The second kiss
Halos tatlong araw na at hindi parin umuwi si Leodemar galing New York, sabi ni maam Valdez sa akin ay may mga client daw syang dapat e meet doon, ang sabi ni Maam Valdez ay 2 araw lang daw si Leodemar doon pero ika tatlong araw na ngayon, wala parin sya.. 1 week na akong nasa posisyon at masaya ako dahil marami akong natutunan, lalo na yung sistema nila dito.
Kakatapos ko lang mag lunch at heto, tinatapos ko na namang e edit ang project presentation ni Leodemar , para pagka dating nya ay okay na ang lahat. Kaninang umaga ko pa ito sinimulang e edit.
Nasa gitna ako nang pag tatype ng biglang sumagi sa isip ko si Jen, yung bruhang iyon.. halos isang linggo ko ring di nakita at naka usap, bibisitahin ko nalang iyon ngayong linggo kung hindi ay tatawagan ko nalang, siguro busy rin iyon sa business nya.. haayy.. nakakalungkot lang isipin na may kanya kanyang buhay na kami ngayon, noon wala kaming ibang iniisip kundi ang pag aaral, projects, assignments at reports pero ngayon, trabaho na inaatupag namin, nakakamiss din..
NATAPOS ang araw ng wala akong balitang umuwi na si Leodemar, sa twing nasa office ako hindi ko maiwasang mapatingin sa table nya at na iimagine ko syang nandon, nakaka miss rin pala ang presensya nya..
Nasa kwarto ako ngayon at naisipan kong tawagan si Jen..
Sandaling nag ring yung phone nya at agad nya iyong sinagot..
' yaaaat! '
Sigaw nya sa kabilang linya, nailayo ko naman ng bahagya yung phone sa tenga ko..
' tang ina ang sakit sa tenga.. '
Narinig kong tumawa sya..
' yat, sorry at hindi na ako nagpapakita sayo .. buntis kasi ako.. '
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya..
' joke! Hahaha.. '
Umirap ako at napangiti, isip baliw parin sya hanggang ngayon..
' kumosta ka ba ? Bakit wala na tayong pakiramdaman ngayon? '
Narinig kong huminga sya ng malalim..
' alam mo kasi Yat, nakaka inis si dad. Ako ba naman iyong inutosan na gumawa ng project na e present ngayong darating na sabado, busy talaga ang lola mo .. nag mumukha na akong zombie nito .. '
Napa ngiti ako sa sinabi nya..
' proud na proud naman ako sayo yat, dahil kahit ayaw mo sa company nyo still tinatanggap mo ang mga utos sayo ni dad mo. '
Saglit itong tumahimik ..
' salamat yatt, ako rin naman proud kaya ako sayo dahil ang lakas ng loob mong manatili sa hot mong boss.. hahaha! '
Napatawa narin ako sa sinabi nya..
' basta galingan mo lang yatt ha, alam ko namang kaya mo yan eh, ikaw pa.. '
Sabi ko sa kanya , alam ko naman kasi na kahit anong mangyare ay agad naman itong makakahanap ng paraan, she's smart and brave..
' oo naman yat, mana naman ako sa katapangan mo.. '
Napangiti ako sa sinabi nya..
' na miss kitang bruha ka.. kita naman tayo, pag may vacant ka na .. '
' oo naman yatt, tatawagan kita .. namiss rin kita .. '
' ingat ka lagi.. '
' oo yat . Ikaw rin.. '
Saglit akong napahinto ng may narinig ako sa kabilang linya boses ng lalaki ..
' yatt? Sino yun? '
Tanong ko..
BINABASA MO ANG
ONE IN A MILLION
RomanceR-18 A million feelings , ang nararamdaman nang isang independent woman na si Jessa joy nong una nyang ma meet ang lalaking si Leodemar Fernandez na syang nagparamdam sa kanya ng kakaibang feeling sa isang beses lang na halik. They met again when Je...