Chapter Two

159 32 9
                                    

Isang malaking “LAGOT”

Tinanghali na ko ng gising. 7:30am na sa wall clock ko. Isang masarap na almusal na ang naghihintay sa akin. May patakaran sa bahay na dapat before 6:30 is gising ka na dahil kung hindi, masesermunan ka talaga. Mabilis akong naghilamos at nagpalit ng damit. Sa mga sandaling ito, nagdadalawang isip na ko na huwag ng bumaba. Mukang kawawa na naman kasi yung tainga ko. Makakarinig na agad sya ng maagang sermon. Pero syempre dapat ko rin iconsider my stomach. Mas kawawa ako kung hindi ako kakain. So, I decided na bumaba na lang.

Dahan-dahan akong bumaba. Nakikiramdam kung may tao ba sa baba. Naku! Ang weird ko. Parang sira ako sa pinaggagawa ko. Parang sa magnanakaw yung kinakatukan ko eh. Hehe

Nang makababa ako, dumiretso agad ako sa kusina. Wow! Himala, walang tao. Bigla ko rin naalala na tanghali na pala kaya siguro nagsipasukan na sila papa at ang bunso kong kapatid. Si mama naman for sure nasa grocery na rin yun.

Mapayapa akong nakakain kaya sobrang busog ako. Nagligpit lang ako ng pinagkainan bago umakyat. Kailangan ko pa palang pumunta ng school para mag-ayos ng requirements.

After siguro ng 2 hours, ready to go na ko. Pagbaba ko naabutan ko si mama na nagbabasa ng magazine sa salas naming.

 Iris: Goodmorning mother earth! 

 Mama: Goodmorning din nak. O saan lakad natin ngayon?”

 Iris: Sa school lang, Ma. Mag-aasikaso ng mga requirements. Sige, una na po ako.”

Humalik muna ako sa pisngi ng mama ko bago lumabas.

Abot-tainga yung ngiti ko ng lumabas ako ng bahay namin. Pero nawala agad yun ng makita ko si Edward na nakangiting nakatingin sa akin. Ano na naman kayang naiisip na kalokohan ng ksp boy na ito.

Lumapit sya sa akin. Gusto ko man syang iwasan, hindi pwede. Mas lalo kasing mangungulit ito.

 Edward: Hoy, nababaliw ka na ba iris? Ngiting ngiti ka dyan? (todo ngiti pa ang loko.)

 Iris: So? Ano naman kung mabaliw na ko? Problema mo ba yun?  

Edward: Ang taray mo naman.

Iris: Ang aga aga kasi, sinisira mo na yung araw ko.

Edward: Wow, iris! May sarili kang araw?

Ganyan kapilosopo si Edward. Masyadong mababaw yung kaligayan. And obviously, wala itong balak na patahimikin ang araw ko.

Iris: Oo meron. Gusto mong dalhin kita sa araw ko at tuluyan ka ng maglaho?

Edward: Nagbibiro lang naman ako. Pupunta ka ba sa school?”

Iris: Hindi! Sa mars ako pupunta. Sama ka?

Edward: Gantihan ba ‘to? Sabay na tayo. Mag-classmate naman tayo.

Iris: Hindi ka ihahatid ng mommy mo? 

Edward: Maagang umailis si mommy.

Pagkasabi nun, umakbay sya sa akin. Hindi ko na lang pinansin yung gesture nya. Sanay na ako sa gesture nya na ganun. At mostly, no malice involve kasi naman simula pagkabata ganito na kami.

Nang makarating kami sa sakayan sa, sya na ang pumara sa jeep. Pinauna nya akong makasakay. Nang iaabot ko na ang bayad ko, bigla nya akong pinigilan.

Edward: Hephep! Libre na kita ngayon. Bayad nga po, dalawang cute po yan.

Ngumiti pa sya. Napangiti na rin ako. Kahit KSP yan. Mabait pa rin yan. 

Iris: I hate you!

Edward: I hate you too.

O di ba? Nagkakaintindihan kame. I hate you means thank you para samin. J

Almost 15 minutes din yung binayahe naming papunta sa school. Nauna syang bumaba para alalayana ako.

Iris: (Nagbiro) Bakit ang gentleman mo yata kuya?

Edward: Baka kasi madulas ka, lola.

Hmpp. Kahit kalian talaga. Hidi mo talaga ito makakausap ng matino. Hay! Kailan kaya sya magseseryoso.

Pagkapasok naming sa school, agad kaming naghiwalay para hanapin yung aming mga kaibigan. Napansin ko na masyadong busy yung iba naming mga classmate namin. Isa lang naman ang close friend ko, si Catherine Ivory Mendez lang naman. Hinanap ko sya, pero ang hirap nyang makita. Masyado kasing maraming  tao. Pagtingin ko sa bandang likuran ko, nakita ko si Edward na may kausap na babae. Hindi pamilyar sa akin yung girl. Pero halatang close na close sila ni Edward.

Nagulat ako ng biglang may pumitik sa tainga ko. Pagharap ko, si Ivory lang pala.

Cathy: Sino tinitingnan mo?

Iris:  Ha? Wala. Hinahanap kasi kita eh.

Cathy: Tapos ka na ba sa clearance mo?

Iris: Hindi pa nga eh. Kararating mo lang ba?

Cathy: (Humikab) Oo. Nalate kasi ako ng gising.

Iris: Parehas tayo. Tara! Punta na tayo sa guidance at ng matapos na tayo. Ano bang requirements dun?

 Cathy: 4 na floorwax daw bawat sa dalawang tao. Tayo na lang yung magpartner.

Sabi ko na nga ba. Si floorwax lang ang makakasalba sa aming clearance. Hahaha

Pumunta na kami sa grocery. Marami kaming classmate na nakita na halos pare-parehas ang dala. Hinanap naming yung pinaglalagyan nun. Nakita rin naman naming agad. Naabutan naming si Edward na kumukuha rin.

Cathy: Oh pareng Edward!

Edward: Oh mareng Ivory!

Cathy: Ang dami naman yan. Binili mo na rin ba kami ni iris?

Edward: Hindi pa. Bakit nagpapabili ba kayo?

Cathy: Oo naman. Basta ba libre yan. (Tumawa pa)

Tumingin naman sya sa akin. Ngumiti muna sya bago sumagot ulit.

Edward: Oo naman. Pasalamat ka kasama mo si Iris. (Kumuha ulit sya at inilagay nya sa basket na bitbit nya.)

Cathy: Sabi ko na nga ba eh at may crush ka kay Iris. (Kilig na kilig na sabi ni Cathy.)

Edward: Oo manhid lang yan. (Ngumiti pa sya sa akin.)

Ano daw? Crush ako ni Edward? IMPOSSIBLE!

My Love Is Like a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon