Chapter 21~(A sudden disaster)

540 10 7
                                    


Narrator's PoV

Kasalukuyang nagdi-discuss ang guro nila ng may kumatok sa pinto nila.

"Yes? Come in." Saad ng guro nila.

Bumukas ang pinto at niluwa student council president nila na si Carlo.

"Announce po ulit, sir." Saad ni Carlo at tumango naman ang guro. Tinapat niya sa mukha niya ang papel na hawak niya at nagsimulang magbasa.

"We have a good for the students and bad for the teachers news. Good for the students because the remaining 2 days of classes before the continuation of ASE will be used for additional preparations and practices. Bad for the teachers because their lessons will be disrrupted and they would have to cope up with the schedule. I'm giving chances for the students who will participate to the remaining sports. Please use them wisely and purposely. But first, finish your morning classes and in the afternoon, start your preparations. It would be better if you concentrate on your booths this afternoon. The prize awaits! And besides, training would be better in the morning. Have a nice day, students!" Saad ni Carlo at napahiyaw naman silang lahat samantalang ang guro ay napasimangot. "'Yan ang sabi ng dean. Thank you for your time. I'll be going now, sir." Dagdag niya at tumango lang ang guro bago tumingin sa buong klase.

"Oh kaya kayo, dapat irespeto niyo ang dean kasi mabait siya. Kahit bata pa siya ay alam niya ang ginagawa niya. Sana paglaki niyo ay maging kagaya niyo siya." Sabi ng guro nila at napatango naman ang buong klase kaya nagpatuloy na siya sa pagdiscuss.

Mabilis ding natapos ang morning classes nila at lunch na.

Kasalukuyang nakapila ang karamihan sakanila samantalang naiwan naman sina Ash, Winter, Dale, Bill at Owen sa table NILANG LAHAT.

(A/N: Nagtaka ka pa? Haha.)

Nag-uusap lang sila do'n hanggang dumating ang mga order nila. Nagsimula na silang kumain habang puno ng kwentuhan. Sila na ata ang may pinaka-masayang table sa buong canteen. Ngunit ang maingay na atmospera ay biglang tumahimik ng biglaang mapatayo si Winter habang may nakahawak sa collar ng t-shirt niya.

"Ang lakas ng loob mong magpakasaya d'yan samantalang kami ay nagdudusa sa ginawa mo saamin?!" Sigaw ng kung sino at ang kung sinong 'yon ay walang iba kundi si Samuel. Kasama niya ang mga lagi niyang kasama na may mga bangas din sa mga mukha. Nando'n na din si Norton na siyang natatanging walang bangas sa kanilang anim.

"Bitawan mo nga ako." Saad ni Winter na pilit inaalis ang kamay ni Samuel mula sa pagkakadikwat sa damit niya.

Kusot na kusot na ito at konting-konti nalang ay makikita na ang tiyan niya.

Nang hindi pa siya binbitawan ni Samuel ay pabalang na tinabig ni Ash na katabi niya ang kamay ni Samuel.

Mas lalo namang kumunot ang noo ni Samuel. Pati narin ang mga kasama niya except muli si Norton. Diretso lang itong nakatingin kay Winter.

"Hoy Winter, anong ginawa mo sakanila?" Walang modong saad ni Norton kay Winter.

Tinignan naman siya ni Winter at tinapatan ang blankong mukha nito. "May magagawa ba kapag sinabi ko?" Seryosong saad nito.

Naiinis na si Winter sa ginagawa ng grupong ito sakanya. Wala siyang ginagawa pero lagi nila siyang pinagti-tripan na parang laruan.

I'M THEIR MUSEWhere stories live. Discover now