HALLOWEEN PARTY

5 0 0
                                    




Nandito ako sa bintana habang nakatanaw sa mga taong nagsasaya sa loob ng mansyon.



Kompleto yung mga kaibigan ko, yung mga kaklase atsaka mga pinsan ko. Excited na ako para sa salo-salo mamayang alas 8.



Nag umpisa na akong magbihis sabay kuha ng kunwaring patalim. Actually yung halloween party namin nasa mansyon ko at nandito ako ngayon sa isa rin naming bahay.



Nakangiti ngayon si mama na para bang excited sa party mamaya.



Nandito na ako ngayon sa mansyon namin, biglang tumahimik ang kaninang maiingay na kanta ng makita nila akong nakasuot ng gown na pang halloween ang suot.



Naglalakad ako ngayon papunta sa gitna para umpisahan ang kainan, ng biglang ngumiti sakin si mama.



"AHHHHH!!" sigaw ng mga tao habang nagkakagulo sa loob ng aking party.



Ngumiti naman ako pati narin ang mga taong nandito sa aking party.



"WOWWW! ANG SARAP NYAN!" sigaw ng mga tao dito sa loob.



Inumpisahan ko ng kunin ang kutsilyo sabay hiwa ng-



"W-wag po!" sigaw ng bata.



Natigilan ako sa aking ginagawa at tiningnan ang batang kanina pa nagmamakaawa.



"Bakit baby boy?" tanong ko rito iyak lamang ang tugon nito dahil ayoko sa maingay tinusok ko ang kanyang lalamunan hanggang sa magsilabasan ang dugo nito.



"Hmmm, ang sarap ng amoy mo," tugon ko rito sabay pakita ng dila sa mga kasamahan ko at kinain ito.



Mga mata nila na ang lalaki, mga bibig nilang uhaw at mga tiyan nilang gutom na gutom.



Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko bago ko ibinigay ang katawan ng bata sa mga taong nandito sa aking mansyon habang pinag pi fiestahan nila ang katawan nito.

Psychopath StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon