"Uy! bestfriend laro tayo!" saad ng kaibigan kung si anna kasalukuyan akong naglalaro ng luto-lutoan ng mapag desisyonan kung sabayaan sya sa sinabi nya.
"Hmm, anong laro naman?" tanong ko rito na ikina ngiti naman nya.
"Yehey! sige!" pagsasang ayon ko rito nag umpisa na syang magbilang sya kasi yung taya ako naman itong magtatago.
"Isa!****" bilang na tugon nya nagsimula na akong magtago yun bang masikip at hindi ako kaagad makikita.
"Aya! alam ko kung saan ka nagtatago," sigaw nya naririnig ko ang bawat paglakad nya kaya naman bigla akong nahulog sa isang balon na hindi naman masyadong malalim.
"Ahhh!" sigaw ko sa sakit bigla naman akong tumayo ng marinig ko ang boses ni anna na sumisigaw.
"Tulong! tulong!" rinig kung sigaw ni anna sa kinaruruonan ko.
"Tulong! tita! si aya po!" sigaw ni anna kay mama siguro manghihingi sya ng tulong hanggang sa tuluyan na syang tumakbo at sumisigaw parin.
Naghahanap ako ng paraan para maka alis sa balon na ito ng may makita akong makakapitan nag umpisa akong umakyat at tuluyan na ngang umalis sa balon na iyun.
"Yehey! sa wakas nakalabas na ako!" nag umpisa akong lumakad ng makita kung maraming tao ang paparating sa gawi ko nakita ko si mama, papa at ang mga kapitbahay namin.
Sasalubungin ko sana sila ng madapa ako, dinaanan lang nila ako at pumunta sa balon.
"Aya!!" sigaw ni mama sa aking pangalan, pumunta naman ako at sasalubungin sana at sasabihin na nakalabas ako ng maayos.
"AYAAAAAA!! HINDI!!! HINDIII!!" sigaw ni mama habang nagpapadyak sa iyak.
Tiningnan ko ang mga tao sa gawing iyon ng makita ko silang umiiyak, nakita ko si mama na nawalan ng malay habang si papa naman kinakarga si mama, nakita ko rin si anna na umiiyak pati narin ang mga taong nasa paligid nila.
Nagtaka ako kaya naman tiningnan ko ito at nagulat ako sa nakita.
Nakita ko ang aking katawan na wala ng buhay puro galos ito at may matalas na kahoy sa aking ulo.
Napaluhod ako at umiyak, hindi pa ako patay isang bangungot lang ito.
Ang bata ko pa para mawala sa mundong ito.
"AYAAAAAAA!!" hagulgol na sigaw ni mama wala akong magawa kundi umiyak na rin dahil sa nangyari.
Dahil sa larong taguan doon ako na aksidente at namatay.
BINABASA MO ANG
Psychopath Stories
HororA compilation of my one shot creppy pasta stories. Stay tuned❣️