"GUSTO MO bang pumasok sa loob?", tanong nya dito nang makalapit sya. Hindi naman ito sumagot at diretsong pumasok sa loob. Nagkibit-balikat na lang sya at nagbayad sa lalaking bantay para sa entrance fee nila. Pagdating sa loob ay nakita nyang pinagmamasdan ng lalaki ang mga litratong nakasabit sa pader. "Mahilig ka pala sa history?", tanong nya dito. Nakatayo sya sa tabi nito at tinitingnan din ang mga litrato. Tahimik lang si Avelino habang isa-isang inoobserbahan ang mga larawan. "Konti lang ang alam ko sa history, pero ang museum na 'to ay ginawa bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino noong panahon na sinakop tayo ng mga Hapon. Noong World War 2."
"Anong taon?", tanong ni Avelino. Sandali naman syang nag-isip para alalahanin.
"1941? Pasensya na hindi ako sigurado, sabi ko naman sayo konti lang ang--"
"Ngayon. Ang taon ngayon. Anong taon ngayon?", putol sa kanya ni Avelino. Napaangat sya ng tingin dito at napansin nyang nangingilid ang mga luha nito. Bakit?
"2019.", tahimik na sagot nya. Patuloy lang sa paglakad si Avelino at huminto sa harap ng litrato ng Bataan Death March. "1942 nangyari ang Bataan Death March. Pinalakad ang maraming sundalong Pilipino at Amerikano ng sobrang layo. Mula Mariveles hanggang Pampanga.", paliwanag nya.
"Maraming namatay.", bulong ni Avelino. Bakas ang lungkot sa mukha nito at hindi nya alam pero ang bigat din ng pakiramdam nya.
"Oo, maraming namatay.", sabi nya. Ramdam nya ang lungkot ng kasama. Bakit sobra syang apektado, sa isip nya. At bakit din ako naaapektuhan kung apektado sya? Palihim syang napailing. "Anyway, sigurado akong naituro na sayo yan ng tito mo--"
"Hindi iyan totoo.", putol na naman nito sa sinasabi nya.
"Ano?", naguguluhan nya namang tanong.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong isa ako sa mga sundalo ng panahong ito?", tanong nito sa kanya. "Isa ako sa mga Pilipinong sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.", dagdag nito ng humarap sa kanya. Hindi nya alam kung pinagtitripan sya ng lalaki o kung ano pero kinilabutan sya sa sinabi nito. Ang kaninang parang batang itsura nito habang iniinom ang binili nyang chocolate chip shake ay napalitan ng matured at matapang na imahe.
MAGDIDILIM NA makarating sila sa street nila. Pareho silang tahimik. Hindi makapaniwala sa mga nalaman ngayong araw na 'to. Nalaman nya na hindi nanggaling sa panahon na 'to si Avelino. At ang lalaki naman ay nalaman na tuluyan silang nasakop ng mga Hapon noong panahon ng digmaan. Ayon kay Avelino, nag-uumpisa pa lang ang digmaan ng taong 1941 nang mahulog sya sa bangin sa gitna ng laban. Sa tingin nya ay nawalan sya ng malay pero hindi nya alam kung gaano katagal at pagdilat nya ay nasa loob na sya ng History Department. Doon sya nakita ni Mr.Sinaguinan na agad naman syang tinulungan. Gusto nya pang magduda, baka niloloko lang sya nito. Pinagkakatuwaan. Pero ramdam nya ang sakit nang makita nyang umiyak ang lalaki sa harap ng mga rebulto kung saan isinuko ni Major General Edward P. King Jr. ang pwersang Amerikano at Pilipino para mapigilan ang posibleng paglala pa ng pagkasira at pagkamatay ng mga tao. Ramdam nya ang lungkot nito ng makita ang torture room sa museum. Paano nya mapepeke ang mga yon kung hindi sya nagsasabi ng totoo? Maya-maya pa ay tumigil sa paglalakad si Avelino. Nasa tapat na pala sila ng bahay nila. "Salamat sa araw na ito.", sabi ng lalaki pagkatapos ng ilang minuto. Tumango lang sya at naglakad na pauwi sa bahay nang maalala nya ang tanong sa kanya ni Avelino bago sila umalis sa museum. May halaga ba ang pagbubuwis namin ng aming mga buhay para sa bayan? Lumakad sya pabalik sa pwesto nito at nang maabot nya ang lalaki ay agad nya itong niyakap ng mahigpit.
"May halaga ang pagbubuwis nila--nyo ng buhay. Sobrang halaga.", bulong nya dito at dahan-dahan nyang pinakawalan si Avelino. Halata naman na nagulat ito dahil hindi ito nakapagsalita. Doon lang sya natauhan sa ginawa. Ano bang ginawa ko!? Jusko, kainin na ko ng lupa, sigaw nya sa isip. Sa sobrang hiya ay tumakbo na lang sya pauwi sa bahay nila.
---"JANIA, BILISAN mo na at may naghihintay sayo sa labas!", sigaw ng mama nya mula sa sala habang nagpupunas ng mga silya. Tumatakbo naman syang bumaba ng hagdanan.
"Ma, wag na lang akong sumabay kay sir. Sanay naman akong mag-commute eh.", sabi nya pagbaba. Nag-alok kasi si Mr.Sinaguinan na isabay sya sa pagpasok sa school para may kasabay daw ang pamangkin nya.
"Mahiya ka nga, Jania. Hinintay ka na nila tapos sasabihin mong magco-commute ka na lang? Hay naku, lumabas ka na bata ka!", sabi ng mama nya at nag-amba pang ipapalo sa kanya ang hawak na basahan. Napasimangot naman sya. Nakakahiya nga pero mas nahihiya ako sa ginawa ko kagabi, sa isip nya. Tumingin sya sa wall clock na nakasabit sa may pinto, mag-aalas syete na ng umaga. Male-late sya sa klase kapag hindi pa sya sumabay ngayon. Huminga sya ng malalim at tsaka lumabas ng bahay. Bahala na! Paglabas nya, mukha agad ni Avelino ang bumungad sa kanya. Nakatayo ito sa tabi ng pinto ng back seat. Naka-polo na puti ang lalaki, standard school uniform, pero iba ang dating nito. Siguro ay dahil sa maaliwalas ang mukha nito kumpara kagabi na sobrang lungkot. Nang maalala nya ang kagabi ay agad nyang iniwasan ang tingin ni Avelino kahit pa ngumiti ito sa kanya noong makalapit sya.
"Magandang umaga.", bati nito sa kanya pagkatapos ay binuksan ang pinto para makasakay sya sa loob. Ang bilis ng tibok ng puso nya nang makaupo. Ganito din kaya sya sa mga babae noong panahon nila, tanong nya sa isip pero agad nyang sinaway ang sarili. Ano naman ngayon kung ganito din sya sa mga babae sa panahon nila? Wala akong pakialam! Nasa ganon syang pag-iisip nang makita sa driver's seat ang teacher nila.
"G-good morning, sir.", bati nya dito na pinapakalma pa din ang sarili. Maya-maya ay sumakay na din si Avelino sa passenger seat. Nakaramdam sya ng pagka-dismaya nang doon ito maupo. Pero naisip nyang mabuti na din yon dahil baka pati paghinga ay hindi nya magawa ng maayos kung magkatabi sila doon sa back seat.
BINABASA MO ANG
My Love's in History (COMPLETED)
Fiksi SejarahCould someone from the past change someone else's future? Meet Jania, isang ordinaryong estudyante sa kasalukuyang panahon. At si Avelino, isang binatang sundalo na nanggaling sa panahon ng World War II.