Duwag ako, dahil sa'yo

36 6 0
                                    

Mahal mo siya, pero di ka umaamin,
Duwag ka, sa sarili'y aminin.
Masaya ka kapag nasa iyo ang pansin,
Pero masakit kapag may iba siyag kapiling.

Yung gusto mong umamin pero 'di mo magawa,
Dahil natatakot ka sa magiging resulta.
Mas mabuti nang masaktan habang alam niya,
Kesa sa masasaktan ka, eh wala ka namang magawa.

Pero malay mo may nararamdaman din siya?
Tulad ng nararamdaman mo para sa kanya.
Bakit ba nahihirapan kang gawing?
Simple lang, dahil wala kang lakas ng loob para umamin.

Walang mangyayari kung puro ganyan lang,
Wala ring maayos na patutunguhan.
Umamin ka na habang maaga pa,
Dahil mas masakit kapag pinatagal mo pa.

Ngayon may iba na, nasasaktan ka?
Siyempre, dahil may nararamdaman ka.
Ang tanong, may karapatan ka ba?
Na kahit masakit, ipinagpatuloy mo pa?

The Woebegone's Deepest ThoughtsWhere stories live. Discover now