6: Hide and Seek

7.9K 248 14
                                        

Kung may isang dahilan si Razele para hindi lumabas ng opisina niya, iyon ay dahil tinatamad siyang makipagbasagan ng mukha sa labas. Hindi naman sa masyado siyang duwag para gawin ang maruruming trabaho na nangangailangan ng pagdanak ng dugo. Nataon lang na graduate na siya sa ganoon kaya nga siya naging OIC.

Ang kaso, iyon siya ngayon, itinatakas ang babaeng walang alaala ngunit kinatatakutan naman ng lahat—si RYJO. At hindi lang niya basta itinatakas sa kung sino lang, kundi kay Crimson.

Si Crimson na isa sa executive personnel ng Meurtrier Assassin: Central, ang main branch.

Si Crimson na leader ng Escadron Elites, ang pinagmamalaking freelance elite force ng MA.

Si Crimson na si Daniel Ash Wolfe, isa sa mga Serving Guardian ng Citadel.

Sa kahit saang anggulo niya tingnan, wala siyang laban dito.

"Sino ba yung humahabol sa 'tin?" inosenteng tanong ni Erajin nang makasakay na sila sa silver Ford Ranger ni Razele na naka-park sa likurang bahagi ng building ng HQ.

"Mag-seatbelt ka muna," paalala ni Razele dahil talagang pahaharurutin niya ang sasakyan makaalis lang sila roon.

Sinusubukan naman niyang maniwalang si RYJO nga ang babaeng kasama niya ngayon noong una dahil kamukhang-kamukha naman talaga nito si RYJO. Pero gaya nga ng nabanggit nina Tank, nagdududa rin siya dahil malayo ang ugali nito sa kilala nilang RYJO.

Pero ang nakawala ng pagdududa niya ay ang mabilisang paggaling ng sugat sa kamay nito.

Alam niyang may sa halimaw ang katawan ni RYJO, at masyado nang coincidental kung pati iyon, pagdududahan pa niya.

Sinubukang tahakin ni Razele ang daan patungo sa kabilang direksiyon kung saan may land boundary.

Madaling-araw at dapat ay natutulog na nga siya nang mahimbing sa kuwarto nila ng asawa. Ang kaso, hayun siya at tumatakas sa mas matinding halimaw maliban pa sa babaeng kasama niya.

"Razele, closed yung daan," kinakabahang paalala ni Erajin nang makita sa dulo ng headlights ang nakalagay na "NO TRESPASSING" sign.

"RAZEEEELE!" malakas niyang sigaw at sinagasaan nila ang metal na bakod. Napatakip tuloy ng mukha si Erajin at napaugoy sa inuupuan dahil sa impact ng pagkakabangga nila.

Patuloy pa rin sa pag-andar ang sasakyan at hinihintay na lang maalis sa hood ng sasakyan ang bakod.

"AAAAHHHHH!" panay pa rin ang sigaw ni Erajin habang takip-takip ang mukha.

"Jin, tapos na!"

"AAAAHHHH!"

"Jin!"

"AAAHH—ha?" Sa wakas ay natigil na rin siya sa pagtili at napatingin sa kalsada.

Napahabol tuloy siya ng hininga nang makitang mas mapayapang daan na ang nasisilayan niya. Puro malalagong puno sa gilid niyon.

"Holy sh—" Naibagsak ni Erajin ang sarili sa inuupuan at halos takasan siya ng kaluluwa nang tumanaw sa bintana.

"Ayos ka na?" tanong pa ni Razele.

"Mukha ba 'kong ayos?" sarcastic niyang tanong sa lalaki. "At sino ba 'yong lalaking 'yon? Kilala ko ba 'yon?"

Isa na namang pagbuga ng hininga kay Razele at napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

"Crimson yung pangalan ng lalaki kanina," sabi niya habang tutok ang mata sa daan. "Ang totoo, kabilang kayo sa iisang grupo ng mga assassin. Siya ang leader ninyo."

"E bakit parang ang laki ng galit sa 'kin?"

Napatangong bigla si Razele. "Dahil galit talaga siya sa 'yo." Sinulyapan niya si Erajin. "Nagdeklara ka ng all-out war sa mga namumuno sa 'tin noong nakaraang taon. Pagkatapos, bigla kang nawala. Ngayon ka na lang ulit namin nakita. Ang kaso . . ." Ibinalik na naman niya ang tingin sa daan. "Ngayon ka na nga lang ulit nagpakita, may amnesia ka pa."

PROJECT RYJO 6: The Superiors: FallenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon