Kabanata 4

27 17 1
                                    

Kabanata 4

MASAMA ang tingin ng pusa kay Lailah.  Habang ang dalaga naman ay pinipilit paring maka tulog kahit hindi man lang siya tablahan ng antok. Marahas siyang lumingon kay Laylay na ngayon ay hindi parin natitinag.

"Oh ano tinitingin tingin mo diyan huh, pisti ka!" inis niyang sambit sa pusa sabay talukbong ng kumot. Tinarayan lang ito ni Laylay. Halatang hindi makatulog ng mabuti ang Ina inahan niya, eh halos siyam na oras na itong naghihintay na dalawin ng antok.

"Bakit ba di ako makatulog? Argh!" halos mabaliw ito at nag pagulong gulong. Napa irap na lang ang pusa sa kaeng engan ng kaniyang Ina.

"Hoy pusang arabo, bakit di ka pa natutulog diyan?" biglang tanong ng dalaga nang mapansing nakatingin lang ito ng masama sa kaniya.
Tumawa naman ng kalakas lakas si Lailah nang makita ang reaksiyon nito. Nagtataka siguro ang anak niya bakit pusang arabo tawag niya dito. Agad din siyang tumahimik at sinamaan ito ng tingin. Napaface palm si Laylay. May sayad ata ang Ina inahan niya.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan. At iyong kanina, sinabi mong 'wow nice acting, thanks for saving.' diba? Mga linyahan ng arabo iyon." halata sa boses ng dalaga ang pagtatampo sa anak anakan. Kanina pa nga ito napapansin ni Laylay.

"Meow, meow meow?" tanong ng pusa.

'Ina, galit ka ba sakin?'

Tinaasan ito ng kilay ni Lailah, "Ngayon mo lang na feel huh? Kaya nga kita sinakal kanina eh." pamimilosopo naman ng dalaga. Agad namang lumapit sa kaniya ang pusa at ikiniskis ang mukha sa braso niya. Napangiti si Lailah.

"Meow meow meow, meow"

'I'm sorry na Inay, bati na tayo.'

"Tsk oo na kahit mukha kang engkanto, di parin kita matiis."

Napabusangot naman si Laylay sa narinig. Pwede naman kasi itong magsalita ng walang halong pangungutya.

Bakit ba panay tawag nito ng engkanto sa kaniya? Eh magkamukha lang naman sila, like mader like doter.

PAGKA UMAGA ay bangag na bumangon si Lailah. Para siyang zombie na naglalakad palabas ng kwarto. Hindi kasi ito naka tulog mula kagabi hanggang mag umaga. Tawang tawa namang sumunod ang pusa sa kaniya.

Nadatnan nila si Nico sa sala habang swabeng umiinom ng tsaa. Ang hot nitong tingnan, magulo ang buhok at mukhang bagong gising din. Napa angat ito ng tingin sa dalaga. Napakagat labi naman siya at tiningnan ito ng malagkit. Napa face palm na lang si Laylay. Pashnea itong si Ina, ang aga aga lumalandi!

"You're awake? Take your breakfast and after that prepare yourself. May pupuntahan tayo." pormal na sambit ni Nico at lumabas ito ng bahay dala ang kaniyang tsaa.

"Tara Laylay anak, kumain na tayo." excited na sambit ng dalaga at nilantakan na ang pagkaing nasa lamesa. Napangiwi naman ang pusa. Di ata uso mumog kay Ina?

Inalok siya nitong kumain, pero wala itong tinira kahit isang butil lang ng kanin para sa kaniya. Wala talaga. Napaka galing.

HALOS tatlong minuto lang na nag ayos ng sarili si Lailah. Nakaligo na ito at naka bihis nang makalabas ng kwarto niya. Jusko po para itong mamamalengke lang dahil sa suot nitong maluwang na damit at tinernohan pa ng mahabang palda. Hindi pa iyan nakapagsuklay.

My Sleepwalking BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon