CHAPTER 22~ (M2F)

520 11 3
                                    


Narrator's PoV

Pagkatapos bisitahin nina Winter si Zachary ay agad silang nag-report sa dean nila. Naiwan naman ulit si Dale para magbantay kay Zachary. Hindi pa kasi dumating ang mga magulang nito. Kaya pansamantala lang muna si Dale.

Sa sasakyan muli ni Cody sila sumakay at humarurot papunta sa eskwelahan nila.

Nang makarating ay dumiretso sila agad sa dean's office.

Kumatok muna sila bago pumasok.

"Oh! Sakto lang kayo dahil katatapos ko lang mag-announce. Tanong niyo nalang sa mga kaklase niyo kung ano 'yon." Wika niya at tumango nalang sila. Pinaupo naman sila ng dean kaya pabagsak silang umupo. "Ano? Anong balita?" Tanong ng dean.

"Totoo pala dean. Wala na si Samuel.." mahinang usal ni Vance pero sapat lang para marinig nilang lahat.

Halatang gulat ang dean nila pero hindi niya pinahalata 'yon at nagtanong pa.

"D-dumating na ba ang mga magulang niya?" Kinakabahang tanong dean. Tumango naman silang lahat na siyang nagpalumo sa dean. "Nako, masama 'to." Iiling-iling na saad nito at malalim na nag-isip.

Tumahimik ang buong silid na inookupa nila. Walang ni isang gustong basagin ang katahimikang 'yon dahil alam nilang 'yon ang oras para mag-isip ng malalim.

Mga ilang minuto lang ay nagsalita ulit ang dean.

"Isu-suspend ko nalang ang k-klase ng isang linggo. 'Yon lang ang naiisip kong gawin ngayon." saad niya habang nakakunot parin ang noo.

Ramadam naman ng iba ang lito at kaba ng dean.

Naawa si Winter sakanya, sakanila! Kung hindi siya lumipat ng paaralan ay hindi mangyayari ito sa eskwelahang ito.

'Kasalanan ko 'tong lahat.."

"This is all my fault." Walang ekspresyong saad ni Winter. Napatingin naman sakanya lahat ng tao sa office ng dean. Halatang naaawa sila kay Winter dahil humantong na ito sa pagsisi niya sa sarili niya. "This is my fault, so I will be the one to fix it and put all back into place. Sige kuya Jonas, suspend tha classes and I will think of a plan. Please.." may halong pighating pakiusap nito.

"Pero paano? Anong gagawin mo? Hindi mo nga siya kilala! Paano ka gagawa ng plano?! You're close to sacrificing yourself!" Ani Ash. Napatango naman ang iba.

Winter just rolled her eyes and said.. "I will not sacrifice myself. I said, I will make a plan and in that plan, I will not be sacrificing myself. Kung sinakripisyo ko ang buhay ko, paano kung hindi umayon saakin diba?! Then the supervillain will come back to my brother again and he will be the next. So please, just trust me." May halong pagmamaka-awa nitong muling saad.

Naging blanko naman ang ekspresyon ni Ash. "Okay! If that's what you want! But in three conditions." Saad nito at kumunot naman ang noo ni Winter.

"Ano naman 'yon?!"

"First, be safe. Second, huwag mong sarilihin ang nga problema mo. And lastly, let me, Ace and Zach join you in your plan. Is it a deal?" Nakangising saad nito.

I'M THEIR MUSEWhere stories live. Discover now