13: The Provocateur

7.5K 228 4
                                        

Katatapos lang magbihis ni Josef. Black and white tuxedo at talagang binalot niya ang sarili para lang maitago sa asawa niya ang mga kalmot niya sa likod.

Hindi niya alam ang nangyari kagabi, at nagising siyang may nakahubad nang babae sa kama niya. At kahit anong isip niyang walang nangyari sa kanila, hindi niya masabing wala dahil alam niya sa sarili niyang may babae siyang kasama kagabi na buong akala niya ay asawa niya. Hindi lang niya malaman kung ano ba ang nangyari at parang nakaramdam siya ng magaang pakiramdam pagkatapos niyang kumain.

Pero maliban pa roon, bigla niyang naalala ang itsura ng babaeng iyon. Kamukhang-kamukha kasi talaga ng asawa niya. At ang kakaiba pa, nagpakilala itong Erajin Hill-Miller.

Masyadong coincidental na kamukha nito si Erajin Hill-Miller na asawa niya.

Bigla siyang napaisip. Hindi siya nito kilala. O baka tunay na tao si Erajin Hill-Miller na ginagamit lang pala ni Armida Zordick na asawa niya. Dahil kung nagawa nitong gamitin ang pangalan ni Jocas Española na ibang bata rin, malamang na magagamit din nito ang ibang pangalan pa.

"Lord Ricardo, dalawang oras na kayong late."

Nawala siya sa pag-iisip nang marinig si Xerez. Tumalikod na siya para makaalis na sa harapan ng malaking salaming nasa sulok ng kuwarto.

"Kumain na ba si Armida?" tanong niya agad sa Guardian at pinagbuksan na siya nito ng pinto.

"Kanina pa siya kumakain, milord," sagot ni Xerez na nakasunod sa kanya.

Patungo na silang dalawa sa elevator para bumaba sa lobby.

"Kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag mong sasabihin kay Armida ang mga nakita mo."

Yumuko na naman si Xerez. "Masusunod, milord."

Isa na namang buntonghininga mula kay Josef at huminto na sila sa elevator area at doon naghintay.

Hindi talaga matahimik si Josef. Pakiramdam niya, ang dumi ng katawan niya.

Ang lakas-lakas pa niyang mangako kay Armida na ito lang ang magiging babae sa buhay niya hanggang sa kamatayan niya, tapos biglang magigising siyang may ibang babae sa kama dahil lang wala ito sa tabi niya.

"Xerez . . ."

"Yes, milord."

Panibagong buntonghininga naman. "Di ba, sabi ko kahapon, kakausapin ko yung nakabunggo kong agent ng HQ?"

"Yes, milord. Pero hindi pa namin siya nakikita simula kahapon."

Napapikit na lang si Josef nang maalala ulit ang mukha ng babaeng Erajin na iyon. Tapos bigla niyang maaalala ang asawa niya.

Iniisip niyang ipapahanap niya si Erajin Hill-Miller, ang kaso, asawa niya si Erajin Hill-Miller.

"Itanong mo nga sa front desk kung may iba pa bang naka-log dito sa Wyatt na Erajin Hill-Miller. Gusto kong makausap."

"Uh—milord?" alinlangang sagot ni Xerez.

"You heard me, right?"

"Yes, milord."

Ting!

Tumunog ang kabilang elevator at iyon na lang ang tinungo nila.

Bago pa man tuluyang tumapak si Josef sa loob ay napaangat siya ng mukha dahil sa nag-iisang lalaking naroon sa loob. Lalaking sobrang pamilyar sa kanya.

Pumasok na rin siya sa loob at tumabi sa kanya si Xerez.

"Not expecting you here, though," anang lalaki.

PROJECT RYJO 6: The Superiors: FallenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon