Bigla akong napabangon ng marinig ko ang boses ng nakababata kung kapatid, lumabas ako sa aking silid at nakita ko ang pag patay sindi ng ilaw sa kusina.
"Aya?" sambit ko rito ngunit hindi ito sumagot nakarinig ako ng kalabog at nakita ko roon si aya sa sulok.
"Aya? what are you doing?" tanong ko rito pero hindi ito tumugon.
"Hey!" saad ko rito at nilapitan nagtaka ako dahil nanginginig pa ito.
"Shhh, n-nandito na sila ate," sambit nya sabay takip ng buong mukha nya.
"Anong sinasabi mo?" takang tanong ko rito na ikina iyak naman nya.
"A-ate natatakot na ako," sambit nya sakin sabay yakap.
"Shhh, nandito lang si ate tara na pasok na tayo sa kwarto," tugon ko rito at inakay sya papasok sa silid ng bigla nya akong tinulak.
"W-wag! magagalit si master!" sigaw nya sakin sabay sabunot ng buhok nya.
"Aya?! ano bang nangyayari sayo!?" sigaw ko rito dahil hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kapatid ko.
Bigla akong napa atras ng bigla nyang kinuha ang kutsilyo at parang may kinakausap sa ere."A-aya a-anong g-gagawin mo!?" sigaw ko rito sa kaba.
"SABI NYA PAPATAYIN RAW KITA PARA TANTANAN NYA NA AKO!" sigaw nya sakin sabay lapit.
"Aya! bitiwan mo yan! Hindi na ikaw yan!" sigaw ko rito sabay atras ulit palapit sya ng palapit ng biglang-
Bigla nyang sinaktan ang sarili nya sabay hiwa ng balat nya.
"Ahhh!! Ate!!" sigaw nya sakin na nagmamakaawa.
"Ano ba ang kailangan nyo!" sigaw ko sa sinasabi ni aya bigla ko syang nilapitan nagulat naman ako ng maramdaman ko ang likidong umaagos sa-
"HAHAHAHA!!" tawang saad ni aya sabay tusok ng kutsilyo sa tyan ko.
"A-aahhhh!" sigaw ko sabay luhod.
"Hahaha!! titigilan nya na ako!" saad ni aya habang kinakanta.
"A-aya!" sigaw ko rito sabay hawak ng sugat sa tyan ko.
"DIBA! DI MUNA AKO GUGULOHIN!? DIBA!? DIBA!?" sigaw nya na parang may kinakausap sa cellphone.
Dahan-dahan kung pinahid ang dugo sa tyan ko sabay kuha ng first Aid kit ng magamot ko na ito laking gulat ko ng makita kung-
"H-hindi! hindi aya!!!!!!" sigaw ko sabay takbo sa kinarorounan nya.
"H-hindi!" sigaw ko at umiyak ng umiyak.
"Diba, hindi mo ako iiwan!?" sigaw ko rito.
"Bakit mo ito ginawa! sinong nag utos sayo! sumagot ka!" sigaw ko rito sabay alog.
"S-si M-mo mo ate," hinang saad nya at tuluyan na ngang malagutan ng hininga.
"Hindi!!!! hindi!!!" sigaw ko habang nagpapadyak padyak.
Bigla kung hinanap ang sinasabi ni aya siguro yung momong sinasabi nya nasa phone.
Bigla kung nahanap ang cellphone at binuksan ito ng makita ko ang sinasabi ni aya.
Bigla akong napatingin sa gawi kung saan may kumakatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ng-
Ng makita ko ang sinasabi ni aya napa atras ako at napatakip sa buong mukha ko, nararamdaman kung papunta sya sa gawi ko ng imulat ko ito nagulat ako ng tumawa ito.
"AHHHHH!!" sigaw ko sabay takip ng mukha ko.
Bigla kung itinaas ang mukha ko ng makita ko si momo na tumatawa.
"Umalis ka na!!" sigaw ko rito sabay kuha ng kutsilyo, bigla akong nagulat ng maramdaman ko ang sugat sa tyan ko.
"Umalis ka na dito!" sigaw ko pero walang nakakarinig sakin.
"Ahhhh!! sigaw na saad ko dahil palage syang bumubulong sa aking taenga.
"Patayin mo ang sarili mo," tugon ng momong to.
"Hindi!!" sigaw ko at nilalabanan ito bigla ko itong isinaksak kay momo at nagulat dahil sarili
kung gawa ako lang pala ang mamatay.
"A-AHHHHH!! sigaw ko sa aking sarili habang paulit ulit na sinasaksak ang sarili ko.
"T-tama na!" sigaw ko rito habang naghihina.
Nakita ko naman si momo na ngumiti at biglang nawala, at doon narin ako nanghihina at tuluyang malagutan ng hininga.

BINABASA MO ANG
Psychopath Stories
HorrorA compilation of my one shot creppy pasta stories. Stay tuned❣️