Chapter Six

135 30 4
                                    

Parang may isang libong anghel ang dumaan sa amin sa sobrang katahimikan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa kaharap ko. Nakayuko ito kaya hindi nito napapansin na minamasdan ko sya. Grabe! Halatang halata na sarap na sarap ito sa kinakain dahil hindi man nahiyang kumain ng walang poise. Pero bakit ganun? Ang cute pa rin niyang tingnan. Ano daw? Ano bang nangyayari sa akin. Dulot ba ito ng sobrang katahimikan? Kailangan kong mag isip na pwedeng pag usapan. Isip-isip! Okay. May naisip na ko.

Iris: Tita Jane, anong oras po ba yung dating ni Vince?

Tita Jane: buk----

Edward: (Biglang sumingit) Wala pang specific time na binigay si Vince. Sabi kasi ni Vince na gusto nyang gawing surprise to.

Iris: Anong surprise dun? Eh alam ko naman yung araw ng pag-uwi nya. Oras na lang ang hindi ko alam. So anong surprise doon?

Edward: (Sumimangot) Basta! Kumain ka na lang dyan dwarf.

Okay! Kakain na lang ako ng tahimik. Mukhang wala na naman sa mood si Edward. Minsan tuloy naiisip ko na may tampo ito kay Vince. Lagi na lang kasing nakasimangot ito kapag si Vince ang topic.

Nang matapos kaming kumain, inalok ko si Ate Melissa na tulungan sya sa pagliligpit ng mga kinainan namen. Pero tumanggi ito. Kaya na daw nito ang pagliligpit.

Inutusan muna ni Tita Jane si Ate Melissa  na pagbalutan ako ng cookies para iuwi sa bahay namin. Pero nagprisinta na ko.

Iris: Ako na lang po Tita yung magbabalot.

Nang matapos ako sa pagbabalot ng cookies, niyaya na kong lumabas ni Tita Jane mula sa dining room.

Naunang lumabas si Edward. Dumiretso ito sa hagdanan at umakyat na sa kwarto nito. Hmmpp! Himala? Wala man lang ako narinig mula kay Kapre na pang-aasar. Ano nakain nito? Ay! Tinatanong pa ba yan? Edi cookies.

Hinatid naman ako ni Tita Jane hanggang sa gate.

Iris: Maraming salamat Tita Jane sa isang masarap na merienda.

Tita Jane: Sus! Wala yun Iris. Pakisabi na lang sa mama mo na pumunta sa boutique ko bukas para naman makapagchikahan kami.

Iris: Areglado po Tita. Makakarating sa aking Inay ang iyong mensahe. Sige una na po ako.

Tita Jane: Sige, mag-iingat ka.

Naglakad na ko palayo. Maraming pumasok sa utak ko. Pero isa lang ang naalala ko. Yung nangyari kanina sa amin ni Edward. Parang timang na napangiti ako. Naalala ko yung reaksyon ng mukha nya at kung paano nya hilahin yung kamay ko. Lalo akong napangiti. Pero paano kaya kung si Vince ang gumawa nun. Natawa na ko. Astig! Baliw na naman ako dahil sa iniisip ko.

Nakauwi ako sa amin na hindi nawawala yung mga ngiti sa aking labi.

Iris: Ma, andito na po ako.

Mama: Ang tagal mo yata?

Iris: Nagbake kasi si Tita ng cookies at doon na ko pinagmerienda. Actually, may dala po ako.

Umupo ako sa tabi ng mama ko na kasalukuyang nanonood ng drama telenovela. Uy!!! Naiiyak na naman ang aking mahal na ina. Napasmile ako. Ano kaya nakakaiyak sa palabas na yan? Eh parang saulo mo na yung mga susunod na pangyayari dahil halos magkakaparehas lang naman yung mga palabas sa T.V. Hay mababaw lang talaga ang luha ng aking Ina. Nakakarelate sya siguro sa sitwasyon ng bida.

Iris: Ma, aakyat muna ako. Tawagin nyo na lang po ako kung may kailangan pa kayong iutos.

Ikinumpas lang ni mama yung kamay nya bilang sagot. Ayaw talaga palagpasin ang pangyayari sa TV. Tsk. Tsk

My Love Is Like a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon