Chapter Eight

145 20 10
                                    

Ako? Namimiss nya? Sa sobrang kilig na nararamdaman ko, parang hindi na umandar yung utak ko kaya wala akong maisagot. Parang kontento na kong tingnan sya. Kaya yun nga ang ginawa ko, tinitigan ko sya.

Edward: Huuuuyyyy! Buhay ka pa ba Iris?

Ooopppsss! Buhay pa nga ba ko. Hindi na yata. Patay na patay kasi ako kay Vince. HANUBAYAN!

Hinarap ko ulit si Edward. Bakit ba palagi na lang nya ako inaasar?

Iris: (Nilakihan ng mata si Edward) Oo. Buhay pa ko. Ikaw? Gusto mo na bang mamatay?

Edward: Hija, hindi bagay sayo. Ang pangit mong tingnan. Baka maturn-off sayo yung pinsan ko. (Nag belat pa sya sakin.)

GRRRRR! Nakakahighblood tong lalaking to. Hindi ko alam kung may tama na ba to sa pag-iisip.

Mama: Mga bata, tara na’t mag-almusal.

Sabay sabay kaming tumayo. Hinawakan ako ni Vince sa siko para alalayan. At itong magaling na si Edward, napansin na naman.

Edward: Bru, hindi pa yan lola para ganyanin mo. Kaya na nya maglakad mag-isa.( Nag make a face pa sya.)

Ngumiti lang si Vince. Boom! Puso ko, malalaglag na yata dahil sa ngiti ni Vince. Super bilis ng beat ng puso ko.

Bago ako umupo, tinulungan ko muna si Mama na maghain ng mga pagkain. Pang apatan lang yung dining table namin. Magkatapat na umupo si Edward at Cyril. At obviously, kami ang magkaharap ni Vince. Bigla akong napangiti. Syempre, alam na. Mas gaganahan na naman ako sa pagkain.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaharap ko. Noon, pinapangarap ko syang makita ulit. Never kong inisip na makakasama ko pa sya. Feeling ko kasi ang taas nya. Ang hirap abutin.

Muntikan ko ng mabitiwan yung hawak kong kutsara dahil sa sobrang pagkagulat ng magsalita si Edward.

Edward: Dwarf, hindi ka mabubusog nyan kung tititigan mo lang si Vince.

For the second time, lumipad na naman yung utak ko dahil kay Vince. Sobrang nakakahiya na talaga ako.

Vince: May problema ba Iris? 

Iris: Wala naman

Kaila ko naman. Nakakailan ka na Edward.

Tahimik naman kaming nagpatuloy sa pagkain. Tumayo na si Cyril para pumasok na sa school.

My Love Is Like a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon