CHAPTER 3

359 9 3
                                    

"Hello Ninang Kim! We're here..." Kim heard cute voices from downstairs.

Kim went down. Dumating ang Kuya Will nya kasama ang wife nya na si Ate Kaye at two daughters nila na si Kate, 4yo and Kelly 3yo. Si Kuya Will ang eldest sa kanilang tatlong magkakapatid. 8 years ang age gap nila ni Kim, kaya naman may pagka-spoiled (in a good way) si Kim sa kanya, very close talaga silang dalawa. Kaya nang magka-baby ang kuya Will nya, kinuha syang Ninang,, her very first inaanak. Si Kate ang inaanak ni Kim pero nakiki-Ninang din si Kelly kaya kung may regalo si Kate dapat meron din si Kelly kung hindi malaking problema. Mahal na mahal ni Kim ang dalawang pamangkin.

" Uy maaga kayo ha, akala ko bukas pa ang dating nyo" laging bumibisita sa kanila ang mag-anak every Saturday basta free ang mga ito. Then, overnight till Sunday. Pero today Friday night pa lang eh nandito na, kaya nagulat sila Kim.

"May out of town kasi ang Kuya mo. Aalis sya sa Sunday going to Cebu for a week conference, kaya inagahan na namin ang punta dito, then early morning, tomorrow eh uwi na kami." sabi ni Ate Kaye.

"I miss you Ninang" sabay na sabi ni Kate at Kelly habang nakayap sa legs ni Kim.

"Awww, I miss you, too" lumuhod si Kim para yakapin at halikan ang dalawang pamangkin.

"O sya, kumain na muna kayo at siguradong gutom na ang mga bata" sabi ng nanay nila.

"Mabuti na lang at maaga akong nagluto. Halika na kayo. Kim tulungan mo muna akong maghanda dito." dagdag pa nito.

Pagkatapos kumain at magkamustahan ay umakyat na sila sa kanya-kanyang kwarto dahil gabi na rin at pagod na ang mga bata.

"Kim, are you still awake?" tanong ni Ate Kaye habang kumakatok sa bedroom door nya.

"Pasok Ate." habang binubuksan ni Kim ang pinto.

"O ano kumusta na si 'soulmate'?" bungad ng ate nya. yong pag-aaral lang kasi ang napag-usapan nila kanina habang kumakain dahil kaharap ang parents nila. Open naman si Kim sa nanay nya kaya lang medyo limited ang kwento ni Kim pag tungkol kay Sam, kaya naman sa Ate Kaye nya ito ikinukwento.

Naging close friends din si Kim at Sam dahil na rin sa araw-araw na pagpaparamdam ni Sam na special sya. Nagtataka nga rin sya sa sarili kung bakit napalapit sya kay Sam. Si Kim ay pinalaki na very conservative dahil very old fashioned talaga ang mga magulang nya, though she was born and raised in Manila, you would think otherwise. Kung tutuusin, madali para kay Kim ang makipagkaibigan sa mga lalaki dahil may dalawa syang nakakatandang kapatid na lalaki, at talaga namang napaka-friendly ni Kim, kaya lang everytime na may magiging kaibigan syang lalaki eh liligawan sya in the long run kung hindi man sa umpisa pa lang kaya ang solusyon nya dito ay ang umiwas. Nang mag-college na sya ay dala pa rin nya ang ganoong idea sa isip nya pag dating sa mga lalaki. Pero iba si Sam, hindi sya nanligaw kay Kim. Nang mapalapit sya kay Sam, na-realised nya na mali ang first impression nya dito. Mabait at malambing si Sam. Namiss-interpret lang nya ang pagiging malapit nito sa mga babae na ang totoong dahilan ay sabik lang talaga sya sa attention ng mga ito dahil lima silang magkakapatid na puro lalaki. Kaya nang nagtagal ay hindi na sya umiwas kay Sam at tinanggap ang pakikipagkaibigan nito. Hindi ito nanligaw sa kanya pero special ang treatment nya kay Kim na pansin naman ng mga kaibigan at kaklase nila. Panay ang pahatid hangin nito sa kanya na nakasanayan na rin ni Kim although at first she finds it awkward, pero ok na rin dahil hindi naman ito tuluyang nanligaw.

"hahaha..." natawa lang si Kim pero may konting lungkot sa mata nya.

Natatawa sya kasi naalala nya nang sabihin nito na soulmate daw sila ni Sam pero hindi nya alam kung bakit medyo nalungkot din sya at the same time.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time Will Tell...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon