ANG MATIRA SYA ANG TAYA

11 0 0
                                    



"Matira taya!" sigaw ng mga kalaro ko dito sa madilim na bahagi ng aming palaruan.



"Umayos ka nga Ella!" saway sakin ng kalaro ko. Umayos naman ako at nag umpisa ulit.



"Ang matira sya ang taya!" sigaw naming lahat ng bigla silang tumingin sakin at ngumiti.



"Haha! si Ella na ang taya guys! takbooo!!" sigaw ni kenneth at nag umpisa ng tumakbo.



Ngumiti nman ako at nagsimulang tumakbo para hulihin sila.



"AHHHH!!" sigaw ni kenneth.



"A-ckkkk!! w-wagggg!" sigaw ni Anna.



"P-parang awa mo na w-wag!" mangiyak ngiyak na sambit ni Ema.



Puro iyak ang maririnig mo sa madilim na palaruan. Habang ako tumatakbo ng mabilis para umuwi at maglinis ng dumi.



[ FLASHBACK]


Kasalukuyang tumatakbo ngayon si kenneth ng mahulog sya sa ilalim ng puno. Ito na ang pagkakataon ko para maging taya sya kaya naman dahan dahan akong pumunta sa ilalim ng puno at-



"AHHHH!" sigaw ni kenneth ng tusukin ko ang kaliwa nyang mata.



"MAMA!" sigaw ulit ni kenneth dahil sa sakit at hapdi ng tusok sa mata nito. Kinuha ko naman ang kahoy matulis at itinusok ko ito ng bigla nya akong makilala.



"E-ella!?" sigaw nya sa gulat kaya naman ngumiti ako at inumpisahang itusok ang matulis na kahoy sa kanyang lalamunan.



"Taya!" sambit ko sabay ngiti ng nakakaloko sabay iwan ng bangkay ni kenneth.



"Isusunod na kita anna," sambit ko sa madilim na palaruan ng makita ko si anna na parang natatakot.



"A-ano yan Ella, b-bakit ka may dugo?" takang tanong nya habang nanginginig sa kaba.



"A-ano yan Ella! ibaba mo yan!" sigaw ni Anna habang umaatras.



Ayan na papalapit na ako sa kanya.



"A-acckkkk wag!!" sigaw ni Anna sa sakit ng tusukin ko ang tyan nya sa kahoy na matulis.



"Baliw ka Ella!" sigaw sakin ni Anna habang nanlalaban.



"Ella! anong ginawa mo kay Anna!?" sigaw ni Ema habang palapit kay Anna.



"E-ema, tumakbo kana manghingi ka ng tulong plsss!" mangiyak ngiyak na sambit ni Anna habang kinakapos na sa paghinga.



Dahan-dahang tumakbo si Ema ng hatakin ko ang buhok nya at kinuha ang malaking bato sabay tapon ito sa mukha ni Anna.



Ipinakita ko sa kanya ang larong taya.



"A-aray! tama na Ella!" sigaw ni Ema habang nanlalaban.



Kinuha ko naman ang bato na itinapon ko sa pagmumukha ni Anna. At makikita mo sa batong ito at nagsilabasang mata ni Anna habang wasak na ang utak nito.



"P-parang awa mo na w-wag!!!" sigaw ni Ema ng hampasin ko sya ng malaking kahoy sa ulo nya.



Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ko bago ko nilisan ang larong ito.




Psychopath StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon