"AYOKO NA! Masakit na talaga ang ulo ko!", sigaw nya at pabalang na ibinagsak ang History book sa lamesa. "Simula kagabi pa ako nagkakabisado, wala naman akong natatandaan! Sumasakit lang ang ulo ko!", reklamo pa nya.
"Ang bilis mo talagang sumuko.", komento ng kaibigan nyang si Ryle na nagsasagot pa din sa workbook nya.
Umupo sya ulit sa upuan.
"Palibhasa matalino ka, sisiw lang sa'yo yang pinag-aaralan natin ngayon dahil bakasyon pa lang inaaral mo na mga 'yan.", nakasimangot na sabi nya sa kaibigan. Umiiling-iling lang naman si Ryle.
"Kaya nga, Jania, ang sinasabi namin sa'yo eh sipagan mo ang pag-aaral. Walang hindi nakukuha sa sipag at tyaga!", sabi naman ni Mary na noon lang nag-angat ng tingin pagkatapos ng tatlong oras na pagbabasa.
Sya naman ang napailing at dinampot ulit ang libro nya. Aminado naman syang wala talagang tyaga sa pag-aaral. Mas gusto nyang tumambay sa court para mag-basketball, volleyball at kung anu-ano pang laro. Doon lang kasi sya magaling. Yun ang hilig nya.
Itong pag-aaral, pagbabasa eh nakakasakit lang talaga ng ulo para sa kanya. Kung pwede nga lang hindi na sya papasok pa sa school. Kaso alam nyang hindi pwede yun. Kapag huminto sya, hindi na din nya magagawa ang gusto nya dahil siguradong hindi sya susuportahan ng mga magulang nya.
"Teka, nasaan na pala si Soji?", tanong ni Mary na ang tinutukoy ay ang kaibigan nilang hapon. "Malapit na matapos ang break time, wala pa sya.", dagdag pa nito.
"Baka naman umuwi na.", komento nya. Hindi malabo dahil gawain na ni Soji umuwi kahit hindi pa tapos ang klase.
"Hindi yun uuwi, alam naman nyang may History exam tayo ngayon eh.", sabi ni Ryle habang nilalagay sa bag ang workbook nya. Mukhang natapos na nyang sagutan ito.
"Andyan lang 'yon sa tabi-tabi. Alam nyo naman yun, biglang nawawala at bigla din sumusulpot.", sabi nya.
Tinabi nya na din ang librong hawak. Gumaan ang pakiramdam nya nang mawala sa paningin ang libro.
"Tapos ka na sa workbook mo?", maya-maya ay tanong nya kay Ryle.
"Oo, bakit?", tanong nito pabalik na para bang alam na ang susunod nyang sasabihin. Napangisi naman sya dahil doon.
"Baka naman pwedeng pahiram.", sabi nya.
Sabay na napailing ang dalawa nyang kaibigan at tsaka tumayo mula sa upuan.
---KATATAPOS LANG ng exam nila sa History. Nakayuko sya sa mesa ng lapitan sya ng mga kaibigan.
"Anong problema, Jania? May sakit ka ba?", nag-aalalang tanong ni Mary. Tumango naman sya at dahan-dahan nag-angat ng ulo.
"Oo, nagkasakit ako sa utak dahil sa exam.", sagot nya. Hinampas sya ni Mary sa balikat. "Aray!", reklamo nya.
"Puro ka kalokohan!", sabi ni Mary sa kanya. "Ikaw naman Soji, ano na naman nangyari sa'yo?", tanong nito sa isang kaibigan na katabi lang ng upuan nya. Noon nya lang napansin na may putok sa gilid ng labi ang kaibigan.
"Hay naku, nakipag-away ka na naman ano?", tanong din nya dito.
Sa kanilang klase, talagang si Soji ang lapitin ng gulo. Transfer student ito mula sa Japan at laging binubully sa loob o labas man ng school nila. Mapagpatol din naman sa gulo kaya ang ending eh ayan, madalas may bangas ang mukha.
"Wala 'to. Mga naiinip kase sa buhay yung mga nakasalubong ko kanina kaya 'eto.", natatawa namang sagot nito.
"Ilang beses ko na sinabi sa'yo na wag mo na lang patulan ang mga ganyang tao eh.", sabi naman ni Mary.
BINABASA MO ANG
My Love's in History (COMPLETED)
Tiểu thuyết Lịch sửCould someone from the past change someone else's future? Meet Jania, isang ordinaryong estudyante sa kasalukuyang panahon. At si Avelino, isang binatang sundalo na nanggaling sa panahon ng World War II.