Hindi pa man tuluyang natatapos ang dalawampung minutong sinabi ni Daniel ay lumabas na si Erajin sa banyo. Dahan-dahan ang kilos niya habang pinakikiramdam ang paligid. Paglabas niya roon ay blangko na naman ang kuwarto. Hindi niya malaman kung may trabaho ba si Daniel na iniwan lang nito para sa kanya dahil ang dalas nitong mawala.
Lumabas na siya ng kuwarto. Ang opisina ni Crimson ay sa dulo ng pasilyo kung nasaan niya nakatayo sa mga sandaling iyon. Gusto sana niyang puwersahing buksan ang kuwarto niya pero kapag nakita siya ni Daniel, malamang na pagalitan siya nito at igapos nang wala sa oras. Kaya kahit na nagdududa ay tinungo niya ang opisina nito.
Tahimik naman sa loob, mukhang wala itong kausap. Kumatok siya bago pinihit ang doorknob.
"Dan?"
Pagsilip niya sa loob ay nakatingin na sa kanya ang lalaki. Kaharap nito ang laptop at mukhang may tina-type doon.
"What is it?" tanong nito at hinubad na ang suot na salamin.
"Are you working?"
"Yes," simpleng sagot nito.
Pumasok na siya sa loob at sinubukang huwag ipakita ang pagdududa niya. Hindi niya naiwasang usisain ang loob ng opisina ni Daniel. Malawak iyon, pero naging crowded na dahil nadagdagan ng isa pang malaking bookshelf at dalawang gray file cabinet.
May isang sofa set sa kaliwa at naging pabilog na ang glass table nito at hindi na mahabang wooden table.
"What is it, Jin?" tanong ni Daniel nang mapansing pinag-aaralan niya ang buong opisina nito.
"Uhm . . . Puwede bang makuha ang susi sa kuwarto ko," aniya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa buong kuwarto. "Kukuha lang ako ng damit."
Isinara lang ni Daniel ang laptop at kinuha sa drawer ang susing hinihingi ni Erajin.
Nalipat ng babae ang tingin kay Daniel nang tumayo ito dala ang susing hinihingi niya.
Dahan-dahang bumakas ang gulat sa mukha ni Erajin nang papalapit na sa kanya ang lalaki. "I can open it alone."
Hindi nagsalita si Daniel at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad papalabas ng kuwarto.
"Ah, great," bulong ni Erajin sa sarili at pumaling na patalikod para sundan si Daniel.
Habang tumatagal na lumilipas ang oras ay tumitindi pa ang pagdududa niya rito. Binalikan na naman nilang dalawa ang kuwartong katapat ng kuwarto ni Daniel-ang kuwarto niya sa bahay na iyon.
"Alam mong magtatanong ako, di ba?" tanong ni Erajin habang nakatingin sa mukha ng lalaki.
"Kahit magtanong ka, wala rin akong isasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko," sagot na lang din sa kanya ni Daniel at ito na ang nagbukas ng pinto.
"Hindi ka nagagalit kina Gabrielle?" Pumasok na si Erajin sa loob at napansing parang iyon lang ang bahagi ng bahay na hindi nagbago sa paningin niya.
Maayos ang kamang kulay itim at pula ang kumot, mattress, at unan. Pula rin ang velvet curtains na nakasara. Masyado iyong malaki para sa isang taong nakatira. Wala halos laman maliban sa higaan at doon sa isang pula at itim na sofa set sa kanan.
"Hindi ko hawak ang isip nina Gabrielle, Jin."
"Gusto ko silang makausap."
"Imposible 'yan."
Tumungo na lang siya sa walk-in closet sa kaliwang panig ng kuwarto katabi ng pinto ng banyo.
Iniisip niya kung gaano ba katagal na hindi nabubuksan ang closet niya dahil kung hindi lang sa air freshener ay mangangamoy kulob ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
PROJECT RYJO 6: The Superiors: Fallen
ActionWill the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pagbabayaran ng kasalukuyan ang pagkakamali ng nakaraan. May mawawala, may magbabalik. At ang pinakamalaking pagbabago ay magsisimula nang maga...
