CHAPTER 28~(She already know)

387 8 1
                                    


Narrator's PoV

Kasalukuyang nasa kwarto ni Vance sina Winter, Ash, Owen, Ace at Zach habang nakatitig sa tulog na Vance.

Lahat sila ay iniisip ang lahat ng nangyayari pero si Winter, iniisip ang sinabi ng lalaki kanina.

"Isipin mo ng mabuti, bakit kaya kapag bumibisita kayo sa puntod ng tito mo ay may nauuna ng bulaklak sainyo?"

Nang may maisip siya ay tumayo siya kaya napatingin sakanya sina Ash.

"What's wrong Wints?" Tanong ni Ash.

Tumingin si Winter sakanila at ngumiti. "I'll just go somewhere. 'Wag niyo na akong sundan." Anito at tumalikod na pero pinigilan siya ni Ash.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Dyan lang.." sagot naman ni Winter.

Kumunot ang noo ni Ash gayon din ang iba pa.

"Sama ako Wints." Singit naman ni Zach pero nanatili paring nakatalikod si Winter.

"Just come if you want.." Anito at tuluyan ng umalis.

Nagkatinginan ang mga naiwan sa kwarto.

"Zach, you go." Ani Ash kaya tumango si Zach at sumunod na kay Winter.

Pagkalabas niya ay luminga-linga pa siya bago makita si Winter na nakatapat sa elevator. Patakbo siyang pumunta don at tumabi sakanya. Hindi naman lumingon si Winter at nanatiling nakatingin sa harapan niya.

Nang magbukas ay agad siyang pumasok at gayon din si Zach. Pinindot niya muna ang UG bago sumandal.

Paunti-unting sumusulyap si Zach kay Winter dahil iba ang mood nito ngayon. Hindi naman nakakatakot pero naa-awkwardan siya kaya nagsalita na siya.

"Wints, pagod ka na ba?" Anito at tumingin na sakanya.

Napayuko si Winter kaya lumapit si Zach sakanya.

"I'm very tired Zach. Pero anong magagawa ng pagiging pagod kung sunod-sunod ang binibiktima niya?" Anito habang nakayuko parin.

"Wints, don't worry. Malalampasan din natin ang lahat ng ito." Ani Zach at inakbayan si Winter. Sakto namang bumukas ang pintuan ng elevator kaya lumabas na sila at dumiretso sa kotse ni Winter.

Zach's PoV

Nang paandarin ni Wints ang makina ay humarap ako sakanya.

"Wints, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko. Akala ko hindi siya sasagot pero sumagot siya.

"Sa puntod ng tito ko.." Anito habang diretsong nakatingin parin sa daan.

Kahit nagtataka ay tumingin nalang din ako sa daan.

Liliko kami sa kaliwa, tapos kakanan, tapos kakaliwa ulit tapos kakanan ulit. Nakakahilo pero anong magagawa ko? Ginusto ko 'to eh!

Ilang minuto lang ay natatanaw ko na ang hile-hilerang puntod.

'Sa wakas..'

Nag-park kami sa gilid at tsaka bumaba. May mga nagbebenta ng mga bulaklak at kung ano-ano pa sa tabi lang ng mismong sementeryo. Pumunta siya do'n para bumili ng bulaklak kaya napangiti ako.

'Kahit na nalaman niyang ginawan siya ng masama ng tito niya ay ginagawa niya parin ang mga ito.'

"Proud ako sayo Wints." saad ko kaya napatingin siya saakin habang nagbabayad sa babaeng nagbebenta.

I'M THEIR MUSEWhere stories live. Discover now