"You wanna play hide and seek?" saad ng babae habang hawak-hawak parin ang kutsilyo."S-shit! diba patay ka na!" sigaw nito habang nagtatago.
"Please stop, hindi na nakakatuwa," mangiyak-ngiyak nitong saad.
"Will enjoy the game," saad nito at biglang pinatay ang ilaw.
[ Flashback ]
Meet Aya, ang estudyante sa section A ang section kung saan walang batas at walang kapayapaan. Siya ay estudyanteng nerd na palaging binubully, dahil sa kanyang mukha at magulong buhok ay palage itong pinapahiya at ginagawang alila. Hindi ito umiiyak o kumikibo man lang o di kaya ay lumaban kaya naman mas lalong dumadami ang umaaway nito.
"Hoy! halika ka nga dito!" sigaw ng babae sa dalaga. Lumapit naman ito.
"Gawan mo nga ako ng assignment kaylangan ngayon mo na matapos ha!" sigaw nito sabay tapon ng notebook sa dalaga.
"I-ito na po," saad nito sabay bigay ng notebook na natapos ng sagutan, tinitigan lang sya nito sabay tayo at kinuha ang baso ng tubig.
"Hahaha! kawawa!" sigaw at tawanan ng mga estudyante dito.
Binuhusan kasi ito ng malamig na tubig at pinagtawanan.
"A-aray!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit.
"Alam mo bakit Aya yung pangalan mo?" saad nito habang hawak-hawak parin ang buhok ng dalaga.
"P-parang awa mo na, b-bitiwan mo ko!" sigaw nito dahil sa higpit ng pagkakasabunot.
"Look guys! sinisigawan ako!!" sigaw nito habang hinigpitan ng maigi ang buhok.
"S-sorry po," pagpapaumanhin nito.
"Wag na wag mo akong sinisigawan dahil pinuno ako dito! At wag na wag mo akong susuwayin kapag inuutosan kita naiintindihan mo!" sigaw nito habang dinuduro ang dalaga.
"Kaya pala Aya yung pangalan mo kasi hindi kaaya-aya yang pagmumukha mo! Alis!" sigaw ng babae sabay bitaw ng buhok ng dalaga.
Napa upo nalamang ang dalaga at umiiyak maski isang estudyante ay wala man lang tumulong dito.
"Ano,hindi ka aalis!" sigaw nito at aakma sanang sasampalin ng bigla itong hawakan ng dalaga.
"O-ouch! let me go!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit.
"A-ackkk! t-tama na!" sambit nito habang kapos sa paghinga.
"H-help me please!" sigaw nya habang nagmamakaawa sa mga kasamahan nya, lalapitan na sana ito ng biglang magsalita ang dalaga.
"Don't you dare," hinang saad nito sabay bitaw ng pagkakahawak sa leeg nito.
"A-accckk! ho!" sambit ng babae habang kinakapos sa paghinga.
"Sa susunod na saktan mo ulit ako papatayin kita," saad nito sabay dura sa mukha ng babae.
Ang daming nagulat dahil sa ginawa ng dalaga hindi nila lubos mapaniwalaan ang nangyari.
"Guys! did you know pinalayas daw yang si Aya ng mama nya dahil pangit raw at walang kwenta! serve her right!?" saad nito habang pinag uusapan ang dalaga.

BINABASA MO ANG
Psychopath Stories
TerrorA compilation of my one shot creppy pasta stories. Stay tuned❣️