ILANG ARAW ang mabilis na lumipas. Naging busy sila sa school dahil sa paghahanda sa Sports Fest na gaganapin ngayong araw. Iba-ibang laro ang ihinanda ng bawat year at per section ang magkakalaban. Nauna nang matapos maglaro ang mga seniors. At syempre, hindi nagpahuli don si Jania at ang kanyang team. Sa katunayan ay sila ang nanalo ulit sa women's basketball competition ngayong taon. "Ginalingan mo na naman, captain!", bati sa kanya ni Liana na captain ng kalabang grupo. Every year silang magkalaban pero nanatili pa din silang friendly sa isa't-isa.
"Pwede ko naman sabihin na swerte lang, para hindi ka masaktan.", biro nya dito. Hinagisan sya nito ng basang bimpo.
"Yabang!", sigaw nito kasabay ng malakas na pagtawa. Natawa naman din sya. "Congrats!", dagdag pa nito at lumakad na pabalik sa team. Maya-maya ay naglapitan na kay Jania ang iba nyang mga kaklase para batiin sya at ang kanyang grupo.
"Sana pati sa academics ganyan ka din kagaling. Matutuwa ang papa mo sigurado!", sermon ni Mary pero nakatawa. Halatang masaya din sa pagkapanalo ng grupo nya.
"Hindi talaga lahat binibigay sa isang tao eh.", komento naman ng muse nila na si Rica. "Hindi pwedeng magaling sa sports at academics. Tapos may lovelife pa! Hay!", dramatic pa na dagdag nito.
"Huy! Anong lovelife sinasabi mo dyan? Tigilan mo nga!", saway nya dito. Pero tinawanan lang sya nito.
"Kunwari ka pa, eh lagi namin kayo nakikita magkasama nung pamangkin ni Mr.Sinaguinan eh.", tukso pa din nito habang tinutusok ang tagiliran nya ng hawak na balloon stick. Inirapan nya lang ito nang pabiro.
"Speaking of, tara na sa love mo!", sabi ni Mary sa kanya na agad nyang pinandilatan ng mata. "I mean, sa shooting range. Nagsisimula na ang competition nila!", natatawang dagdag ni Mary. Kasali nga pala si Avelino sa shooting competition ngayong taon. Nagmamadali silang magtakbuhan papunta sa part ng school kung saan ginaganap ang competition. Pagdating sa lugar ay marami ng tao ang andon na nanonood. Pabilog ang area at nasa gitna ang limang estudyante na kasali sa competition. Sa kaliwang bahagi, mga ilang metro ang layo mula sa mga kasali, ay naka-pwesto ang ilang teachers na magiging judge sa competition.
"Wow, kumuha talaga sila ng judge na pulis ha?", narinig nyang sabi ng isang lalaking nasa harapan nila. Noon nya lang napansin ang isang matangkad na lalaking nasa gitna ng mga teachers. Naka-police uniform nga ito. Napangiti sya. Talagang pinaghandaan ng school nila ang event na 'to, sa isip nya.
"Next. From the juniors section Athena. Cruz, Rolly.", sabi ng announcer para sabihin kung sino na ang susunod na babaril. Nasa huling stage na yata sila ng competition, kung saan isa-isa nilang patutumbahin ang mga lata na nakatayo sa mahabang lamesa na may layong 50 meters at 100 meters. Paramihan sila ng mapapatumbang lata sa loob ng dalawang minuto.
Nang makakuha ng magandang pwesto sa harap ay agad nyang hinanap si Avelino. Lahat ng kasali ay pare-parehong nakasuot ng safety gears. Pero alam nyang ang hinahanap nya ay itong nasa pang-apat na pwesto. Napangiti sya ng lumingon ito na parang alam na nakatingin sya at kinawayan nya ito.
Avelino
NGAYON LANG ulit sya nakahawak ng baril mula ng magising sya sa madilim na kwarto ng History Department. Bagamat iba ito sa mga nahawakan nya noon ay maraming alaala ang bumalik sa kanya. Tulad noong panahon na sapilitan inilabas lahat ng lalaki sa mga kabahayan nila. Bata o matanda, lahat sila ay isinama sa gyera para maging sundalo. Naalala nya din ang unang beses na humawak sya ng baril. Unang beses na itinutok nya ito sa tao. Unang beses na ginamit nya ito para pumatay ng kapwa tao. Pero hindi sya nagdalawang-isip ng mga panahon na yon. Alam nya ang kanyang ipinaglalaban. Lumingon sya sa likod at nakita ang dami ng estudyanteng nanonood sa kanila. Agad nya ding natanaw si Jania na nakaupo at kumakaway sa kanya. Napangiti sya at kumaway din sandali bago humarap muli sa mga target. Kalmadong naghihintay sa pagkakataon nya. Habang naghihintay ay pinagmamasdan nya din ang mga kakumpitensya nya sa laro. Halatang mga baguhan. Walang sapat na karanasan, sa isip nya. Maswerte silang mabuhay sa panahon na ito kung saan hindi nila kelangan makipaglaban para sa kanilang buhay. Bigla syang nakaramdam ng lungkot sa naisip nyang iyon.
BINABASA MO ANG
My Love's in History (COMPLETED)
Historical FictionCould someone from the past change someone else's future? Meet Jania, isang ordinaryong estudyante sa kasalukuyang panahon. At si Avelino, isang binatang sundalo na nanggaling sa panahon ng World War II.