Cathy: Ano ka ba? Hindi sya manhid…
Edward: Eh ano sya?
Tanong naman ni Edward. Nakatingin lang sya kay Cathy na parang interesado sa sasabihin ng aking bestfriend. Ayan tuloy, napatingin na rin ako.
Cathy: Sadyang hindi lang ikaw ang gusto nya (tumingin at ngumiti pa sya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita) Di ba Iris? Tama ako?
Wala sa sariling tumango ako bilang sagot sa kanya. Ano ba ito? Seryosong usapan ba ito?
Cathy: Oh dib a? Tama ako! (Biglang napanhinto. Pumitik pa sya sa hangin na parang may naisip na magandang bagay.) Hoy, Edward, wala ng bawian ng bigay ah. Baka naman dahil sa sinabi ko eh hindi mo kami ilibre. Di ba nga honesty is the best policy, kaya naging honest lang ako.
Doon lang tumawa si Edward.
Edward: Naku mga hija, nagbibiro lang naman ako eh, masyado mo naman sineryoso Cath.
Cathy: Ganun ba? Akala ko kasi seryoso ka.
Edward: Hindi no! Bakit naman ako magkakagusto dyan sa dwarf na yan. Hoy, Dwarf baka naman seryosohin mo yung sinabi ko na may gusto ako sayo. Mag-isip isip muna. ( Ang lakas ng tawa pa nya.)
Iris: Bakit ko naman seseryosohin iyon, alam ko naman na puro kalokohan lang ang alam kong gawin sa buhay mo! (Umisnab)
Edward: Mas maganda na ang malinaw, kaysa umaasa ka dyan.
Iris: GRABE! Ang lakas ng electric fan dyan sa ulo mo!!”
Napansin siguro ni Cathy na nagkakapikunan na kami. Kaya bigla syang umawat samen.
Cathy: Hephep!! Walang pikunan. Nakakahiya naman kung dito pa kayo magsasapakan. Tara na nga, pumila na tayo sa counter.”
Tiningnan ko muna sila ng sobrang sama bago ako lumakad. Kahit kailan talaga, nakakainis itong unggoy na ito.
Cathy: (Pasigaw) Hoy Iris, antayin mo naman kami!
Hindi ako lumingon. Basta naiinis ako sa kanila. Pero bakit nga ba? Hindi ko din alam eh. Basta naiinis lang ako.
Sa sobra inis ko, hindi ko namalayan na wala ng sumusunod sa akin. Nasaan na naman kaya sila?
Wala akong choice kundi ang bumalik dun sa pinanggalingan ko kanina. Wala rin sila dito.
Kinuha ko yung phone ko para itext si Cathy.
“hey nasan kayo?!!”
5seconds palang ang nakakalipas, may reply na agad si Cathy.
“dito kame counter 5”
Mabilis akong pumunta doon. Yeah! Andito nga sila at nakapila na.
Iris: Nakakainis kayong dalawa! San ba kayo pumunta. Bakit bigla kayong nawala?
Cathy: Ito kasi si Edward, hinila ako doon sa bilihan ng ice cream.”
Iris: Bakit? Ano naman yung ginawa nyo dun?
Cathy: Malamang bumili ng ice cream.
Tiningnan ko sya ng masama. Nakitang badtrip na nga ako, nagbibiro pa sya.
Cathy: Joke lang! Wag highblood. Bumili kami ni Edward ng ice cream para sayo. Sabi kasi ni Edward, mahilig ka sa ice cream.”
Iris: So anong connect kung mahilig nga ako sa ice cream?”
Edward: Ayan na yang ice cream mo, pampabawas man lang ng pagkahighblood mo dyan.. Please! Peace na tayo ha? (Pinapungay pa nya yung mga mata nya para lalong maging effective. In fairness, ang cute nya.)
BINABASA MO ANG
My Love Is Like a Star
RomanceHindi masama ang maghangad ng true love. Lahat tayo, gusto natin makakita ng isang tao na handa kang samahan kahit sa pinaka masamang araw na mangyayari sayo. Yung hahawakan yung kamay mo para pawiin yung takot mo. Yung yayakapin ka para lamang mapa...