinawanan niya ito at tinuksong takot sa rides. Pikon na pikon naman ito sa kaniya.

"Oh ice cream." abot niya dito.

"I don't like sweets." sabi nito kaya napasimangot siya. Pero agad naman itong kinuha ng binata sabay nilantakan.

"Damn it's cold!" reklamo nito. Natawa naman siya sa reaksiyon nito.

"Baliw 'to. Dapat dahan dahan lang, parang ganito oh." sabi niya sabay dinilaan, sinipsip, kinagat at ipinasok niya sa kaniyang bibig ang ice cream.

"Fuck Lailah stop it!"

Inosente niya itong binalingan. May kung anong kakaiba itong tingin sa kaniya habang pinagpapawisan at pinamumulahan. Anuyare?

___

Don't forget to:
VOTE|COMMENT|SHARE

My Sleepwalking BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon