Chapter Seven

146 30 3
                                    

“Huy! Iris’wag mo naman bilisan yung takbo mo.” Sigaw sa akin ni Edward. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa itsura ni Edward na halatang pagod na pagod na kakahabol sa akin. Lalo ko pang binilisan yung pagtakbo ko. Hindi ko napansin na malayo na pala ang naitakbo ko. Hindi ko na matanaw si Edward. Hinanap ko sya pero hindi ko na makita.

“Edward? Nasan ka? Wag ka na ngang magtago.” Sigaw ko. Pagtingin ko sa likuran ko, hindi si Edward ang nakita ko, kundi si Vince. Nakangiti sya sa akin. Ngiting, mababakasan mo ng sobrang katuwaan.

“Vince!” Lumapit ako sa kanya. Pero napansin ko na hindi sya kumikilos. Nakatayo lamang sya habang nakatingin sa akin.

“Hoy! Vince??? …..

Nararamdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin. Nagmulat ako ng mata. Nakita ko si Mama. Hmmmm. Bakit kaya ako ginigising ni mama ng ganitong kaaga?

Mama: Ano ba iris? Tumayo ka na dyan at may bisita ka.

Napatingin ako sa wall clock . Naku!!! 6:10 palang ng umaga. Ganoon ba ka-excited yung bisita ko na makita ako?

Iris: Ma naman eh, pakisabi dyan sa istorbo na yan na nasa dream land pa ako. Mamaya pa ko babalik sa reality. Wag silang istorbo. (Tinakpan ko ulit ng unan yung mukha ko. Pero hindi yata ako titigilan ng mama ko.)

Mama: Tumayo ka na dyan. Baka mainip na sila Vince doon sa baba kakahintay sayo.

Bigla akong napadilat. Pero naisip ko na baka niloloko lang ako ni mama. Maaga pa para sa uwi ni Vince. Ilang days pa ang natitira. 8 days pa ang dapat lumipas.

Mama: Bumangon ka na. Sige ka, papaakyatin ko si Vince sa kwarto mo para makita ka kung paano ka matulog.

Napilitan tuloy akong bumangon.

Iris: Ma, sigurado ka ba na si Vince ang nasa baba? Bawal magbiro sa bagong gising, Ma.

Mama: Oo naman. Kay gwapong bata nga eh. Kaya mag-ayos ka na at sumunod ka na sa akin sa baba.

Tumayo na si mama at lumabas na ng room ko. Naiwan akong nag-iisip. Totoo ba yun? Parang kanina lang nasa panaginip ko sya. Ngayon nasa baba na namin sya. Ay, ang gulo. Baka naman niloloko lang ako ni Mama? Aysya! Mas mabuting alamin ko na lang.

Nagsipilyo, nagsuklay at nagpalit ng matinong damit. Bigla naman akong kinabahan. Sabi ni mama, ang gwapo daw ni Vince. Baka naman, himatayin ako nito. HAHA. Pero diba? Ito na yung pinakahinihintay ko. Napaaga lang ng kaunti.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumaba. May nakita akong dalawang lalaki na nakaupo sa sofa. Nandoon din si Cyril. Naka all black yung 2 guys. What? Ano ba meron? Lamay? O.o

Napatingin ako sa isang guy. Kahit nakatalikod ito, makikilala ko pa rin ito. Si Edward yun. Siguro naramdaman nya na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon sya sa pwesto ko.

Edward: Oh, mabuti naman iris naisipan mo pang bumaba. Akala ko, wala ka ng balak eh.

Inisnaban ko lang sya. Napatingin na din sa akin yung katabi nyang guy.

Woah! Nagkagulo-gulo yung pagtibok ng puso ko sa sobrang pagka amaze. Hindi nga ako niloloko ni Mama. Ang amo-amo ng mukha nya. Super puti at ang kinis pa. Nahiya tuloy yung kutis ko. Grrr!

Nang ngumiti si Vince sa akin, naku nagsipag awitan yung mga anghel. Bigla akong naconcious. Hoy! Ano ba? Umayos ka nga. Nakakahiya ako! Saway ko sa sarili ko.

Vince: Hello iris, natatandaan mo pa ba ako? Si Vince ito.

Paano ko makakalimutan ang first love ko? Pakisabi nga?

Iris: Si Vince ka ba?

Parang wala sa lugar na tanong ko. Sinabi na nga na sya si Vince di ba?

Bigla naman natawa ito. Oo nga naman. Parang joke kasi yung sinabi ko. Natawa na din ako.

Iris: Naninigurado lang ako. Baka hindi ikaw si Vince eh. (Nakangiti kong depensa.)

Vince: Ayos lang yun. Pero oo, ako nga si Vince.

Lumapit sya sa akin. Nagulat ako ng bigla syang yumakap sa akin.

Vince: (Pabulong) I miss you.

Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Nang dahil sa ginawa nya, parang naurong yung dila ko. Wala akong masabi.

Vince: (Humawak sa kamay ko.) Tara, umupo na tayo.

Umupo na nga kami. Napagitnaan ako nila Edward at Vince. Nagpaalam naman si Cyril na aakyat sa taas para maghanda sa pagpasok.

Iris: By the way Vince, bakit napaaga yata yung uwi mo?

Vince: Actually, hindi talaga napaaga yung uwi ko. I just give you the wrong information just to surprise you.

Iris: Ha? Sino sino nakakaalam nito?

Vince: Edward’s family.

Bigla akong napatingin kay edward. Alam pala nito kung kailan yung uwi ni Vince, hindi man lang sinabi saken.

Edward: Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?

Iris: Bakit hindi mo sa akin sinabi?

Edward: Adik ka ba? Surprise nga di ba? Hindi mo ba alam yung ibig sabihin ng surprise?

Iris: Nakakainis ka!

Edward: Bakit na naman? Lagi ka na lang naiinis sa akin kahit sa simpleng bagay. (Reklamo nya)

Iris: Kasi naman eh... (wala akong maisagot)

Edward: Kasi nga, ang laki ng inis mo sa akin.

Vince: Oh tama na. Magkapikunan na naman kayo dyan.

Inawat naman kami ni Vince. Hinarap naman ako ni Vince sa kanya.

Vince: But you know what Iris, I really missed you.”

My Love Is Like a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon