Chapter 20~(Now they understand)

565 11 0
                                    


Narrator's PoV

6:40am na at nasa kusina na si Zach na nagluluto ng breakfast nila. Bacon, meatloaf at fried rice ang niluto nito. Mukhang simple lang pero kapag si Zach ang nagluto ay hindi kayo magsisising gumamit ng gasul.

Nang matapos siya ay kinatok niya na ang kwarto ni Winter. "Winter, gising na. Kain na tayo." wika nito habang nakadikit pa ang tenga sa pinto. Ang hindi niya lang alam ay gising na si Winter kaninang 6:00 palang.

Agad niya namang binuksan ang pinto at muntik ng malaglag si Zach kung hindi lang siya nahawakan sa kamay ni Winter. "Dahan-dahan kasi." wika niya.

Nagulat naman si Zach ng mapatingin siya dito dahil naka-ayos na ito. "Kanina ka pa ba gising Wints? Ang aga naman?" takang tanong nito.

"Mamaya ko na sabihin. Kain muna tayo. Ayokong mawalan ng ganang kumain." saad naman ni Winter. Inisip niya ring magluto ng breakfast pero naunahan siya ng laman ng isip niya.

Pumunta na sila sa kusina at namangha si Winter sa amoy ng mga pagkain.

'Mukhang masarap..' isip nito.

Naupo na sila at nagumpisa ng kumain.

Unang subo palang ni Winter ay parang ngayon niya lang naramdaman ang gutom. Lumaki din ang mga mata niya na tumingin kay Zach na natatawa sa itsura niya.

"Ikaw nagluto nito?" tanong niya at nagsubong muli. Kung titignan mo siya ay sarap na sarap siya sa pagkain.

"Oo naman! Sino pa bang kasama mo dito? Ano? Masarap 'no?" nakakalokong tanong nito pero walang bahid na yabang.

'Humble ang loko..' Isip ni Winter.

"Ang sarap! Sobra. Bakit ngayon mo lang ako nilutuan eh kahapon pa tayo magkasama dito." kain parin ng kain na saad nito. Napatawa na talaga si Zach.

'Ang cute cute naman ni Wints..' isip niya.

"Pa'no kita lulutuan eh male-late na tayo? Huwag kang maga-alala. Araw-araw mo 'yang matitikman, basta maaga ka lang. Haha!" tumatawant saad pa nito. Napangiti naman si Winter.

Para tuloy ayaw niya ng ipakita ang sanhi kung bakit maaga siyang nagising ngayong araw.

'Badtrip. Umagang-umaga kasi eh..' may bahid na inis sa mukha nito pero tuloy-tuloy parin ang pagsubo.

Pagkatapos nilang kumain ay siya na ang naghugas. Konti lang naman. Dalawang plato lang naman. Haha!

Naupo muna sila sa couch dahil maaga pa.

"So Wints, bakit ang aga mong nagising ngayon?" pangbabasag sa katahimikan ni Zach.

Napatingin naman sakanya si Winter at may hinugot sa bulsa. Isa nanaman 'yong papel na galing sa mortal niyang kaaway. Ito ang sanhi kung bakit maaga siyang nagising.

"May kumatok sa bintana ko ng mga 5:50 kanina kaya nagising ako. Kahit inaantok pa ako ay sinilip ko parin 'yon pero isang papel lang na nakadikit sa labas ng bintana ang nakita ko. Hindi naman iba saakin ang papel na 'yon dahil alam kong galing 'yon sakanya. O ayan, basahin mo." inabot nito ang papel kay Zach at binasa naman ito ni Zach.

I'M THEIR MUSEWhere stories live. Discover now