Kabanata 12

21 2 1
                                    

Kabanata 12

ISANG MASAMANG panaginip para kay Lailah ang nakitang eksena. Kung sana'y panaginip lamang ang lahat, nais na niyang magising. Mabuti na lang nga't agad siyang dinaluhan ng kaibigan niyang si Al kung hindi, malamang napaupo na lamang siya sa hallway dahil sa pangangatog ng tuhod niya.

Hindi niya maiwasang alalahanin ang pangyayari. Sino kaya iyong kasama ni Nico? Bakit nito niyakap at hinalikan ang binata? Magka anu ano ba ang dalawa?

"Argh nakaka inis!" padabog siyang pumasok ng kwarto niya. Kakauwi pa lang niya galing school. Inihatid siya ni Al pauwi ba'ka daw kung saan saan na naman siya pumunta.

Agad siyang nagbihis at lumabas na ng silid para makapag gabihan. Ayaw niyang maabutan pa siya ni Nico at ba'ka makasabay niya pa ito sa hapag kainan. Nilantakan niya ang nakahaing fried chicken at kanin. Walang nguya nguya, lunok agad.

Samantala, ang dalawang engkanto naman ay naglalaway na habang pinapanuod ang kanilang ina na kumakain mag isa. Hindi man lang sila nito inakay kumain. Napaka galing.

Matapos asikasuhin ni Lailah ang sarili agad din naman siyang humiga sa kama. Mag aalas otso na ngunit wala pa'rin si Nico. Ano pa ba ginawa nun sa school? Tsk. ba'ka nga kasama pa nito ang nobya kaya ginabi na. Nagpagulong gulong na lamang siya habang sinasabunutan ang sariling buhok. Halos mabaliw na siya sa kakaisip sa binata.

Inis siyang tumayo at kinuha ang pocket book na binili niya. Magbabasa na lamang siya para kahit papaano ay makatakas siya sa mapait na bangungot.

"Nakita niyang may kahalikang ibang babae ang lalaking mahal niya. Wala siyang magawa. Tila napipi siya at nangmanhid na lamang ang buong katawan sa nakita——" hininto niya ang pagbabasa. Napapikit siya ng mariin. Nananadya ata ang tadhana, pinamumukha sa kaniya kung gaano siya ka tanga at hinahangaan pa ang isang lalaki na may nobya na.

Malungkot siyang pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Minsan nga lamang siyang magmahal, naging masaklap pa ang tadhana sa kaniya. Minahal naman niya ito, pero manhid ata at di man lang makita ang halaga niya." tumango tango siya sa nabasa. Nakaka relate siya sa bawat salita na nakasulat.

"Siguro nga kailangan na niyang itigil ang nararamdaman——HINDI!" nanglulumo siya sa nabasa.

Hindi pa huli! Susuko na lang ba siya dahil dun? Mabilis siyang umiling iling. Hindi pa nga niya nasasabi sa binata ang tunay na nararamdaman tapos ititigil na lamang niya ang pagka gusto dito? Isa kang malaking tanga, mag isip ka nga Lailah!

"Ngunit kung titigil ba siya, kakayanin niya ba? Eh kung magpapatuloy ba siya, kakayanin pa ba niya?" pagtutuloy niya sa pagbasa.

MALUNGKOT niyang sinusuklay ang sariling buhok. Kakatapos pa lamang niyang maligo at magbihis ng uniform. Maaga siyang nagising kanina ngunit wala siyang nadatnang Nico. Dismayado siyang tumingin sa kaniyang repleksiyon sa salamin. Maganda ka naman Lailah eh, may pagka engot ka nga lang! Paninisi niya sa sarili.

"Good morning Lailah!" bati sa kaniya ni Manong Eding nang makapasok siya sa gate.

"Walang good sa morning, Manong." ismid niyang sagot dito. Napakamot na lamang sa ulo ang gwardiya. Mukhang bad mood ata ang dalaga.

"Ang ganda nuh ni Miss Trixie?"

"Oo nga bagay na bagay sila ni Fafa Nico yieee."

Napalingon siya dito. Agad siyang dumako doon at naki tsismis.

"Trixie? Sino 'yon?" tanong niya.

"Hindi mo siya kilala? Siya lang naman 'yong tagapagmana ng isa sa mga pinaka kilalang pamilya dito sa bansa. Isa din itong model."

Napakagat siya sa sariling labi. Malamang ang Trixie na tinutukoy ng mga ito ay 'yong babaeng kasama ni Nico kahapon.

"Atsaka balita ko lumipat daw ito dito sa school natin. Like omg lang diba?" tumili naman ang mga ito.

Samantalang siya ay naasiwa sa nalaman. Iisipin pa lamang niyang dito mag aaral ang babaeng iyon, malamang mahihirapan siyang isakatuparan ang plano.

Ang paibigin ang taong mahal niya kahit na may jowa na. Mission impossible man, gagawin niya ang lahat para ito ay maging mission accomplished. Lailah, payting!

KASULUKUYANG nagkakatipon ang mga estudyante sa loob ng Hall. May mahalaga daw na announcement ang mga officer.

"Nagugutom na'ko huhuhu." daing ni Jennifer.

"Gago 'to. Parang kakakain mo pa lang kanina ng chocolates di ka nga namigay diyan eh." sambit naman ni Roselyn. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Aimee.

"Mabilis lang naman daw ang announcement Jen. Pagkatapos nito, deritso agad tayo sa canteen." nakangiting wika naman ni Aimee dito. Tumango tango naman ang isip bata.

Habang si Lailah naman ay wala ang atensiyon sa mga kaibigan kundi sa dalawang tao na nag uusap. Si Nico at ang nobya nito. Lalo siyang nainis sa binata. Wala talaga itong pakialam sa kaniya. Hindi man lang siya nito kinontak na di makaka uwi. Ayun pala, busy sa jowa.

"Hey." tapik sa kaniya ni Al. Agad naman niya itong nilingon.

"Ayos ka lang?" tanong sa kaniya ng kaibigan. Napangite naman siya. Kilala talaga siya nito.

"Ayos lang naman. Bakit mukha bang di ako okay?"

"Hmm maliban sa mukha mo, ayos din naman." ngise nito. Agad niya itong binatukan.

"Tsokoy!" asik niya dito. Tumawa naman ang loko ng kalakas lakas. Napatingin tuloy ang mga estudyante sa kanila. Nahihiya naman siyang yumuko. Napagawi siya sa puwesto nina Nico. Laking gulat naman niyang makitang nakatingin din pala ang dalawa sa kanila. Agad siyang umiwas ng tingin at binatukan ulit ang loko lokong kaibigan.

"Goodmorning everyone." bati ng isang babae na may eyeglasses. Agad ding bumati pabalik ang mga estudyante.

"Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako nga pala si Angel Zhong, your President. Next week, we will be having a search for Mr. and Ms. FSU 2019." nagsihiyawan naman ang lahat sa narinig.

"Each department will have a representative. And for the other informafion will be tackle by your class president. "

PAGKATAPOS ng maikling orientation, agad na ring nagsibalikan ang mga estudyante sa kaniya kaniyang room. Habang ang grupo naman nina Lailah ay bumili muna ng makakain.

"Everyone, listen." ani ng class president na si Jazzmil Soria. Nagsitahimikan naman ang lahat.

"So sino ang gusto niyong maging representative natin sa search? Any suggestion, dapat may partner na."

Mabilis na nagsitaasan ng kamay ang bawat isa. Habang si Lailah ay bored na tumingin na lamang sa labas mula sa bintana. Gusto na niyang umuwi.

"I suggest Aldrin Servida and Delailah Marquez, Miss President."

Tila nabingi ang dalaga sa narinig. Marahas siyang lumingon kay Roselyn na nakangise ngayon sa kaniya. Habang ang dalawang babae ay naka peace sign pero halata namang nangangasar.

"The nomination have been closed. Wala ng aangal, ang umangal may bayad na 5, 000."

Nanlumo siya sa narinig. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase niya at tinutudyo siya sa kaibigang si Al. Ang loko naman ay panay lang ang ngise.

"Taena niyo nananahimik ako dito eh." mariin niyang singhal sa mga kaklase. Ngunit tinawanan lamang siya ng mga ito.

___

Don't forget to:
VOTE|COMMENT|SHARE

My Sleepwalking BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon