Nataranta ako dahil sa nangayari. Bigla akong umusod kahit wala ng space. OMG! Gusto ko ng maglaho. Tumalikod ako para hindi nya makita yung reaksyon ko. Ano na lang iisipin ng unggoy na to. Badtrip kasing traffic na to eh. Ito yung may kasalanan kung bakit nainip ako at naisipang lingunin si Edward. Kainis talaga. Ayan, sa wakas gumalaw na din yung sinasakyan naming jeep. Mga 15 minutes pa ang kailangan lumipas bago kami dumating sa aming destinasyon. Nang makarating na kami sa tapat ng subdivision, wala akong sinayang na oras. Agad akong pumara. Pero mas mabilis sya sa akin. Mas nauna pa rin syang bumaba.
Nang makababa na kami hindi ko alam kung saan ako dapat titingin. Lakad takbo ang ginawa ko para lang maiwasan sya. For sure kapag nagsalita ito, ang sasabihin lang nya sa akin na sinadya ko yung nangyari kahit hindi naman. BADTRIP talaga.
Malapit na kami sa bahay nila ng hawakan nya yung kamay ko. As a normal reaction, syempre nagulat ako sa ginawa nya. Pero hindi ko pa rin sya hinarap nun kasi naiilang pa rin ako.
Edward: Oy! Dwarf? Bakit ka ba nagmamadali?
Wow naman! So hindi pala nya alam kung bakit? Painosente pa ang unggoy. Hinila ko yung kamay ko pero ayaw pa rin nyang bitawan. Napilitan tuloy akong lingunin sya. Walang expression na mababasa sa face nya. Nakatangin lang sya sa akin. Tiningnan ko yung kamay nya na hawak pa rin nya. Doon lang nya binitawan yun.
Edward: Kung tungkol lang doon kung bakit ka nagkakaganyan...
OMG! Wag mo ng ipaalala!!!
Edward: Wala lang sa akin yun. (Lumakad palayo.)
Wala lang yun sa kanya? So, ibig bang sabihin, ako lang yung OA dito. Naku! Bahala na nga.
Binagalan ko naman yung paglalakad ko para hindi ko sya maabutan. After 5 minutes, nakarating na sya bahay nila. Dere deretso lang syang pumasok, hindi man akong nilingon.
Hindi naman nagtagal, nakauwi na rin ako ng maayos sa bahay naming.
Iris: (Pasigaw) Ma, andito na si Iris!
Mama: O, ang aga mo yatang natapos?
Iris: Oo nga po ma. Kaunti lang naman kasi yung mga requirements namin eh. Kaya maaga akong nakauwi. Sige ma, akyat na ko.
Patakbo akong umakyat sa kwarto ko. Parang nakakapagod yung araw na ito. Napagod ako dahil sa pagkaboring. Tsk tsk. Nang makapasok ako sa kwarto, inihagis ko lang yung bag ko kung saan saan bago ako nahiga. Wala pa kong maisip na pwedeng gawin, kaya nakipagtitigan muna ako sa ceiling. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan maisip yung nangyari kanina. Yeah, wala sa kanya yun, pero bakit sa akin parang napaka big deal nun? Eh sa cheeks lng naman yun eh?
Pinilit kong itaboy yun sa isip ko yung mga nangyari, pero pilit pa din naman itong bumabalik sa alaala ko. Nag-isip ako ng pwedeng gawin. Naisip ko si Cathy. Yayayain ko syang mamasyal at ng malibang naman lang ako. Hinanap ko yung phone ko para itext si Ivory.
“hoy bhessy, gala naman tayo oh! “ text ko sa kanya.
After 5 seconds may text na kong nareceive. Wow ang bilis yatang magreply ni Ivory.
But sadly, hindi pala si Cathy yung nagtext kundi si KSP boy lang naman.
“hoy! Dwarf, may sasabihin ako sayo! Pero pag hindi ka nagreply hindi ko sasabihin”.
Ano naman yung sasabihin nya kung sakaling magreply ako? Bigla ko na naman naalala yung nangyari. Tungkol kaya dun yung sasabihin nya? Shocks! Wag naman sana. Ayokong malaman yung sasabihin nya. Kaya hindi ko na sya nireplayan at binura ko pa yung text niya. J
Nagring ulit yung message tone ko. Si Cathy na yung nagtext.
"Sorry bhesy, hindi ako pwede ngayon kasi may kailangan pa kong tapusin eh. next time na lng. Ingat"
Okay! Bumangon na ako para makapag-isip ng magandang gawin para lamang makalimutan yung mga nangyari.
Tiningnan ko yung buong kwarto ko. Ano bang pwedeng gawin? Oooppppsss!! Nakita ko yung laptop ko. Sige, net na lang ako. Binuksan ko na yung laptop ko. LOAAAAAAAAAADING!!!
Nag-open ng browser then pumunta sa Wattpad para maghanap ng magandang babasahin. Pero bigla kong naalala yung email ko. Nagbaka-sakali ako na baka may new email na akin si Vince. Pagkaopen pa lang ng email ko, iniscan ko agad yung mga new email ko. Pero wala akong nabasa na si Vince ang sender. So, sign out na.
Siguro mga 1hour din yung naconsume ko sa pagbabasa ng novel. Nang magsawa na ko sa pagbabasa, pinatay ko na yung laptop ko at bumalik sa pagkakahiga. Wala pang isang minuto, narinig kong tinatawag ako ng mama ko.
Iris: (Pasigaw) Bakit po, ma?
Mama: Bumaba ka at may ipag-uutos ako sayo.
Pumunta muna ako sa salamin para tignan yung itsura ko. Hindi pa naman haggard. So, bumaba na ko.
Nang makababa na ko, lumapit agad ako sa mama ko para itanong kung ano yung ipag-uutos nya.
Iris: Ano po yung ipag-uutos mo, Ma?
Mama: Pumunta ka kay tita jane mo. sabihin mo pinapakuha ko yung brochure.
Iris: Bakit? may bagong labas na?
Mama: Oo meron na daw. Bibilhan ko sana yung kapatid mo. Regalo ko para sa graduation nya.
Oo nga pala. Graduating na pala yung magaling kong kapatid. Reregaluhan ko ba sya? HAHA
Iris: Sige po ma. Puntahan ko na si tita jane.
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng maalala ko kung saan bahay ako pupunta. Kela Edward yun di ba? So, magkikita ba kami?
Tumingin ako sa mama ko. Napansin siguro ng mama ko yung biglang paghinto ko.
Mama: O bakit? Nakalimutan mo ba yung sasabihin mo?
Sasabihin ko ba na ayaw ko? Syempre magtatanong si mama kung bakit ayaw ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung nangyari kanina. Kaya sumunod na lang ako.
Iris: Wala po, Ma.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad. Bahala na si BATMAN!
BINABASA MO ANG
My Love Is Like a Star
RomanceHindi masama ang maghangad ng true love. Lahat tayo, gusto natin makakita ng isang tao na handa kang samahan kahit sa pinaka masamang araw na mangyayari sayo. Yung hahawakan yung kamay mo para pawiin yung takot mo. Yung yayakapin ka para lamang mapa...