Kabanata 6

24 17 0
                                    

Kabanata 6

NAKA UPO lamang ang apat ngayon sa loob ng office ni Ms. Sebastian, lumabas muna ang guro dahil may emergency meeting daw ang mga teachers.

"Hello!" bati ng babae kay Lailah. Napatingin naman dito si Lailah. Si Snow White agad ang unang pumasok sa isipan ng dalaga nang harapin ang katabi. Napakaputi kasi ng babae lalo na't kulay pula ang uniform nila. May maiksi din itong buhok.

"I'm Jennifer Alejandro, jenny na lang po. Alam niyo po idol na kita. Ang ganda ganda niyo po at ang galing niyo pong sumagot kanina kay Maam." mukhang madaldal ito at makulit. Isip bata in short.

"Oo nga gago, nganga talaga kanina si Maam. Hahaha laptrip!" napalingon naman siya sa babaeng sumingit. Kanina pa'to gago ng gago ah. Napansin niya ang kulay puti nitong buhok na para bang may hawig kay Elsa.

Hindi din nakatakas sa kaniyang paningin ang jogging pants nito na tinupi tupi hanggang tuhod. Naka rubber shoes din ito. At naka taas ang mga manggas ng blouse. All in all, mukha itong tomboy.

"Ang bibig mo, Roselyn." mahinhin na banta ng katabing babae.

"Gago 'wag mo sabing tawagin ako sa totoo kong pangalan. Gago."

Nagulat na lang si Lailah nang biglang sabuyan ng holy water ng babae iyong tomboy. Sa bibig mismo pisti. Sinamaan naman ng tingin ni tibo ang katabi.

"Hi sorry nga pala sa inasta ng kaibigan ko. Ako nga pala si Aimee Catana." nakangiting pakilala ng babae sa kaniya. Napagawi naman ang dalaga sa buhok nito. Ay jusko, para itong si Rapunzell sa buhok nitong hanggang tuhod. Napansin niya din na may kahabaan ang suot nitong palda. In short, mukha itong madre.

"Hehehe ako naman si Roselyn Dadua." nakangiwing singit naman ni tibo.

"Hehehe hello sa inyong lahat." aniya.

May itatawag na siya sa tatlo. Si bata, si tibo, at si madre.

TUMUNOG na ang bell pero hindi pa bumabalik si Ms. Sebastian. Paasa daw ito, pinaghintay sila sa wala.

Sabay ang apat na bumalik ng kanilang classroom. Napagawi ang tingin ng mga ka klase sa kanila nang makapasok. Tuloy tuloy lang ang apat, walang pake sa paligid.

Naupo si Lailah sa tabi ni Jenny, bakante kasi ang katabing upuan nito. Nandito silang apat sa pinaka dulo. May isa pang bakanteng upuan sa tabihan niya at apat pa sa likuran. Gusto pa naman niyang sa harapan maupo para mas maintindihan ang mga lessons.

"Ate ano po pala name mo. Di ka pa namin kilala eh." lingon sa kanya ni bata. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa at naghihintay din ng sasabihin niya.

"Hehehe Ako nga pala si Delailah Marquez, 21 years old. Single not married." pagpapakilala naman niya. Mahinang nagtawanan ang tatlo, sarap pektusan pagtawanan ba naman siya.

"You're funny talaga Ate." bungisngis ni bata.

"Pwede ka bang maging friends namin?" tanong naman ni madre.

"Oo nga, don't worry mababait kami." tawa namang dagdag ni tibo.

Kunwari nag isip isip pa siya, "Oo naman." ngiti niyang sagot. Napa tili naman ang mga ito. Mas okay ng may kaibigan kesa namang mag isa ka lang, diba?

"Goodmorning class." bungad ng gwapong teacher na kakapasok lang. Dumiretso agad ito sa white board at nag sulat.

"Justice." basa ni madre.

"Ano na naman ang trip nitong ni Sir pogi?" reklamo naman ni tibo.

"Bakit? Ano ba meron?" curious niyang tanong dito.

My Sleepwalking BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon