Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kung magalit si Edward samantala ako naman ang nasaktan at hindi sya.
Nang makapasok kami sa bahay, pinaupo ako agad ni Edward at saka tumungo sa kusina para kumuha ng first aid kit. Napaka seryoso nya habang ginagamot yung sugat ko.
Tahimik lamang kaming nagmamasid nila Vince at Cathy. Parang may napakalaking tensyon ang nagaganap sa paligid namin. Hindi kami sanay sa nakikita namin kay Edward. Sinubukan kong kausapin siya.
Iris: Ayos lang ako Edward. Wag kang mag-alala.
Wala pa ring imik si Edward. Tumingin ako kay Vince para magtanong kung bakit ganoon si Edward. Pero, obviously, hindi din nya alam. Umiling lang ito bilang sagot sa akin. Nagulat ako ng biglang nagsalita si Edward.
Edward: (tumingin kay Vince) Sa susunod, mag-ingat ka bro. Lalo’t na may kasama ka. (Tumayo) Ayan, okay na yung sugat mo. Wag ka munang masyadong gumalaw Iris para hindi na sumakit.
Iris? Parang ngayon ko lang narinig na tinawag ako ni Edward sa pangalan ko. Madalas kasi, Dwarf ang tawag nya sa akin. Simula ng lumaki sya at ako ay parang napag-iwanan, hindi na niya ako tinawag sa pangalan ko. He used to call me Dwarf dahil maliit lang daw ako. Kaya lalo akong nanibago sa kanya.
Bigla naman dumating si Mama.
Mama: (Nakangiti) Oh anong meron ngayon?
Edward: Wala naman po tita. Sige po, mauna na po ako.
Mama: Magmeryenda muna kayo dito. Sabayan nyo na kami ni Iris. Napadaan kasi ako sa bilihan ng mga kakanin kaya naisipan kong bumili. Sakto, andito pala kayo.
Mukhang tatangi si Edward sa alok ni Mama kaya inunahan ko na sya. Tumayo ako at humawak sa braso nya para hilahin sya paupo sa dining table.
Iris: Oo nga naman. Dito na lang kayo kumain. Kaming dalawa lang ni Mama ang andito kaya malungkot. Kaya sumabay na kayo samin para naman sumaya.
Pinaupo ko na si Edward. Nakatingin lang ito sa akin. Alam ko na naninibago ito sa ginagawa ko. Pero wala akong pakialam. Ito lang ang alam kong gawin para mabawasan man lang yung pagkabadtrip niya. Ayokong sumabay pa sa nararamdaman nyang pagkainis sa hindi ko malaman na dahilan. Kaya inaya ko na syang sumabay sa pagkain namin. Inaya ko na din sila Vince at Cathy na umupo.
Iris: Ma, mukhang masasarap ito ah.
Mama: Sana nga masarap. Oh, kain na kayo. Wag kayong mahihiya. Just feel at home.
Nagsimula na kaming kumain. Nakamasid lamang ako kay Edward na kaharap ko sa upuan. Nananatiling seryoso ito. Hindi nangiti. Tumingin din ako kay Vince para malaman kung nararamdaman din ba nya ang tensyon. Seryoso din ito. Bigla akong napangiwi. Ano ba ito? Hindi ko na maintindihan...
Iris: Ang tahimik nyo naman. Lalo ka na edward. Hindi ako sanay. Hehehe
Tumingin lang sya akin. Toink! Wala pa ring talab. Naramdaman siguro ni Mama ang tensyon dahil bigla itong nagtanong.
Mama: May problema ba mga hija’t hijo?
Vince at Edward: Wala naman po Tita.
Putek? Anong wala? Anong tawag nyo sa nangyayari ngayon?
Edward: (Biglang tumayo) Tita, mauuna na po ako. May gagawin pa po kasi ako eh. Sige po. Salamat po sa meryenda.
Mama: O sige. Ingat ka sa daan.
Tumango lang ito at saka naglakad palabas. Hindi na ko nakatiis. Sinundan ko na sya.
Iris: Ma, saglit lang. May sasabihin lang ako kay Edward.
Lumabas na nga ako ng dining room at sinundan si Edward. Naabutan ko sya sa labas ng gate namin. Agad ko syang hinawakan sa braso para iharap sa akin. Halatang nagulat ito sa ginawa ko.
Iris: Hey! Edward? May problema ka ba?
Edward: (Tumingin sa akin.) Just ignore me. Pagod lang ako.
Iris: Please tell me. May nagawa ba akong mali?
Edward: Wala kang ginawang mali. Pagod lang talaga ako.
Iris: Please! Dahil ba ito sa kanina? Ayos lang ako. Hindi naman nasakit eh. Promise!
Edward: (Pilit na ngumiti) Pumasok ka na. Pagod lang ito.
Iris: Pero...
Edward: Just go inside. I have to go.
Hinila niya yung braso nya na hawak ko pa rin. Gusto kong maiyak. Pero hindi ko alam kung bakit. Feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit nag-iba yung mood ni edward.
Pumasok na ko sa loob. Nawalan na ko ng ganang kumain kaya naisip kong umakyat na ulit sa kwarto ko.
Iris: Ma, akyat na muna.
Mama: Bakit? May sakit ka ba?
Iris: Wala po ma. Medyo sumama lang yung pakiramdam ko.
Mama: (Biglang tumingin sa binti ko na may sugat.) Napano yang nasa binti mo?
Vince: Tita, i am sorry. Kasalanan ko po. Nasemplang po kasi kami habang nagbabike kanina.
Mama: Ayos lang yun. Pero sa susunod, mag-iingat na kayo. Nagamot na ba iyan?
Iris: Opo ma. Sige akyat na po ako. Vince at Cathy, ingat kayo sa pag-uwi.
Humiga lang ako pagkapasok ko sa kwarto ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit masyado akong affected sa ginagawa ni Edward. Alam ko naman na wala akong ginagawang mali. Pero bakit ganito? Nagiguilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Dati naman, wala akong pakialam kung magalit man sya sa akin sa tuwing inaasar ko. Naiisip ko pa nga na mas mabuting magalit na sya sa akin kaysa naman palagi nya akong inaasar. Pero ngayon, iba na. Ayokong magalit sa akin si Edward. Gusto ko na palagi niya akong inaasar. Pero bakit ganun? Ano bang nangyayari sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/2177727-288-k547314.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Is Like a Star
RomantizmHindi masama ang maghangad ng true love. Lahat tayo, gusto natin makakita ng isang tao na handa kang samahan kahit sa pinaka masamang araw na mangyayari sayo. Yung hahawakan yung kamay mo para pawiin yung takot mo. Yung yayakapin ka para lamang mapa...