Kabanata 5

25 17 0
                                    

Kabanata 5

NAKANGITING pinagmamasdan ni Lailah ang dalawang engkanto—este mga anak anakan niya habang ang mga ito ay kumakain sa sala. Pansin niya sa isa—kay Saysay, ang takaw takaw nito pero hindi man lang tumataba. Kuwento sa kaniya ni Laylay kanina, ito raw ang tumulong kay Laylay na maka uwi. Inamoy lang daw nito ni Saysay and then boom, naka uwi na si Laylay kasama ito. Baka may lahing aso itong si Saysay? Grabeee ang lakas ng pang amoy.

Nauna nang kumain kanina si Nico. Ang isang iyon ay panay ang iwas. Ang sungit pa, pero yummy naman Hihihi. At saka hindi niya ene expect na ibibili nito si Laylay ng makakasamang pusa kaninang umaga. Akala niya pa naman, ayaw ng binata sa pusa. Pero parang hindi naman.

Napalingon siya sa dalawang pusa na prenteng naka upo sa sofa at nanunuod ng tv habang kumakain. Langya, marunong silang magbukas ng Tv? Eh siya nga, ni hindi nakaranas pumindot ng remote.

"Meow?" biglang tanong ni Saysay kay Laylay.

'Bes?'

"Meow?" sagot naman ni Laylay.

'Oh?'

"Meow meow meow? Meow meow meow. Meow meow meow meow." tanong ulit nito.

'Bat Ina tawag mo dun sa babae? Eh di naman kayo magka mukha. Atsaka posible namang magka anak ng pusa ang isang tao diba?'

Napa poker face naman si Laylay.

"Meow meow meow, meow meow." naasar na sabi naman ni Laylay 'tas marahas itong sinubuan ng tinik ng isda.

'Oh ito bes kumain ka ng marami, para magkalaman iyang utak mo.'

Pagkatapos maghugas ng plato ni Lailah ay agad naman siyang tumungo sa kwarto niya para mag asikaso na ng mga gagamitin niya bukas. First day na niya bukas sa bago nitong eskwelahan. Nauna na siyang eenroll ng Tita Bebang niya nung bakasyon pa. Graduating na siya ngayong pasukan sa kursong Elementary Education. Hihihi trip niya lang daw mag titser titseran.

"Meow, meow meow meow?" tanong ni Laylay sa kaniya. Naka higa ngayon ang dalawang pusa katabi ng dalaga.

'Ina, pwede ba kaming sumama ni Saysay sa inyo bukas?'

"Hindi pinapapasok mga engkanto don." sagot niya.

"Meow meow meow? Meow meow meow?" inosenteng tanong ni Saysay. Pisti.

'Akala ko po ba bawal ang engkanto doon? Eh bakit po kayo papasok 'don?'

Natawa naman itong walanghiyang si Laylay. Nagtatakang lumingon dito si Saysay. Sinamaan niya ng tingin ang dalawang engkanto.

"Lumabas kayo ng kwarto ko, ngayon din. Kung hindi, papasabugin ko iyang mga pagmumukha niyo!" timpi sa galit na sambit niya sa dalawa. Agad namang nagsitakbuhan ang dalawang pusa palabas.

Napabuntong hininga na lamang si Lailah. Siguro, kailangan na niyang ihanda ang sarili sa mga darating pa na mga araw na bubwesitin siya ng dalawa. Ang sasarap pektusan. Pinatay na niya ang lamp shade na nasa gilid ng kama niya at saka agad ding natulog.

MALAPIT na niyang madampian ang mga labi ni Nico sa isang panaginip nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto...

"What the fuck? Do you sleep here?"

Agad na iminulat ni Lailah ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang lalaking nasa panaginip na ngayon ay naka kunot ang noo sa kaniya. Naka tayo ito sa pinto, dala dala ang sariling towel at toothbrush.

"Hindi ah. Naka tulog lang ako kasi medyo maaga pa naman. Pero maliligo na talaga ako eh kanina, kaso naka idlip ako." palusot niya. Tinaasan naman siya ng kilay ng binata. Bakit kasi palagi na lang siya nagigising kung saan saan?

My Sleepwalking BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon