Chapter One

185 30 6
                                    

 

 Hmm. Nararamdaman ko na ang simoy ng…..BAKASYON!! Base sa akin calendar countdown, 10 days na lang ang natitira para magbakasyon na. Pero syempre, marami pa ko kailangan tapusin like review for final exam and my school clearance. Madali lang naman ma-accomplish yung school clearance ko. Basta ba may dala ka lang na maraming floorwax, for sure tapos ang clearance mo. Ganyan talaga ang buhay estudyante, basta’t may pera papasa ka. Kaya kawawa ka kung wala. Joke lang!! Dapat matalino ka rin no??

So, isa na lang talaga ang nangangailangan ng aking mahiwagang atensyon at ito ang pagdating ng BBF ko. OOPPPPSSS!! Alam ko naman kung ano yung iniisip nyo eh. Hindi ko yun boyfriend. He was just my Best Boyfriend Ever! Pero syempre totoo ako sa sarili ko kaya hindi na ko magpapakaplastik. Crush ko yun. AY!! Hindi pala, MAHAL KO NA YATA! Hehehe

Grade 3 kame nun nang magpasya yung parents nya na mag migrate na sa Japan. Nang malaman ko yun, sobrang umiyak talaga ako nun. Syempre bata pa ko nun, for short musmos pa aking pag-iisip kaya hindi ko pa masyadong maintindihan yung reason nya. Pero after 2 weeks,ayun ayos na ang bruha. Tumatawa na ulit ako.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o dapat ba akong kabahan sa pagdating nya. Syempre, almost 7 years na ang lumipas. Maraming pagbabago na ang naganap. Mga pagbabago na maaaring mging dahilan para mabura ako sa pag-iisip nya, I mean sa puso nya.

Sa 7 years na malayo sya, nakikisagap lang ako ng balita sa pinsan nyang si Edward na 4 na bahay lang ang pagitan mula sa bahay namin. Kaya nalaman ko na uuwi si Vince sa Pilipinas pero wala pang sure na date kung kalian sya uuwi. Si Vince Villaflor pala yung bestfriend ko. Sinabi din sa akin ni Edward na baka sa pilipinas na ituloy ni vince yung pag-aaral nya. Kaya ayun, mas lalo akong na excite.

Palagi rin akong nakiki-update sa physical changes ni Vince. Dahil dun, mas lalo akong inasar ni Edward na dead na dead kay Vince. Unti lang naman. Hindi ko na lang pinapansin si Edward kapag nang-aasar kasi totoo naman yung sinasabi nya. I am proud na dead na dead ako kay Vince. And also, masyado rin KSP si Edward kung minsan. Lalo pa yun lumalala kapag pinansin mo pa sya.

Kaya bago pa mapunta kung saan saan yung pag-iisip ko, kailangan ko ng matulog. Nagpalit lang ako ng pantulog. Bago ako mahiga kinuha ko muna yung calendar ko at nilagyan ng “x” mark yung date ngayon. So it means, nabawasan na naman yung araw na ipaghihintay ko para magbakasyon. Ganyan ako ka excited.

My Love Is Like a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon