Umaasa nalang ba?

118 13 1
                                    

Sa bawat segundo ika'y tumatakbo,
Sa pusong ito na tumitibok lang sa'yo.
Sa'kin ikaw ang matingkad na bahaghari,
Ikaw ang prinsesa at ako ang hari.

Araw-araw tayong magsasamang maligaya,
Sa hirap man o sa ginhawa.
Pangakong di malilimutan ng isa't-isa,
Na siyang munting ala-ala nung tayo pang dalawa.

Ako'y naghintay sa iyong pagbabalik,
Pero di ka nakita ni isang saglit.
Pagod na akong maghintay o masaktan,
Mahirap maghanap ng taong magpawalang hanggan.

Lahat ng mga pangarap ay tila napako,
Sakit at pighati ang idinulot.
Parang trumpo na pinaikot-ikot,
Na walang hahantungan kundi huminto.

Kahit alam kong masakit sa huli,
Mamahalin pa rin kita tulad ng dati.
Mga pinagsamahang di mapapawi,
Sa puso't isipan ika'y mananatili.

The Woebegone's Deepest ThoughtsWhere stories live. Discover now