Chapter Five

127 30 3
                                    

Habang naglalakad ako, nag-iisip ako ng pwedeng sabihin kung sakaling magkita kami ni Edward. Grabe! Ang hirap nito. Ewan ko ba? Di ba nga sabi nya wala lang yun sa kanya pero heto ako grabe magreact. Syempre ako babae eh. Kaya nakakailang pa rin sa akin yun.

Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakalagpas na ko sa bahay nila Edward. Buhay nga naman! Tsk.

Nang nasa tapat na ko ng bahay nila, bumubuo pa rin ako ng dahilan. Malay mo, sya yung mag-open ng door kaya dapat ready lang ako.

Nag-doorbell na ko. Mabuti na lang at yung kasambahay nila na si Ate Melissa yung nagbukas. Nakahinga din ng maluwag.

 Iris: Ate, nasan si Tita Jane?

Melissa: Ikaw pala iris. Nasa kusina sya. Kanina ka pa nya hinintay eh. Tara pasok ka.

Sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok ko, hindi ko naiwasan ilibot yung paningin ko sa buong kabahayan. Masyadong antigo yung pagkakagawa. Pakiramdam mo nasa sinaunang panahon ka pa rin.

Naabutan namin si Tira Jane na ipinapasok na sa oven yung mga cookies.

Melissa: Ate andito na po si Iris.

Tita Jane: Andito ka na pala iris. Mabuti dumating ka. Nagbake ako ng cookies kaya sabayan mo kami kumain mamaya.

Iris:Syempre naman tita, hindi ako tatanggi sa biyaya. Mukang masarap pa.

Tita Jane: (Ngumiti) Sana talaga.

Melissa: Sige po ate, balikan ko na po yung ginagawa ko sa labas.

Tita Jane: Sige, salamat.

Tinulungan ko naman si tita sa pagliligpit ng mga nagamit sa pagbebake.

Tita Jane: Teka lang iris, kunin ko lang yung brochure sa kwarto ko para makapili ka na.

Iris: Sige po tita.

Nang lumabas na si Tita sa kusina, pumunta ako sa harap ng oven para abangan yung pagkaluto ng mga cookies. Wala lang ako maisip gawin kaya napgdiskitahan ko yung oven. Siguro mga 5mins. din akong tumunganga sa harap ng oven.

Nakatalikod pa rin ako ng may narinig akong pumasok sa loob ng kusina. Naisip ko na baka si Tita Jane yung kaya lumingon ako. Pero wrong move kasi yung unggoy nyang anak yung pumasok.

Naka jersey at halatang galing lang sa paglalaro kasi pawisan pa sya. Bigla akong kinabahan. Wrong timing naman, hindi ako ready sa speech ko. Pero lalo pa kong kinabahan ng mapansin na ang gwapo nya sa suot na jersey. Naconcious tuloy ako bigla.

Edward: Hoy dwarf, bakit mo binabantayan yang oven namin? Don't worry, hindi yan maglalakad bigla. (Sabay tawa)

Inisnaban ko lang sya bilang sagot ko sa kanya. OMG! Hoy, puso wag kang makulit. Relax ka lang dyan at baka mawala ka sa tamang pwesto mo. Putek naman.

Edward: Highblood ka na naman dyan. Bakit ka nandito? Siguro namimiss mo na ako no?

Iris: Hoy!! Lalaking unggoy, wag piling. Hindi ka nakakamiss.

Naglakad sya palapit sa akin. Bigla naman akong napaurong. Anong pakulo na naman kaya ito? Siguro mga 1inches na lang yung pagitan namin ng tumigil sya.

Iris: Umurong ka nga unggoy!! Hindi ka nakakatuwa.

Lalo lang nyang inilapit yung muka nya. Kaya sa sobrang kaba ko nun, napapikit na lang ako. 

Pero hindi nagtagal, narinig ko yung pagtawa nya. Napadilat tuloy ako. Naglalakad na sya palayo sa akin. Kakaiba rin ang trip nito!! Grr!

Edward: Nakakatawa yung itsura mo iris. Kung nakita mo lang. (Natatawa pa rin sya habang sinasabi nya iyon.)

Naiinis ako ng sobra kaya hinagis ko sa kanya yung pot holder na nahawakan.

Iris: Nakakabuwisit ka talaga. (Sigaw ko)

Sa ganung eksena kami naabutan ni Tita Jane. 

Tita Jane: O anong meron dito?

Edward: Wala lang mommy. Nagkakabiruan lang kmi ni dwarf. (Ngumiti pa sa akin ang unggoy.)

Tita Jane: Ikaw anak, wag mo ngang matawag tawag  na dwarf itong si iris. Baka lalo kang mawalan ng pag-asa dyan. Osya, magpalit ka na at sumabay ka na samin sa pagkain.

Edward: Sige mommy. Hoy,) Iris, stay put ka lang dyan. Sige akyat na ko. (Tumakbo na sya paakyat sa room nya.

Kahit kailan talaga. Abnormal sya! Hmpp.

Binigay naman ni Tita jane yung brochure sa akin.

Tita Jane: Iris, magtingin tingin ka muna dyan habang hinihintay natin na maluto yung cookies.

Iris: Sige po, Tita.

Nagsisimula palang akong magscan sa brochure nang tumunog yung oven. Luto na yung cookies.

Tumayo ako para tulungan sa paghahanda si Tita ng lamesa. Nang maayos na namin yung lamesa, umupo na kami. Umupo sa center chair si tita jane, habang ako dun sa left side. Habang naglalagay kami ng mga cookies sa mga plato namin, napansin namin na walang inumin na nakalagay sa lamesa namin. Napangiti lang kami.

Iris: Ako na lang po yung kukuha, tita.

Tita Jane: Sige, nasa labas pa yata si melissa eh.

Patayo na ko nun ng timing naman na dumating si Edward. Bigla syang lumapit sa akin. Hinila nya yung isa kong kamay. Syempre, bigla akong nailang.

Edward: (Nakakunot ang noo) Hoy, dwarf, saan ka pupunta? Iiwasan mo naman ako?

Iris: Kulang ka talaga sa pansin no? Bakit naman kita iiwasan.

Edward: Malay natin, naiilang ka sakin kasi crush mo ko. Di ba ganun yun?

Putek?! Ako may crush sa kanya? ASA!

Iris: Pwede ba! Gumsing ka sa katotohanan. Kay Vince lang ako. (Bigla kong naalala na kasama pala namin si tita jane. Shete! Buking na ko!)

Tumingin ako kay Tita Jane para alamin yung reaksyon nya tungkol dun sa sinabi ko. Nakangiti lang sya samen.

Tita Jane: Kukunin lang ni Iris yung juice sa ref, kaya don't worry makakasabay natin sya sa pagkain.

Iris: Okay. I'm sorry. TH din kasi ako. (Bigla sya tumawa pagkasabi nun.)

Lumakad na ko para kunin yung juice. Kahit kailan, pahamak si edward. Ano na lang iisipin ni Tita Jane? Na pumupunta lang ako sa kanila para maki-update tungkol kay Vince? Nakuuuuuu!

Bumalik na ulit ako pagkakuha ko ng juice. Medyo naiilang pa rin ako. 

Nagulat ako ng biglang nilagyan ni edward ng cookies yung plate ko. 

Edward: Kumain ka ng madali para naman magkataba ka.

Sinimangutan ko lang sya. Plastik nito ><

Tita Jane: Sige, kumain na tayo.

My Love Is Like a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon