My Childhood Friend

32 7 0
                                    


"🎶You can count on me like 1,2,3 I'll be there.......... Co'z that's what friends are supposed to do oh yeah....🎶"

Dahil sa kantang ito, naalala ko na naman siya.

Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.

*Flashback*

"Ayan! Pakinggan mo," sabi niya.

"Anong kanta na naman? Baka nakakalungkot na naman iyan, ah," biro ko.

"Hindi, promise," sabi nito sabay taas ng kanang kamay niya na parang nanunumpa.

Ipinasok ko sa tenga yung isang earphone at ganon din siya.

Mahilig siyang makinig ng music. Araw-araw iyang may ipinaparinig sa akin tuwing darating siya dito sa amin. Lalo na pinaparinig niya sa akin ang mga bagong labas na mga kanta. Kaya pati ako kinahiligan ko na rin.

(A/N: Paki search na lang po yung lyrics ng 'Count on me' by Bruno Mars. Thanks.)

"🎶If you ever find yourself stuck in the middle of the see. I sail the world. To find you. If you ever find yourself lost in the dark and you can't see. I'll be the light, to guide you. Find out what we're made of. When we are called to help our friends in need.🎶"

"You can count on me like 1,2,3 I'll be there," nabigla ako ng kumanta siya. Kahit na bata pa lang kami. Ang ganda na ng boses niya. "Co'z I know when I need it I can count on you like 4,3,2 and you'll be there. Cause that's what friends are supposed to do oh yeah," tuloy niya sa pagkanta habang tumitingin sa akin.

Pinause niya yung music at tumingin ulit siya sa akin.

"Ang title niyan ay 'Count on me'," natutuwang sabi niya.

"Oh, tapos?" bored na sabi ko.

"Ang ganda di ba? Narinig mo ba yung kinanta ko?"

"Yeah,"

"That line is our motto," nagtaka naman ako sa sinabi niya. "It's like, our friendly theme song. Hindi ba ang ganda? Daebak!" namamanghang dagdag pa nito.

"Corny mo talaga," sabi ko na lang.

"So? Ano naman? Basta iyon ang theme song natin, ah?"

"Yeah, yeah, yeah. Whatever,"

"Bakit ganyan ka magsalita? Parang ayaw mo lang, eh." nakabusangot na sabi nito.

"No, I'm not."

"Eh, parang napipilitan ka lang. Sabihin mo na lang kung ayaw mo. Tsee!!!" nag-walk out siya. Tss.

Hindi naman sa ayaw ko, eh. Yun din yung sanang ipaparinig na kanta ko kahapon, naunahan niya lang ako.

"You can count on me like 1,2,3 I'll be there.Co'z I know when I need it I can count on you like 4,3,2 and you'll be there. Cause that's what friends are supposed to do oh yeah," wala sa ritmong sabi ko at napatigil siya sa paglalakad.

Short StoriesWhere stories live. Discover now