CHAPTER 24~(One of her Relatives)

429 7 2
                                    

Narrators PoV

"Ito ang sahod mo, ito naman sayo, sa'yo naman ito at ikaw ang huli. Isa, dalawa.. okay! Ginawa niyo ng maayos ang trabaho niyo kaya dinagdagan ni sir 'yan. " Saad ng isang lalaking nakasuot ng kulay pulang tuxedo habang nagbibigay ng mga envelope na naglalaman ng pera.

"Salamat Bogz! Pakisalamatan nalang si boss!" Saad ng isa sa mga lalaking bumugbog kay Brian.

"Oo nga! Grabe! Ang dami nito!" Ani din ng isa.

"5 thousand kapalit lang ng pagbubugbog? Nako! Lagi na akong magtatrabaho para kay boss! Haha!" Saad ng isa pa.

"Tsk." Nasabi lang ng pinakahuli. Sa kanilang apat, siya ang pinakabata. Kasing-age ni Ash.

At kasama din nila sa MU..

Ang pagsang-ayon niya sa planong ito, labag na labag sa loob niya. Pero dahil nakatira sila sa squaters area at may sakit ang mama niya, kumapit siya sa patalim.

"Oh Mike? Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Bogz.

Ang sekretarya ni A.

Tumingin si Mike sakanya at tipid na nginitian. "Hindi lang po halata.."

Nakangiti si Mike pero sa loob niya ay pinapakiramdaman niya si Bogz. Nakita niya kasing may baril sa likod na bulsa niya. Pakiramdam niya ay gagamitin niya 'yon sakanila.

"Ahhhh. Hahahaha! Osige sige. Pwede na kayong umuwi." Nakangiting saad nito.

Mike's PoV

Mukhang masaya ang ngiting 'yon pero masama ang pakiramdam ko para do'n.

Sumabay na ako maglakad kasama ang mga adik na ito habang pinapakiramdaman parin si Bogz.

Ilang minuto pa ay biglang natumba ang isa sa mga kasama namin at nagsunod-sunod na iyon hanggang sa ako na ang natumba. Tinignan ko ang mga kasama ko at sa ulo sila tinamaan. Sure dead. Pero ako, hindi ako natamaan. Sadyang matalino lang ako para ilagan 'yon at magkunwaring patay na din.

'Gumamit pa talaga ng silencer ah?'

Ilang minuto pa ay narinig ko ang mga litok ng sapatos niya papunta saamin kaya pumikit na ako.

"Do you think sir Almer will let you live? Now that you know who ordered you to do so. Hindi niya kailangan ng mga katulad niyong uhaw sa pera. Tsk tsk." Saad niya. Sumilip ako ng kaunti at nakitang kinukuha niya ang mga hawak naming envelope na may pera. Nang saakin na ang kukunin niya ay pumikit akong muli. Kinuha niya naman ang saakin at saka umalis na.

'Buti nalang at hindi niya ako nahalata.'

Nag-antay pa muna ako ng limang minuto bago ko inangat ang paningin ko at tinignan kung meron pa siya at luckily, wala na.

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko.

'Sabi na nga ba't masama ang desisyon kong ito. Tsk tsk tsk.'

Sinulyapan ko ang mga kasama ko at patay na talaga sila. Umiling nalang ako at nagpamulsa bago umalis.

Vance's PoV

I'M THEIR MUSEWhere stories live. Discover now