Mahal kita, pwede pa ba?

65 11 0
                                    

Sadyang tadhana nga naman,
Landas nati'y natagpuan,
Ngunit ika'y iniwanan,
Ba't ngayo'y binalikan.

Ako'y di matatahimik,
Hangga't di ka nagbabalik,
Ang puso ko'y nananabik,
Sa tamis ng iyong halik.

Napagod man ako noon,
hindi panghabang panahon,
Panalangin ko sa poon,
"Ibalik ang mga kahapon".

Kay sakit namang isipin,
Na di na magiging akin,
Ang aking dinadalangin,
Na bumalik ka sa'kin.

Ang madaling iniwanan,
Ba't mahirap ng balikan,
Sabagay, tama nga naman,
Na ako ay pahirapan.

The Woebegone's Deepest ThoughtsWhere stories live. Discover now