In Another Life: Maybe

172 49 18
                                    

Mahal kong Jania,
Sa oras na mapunta sa iyo ang liham na ito, malamang ay iyon na ang oras ng pagbalik ko sa panahon na pinagmulan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa panahon nyo, ngunit alam ko na ang lahat ng nararamdaman ko para sayo ay totoo. Masaya akong makilala ka kahit pa sa maling pagkakataon. Alam kong sa panahon na pinagmulan ko ay hindi magiging mahaba ang aking buhay ngunit kung mabubuhay lamang akong muli ay hihilingin ko na mabuhay kung saan ka naroroon. Ang mga oras na ginugol ko kasama ka, sapat na sa akin para magpatuloy sa kung saan man ako dadalhin ng kapalaran. Ikaw ang magiging lakas ko sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng laban na aking pupuntahan. Hinihiling ko na ganoon ka rin. Maging malakas ka para sa akin kahit wala ako sa tabi mo. Dalhin mo ang mga alaala natin dahil habambuhay kong dadalhin ang mga araw na iyon sa puso at isip ko. Sana ay hindi mo ako malimutan. Hanggang aking pagpanaw ay magpapasalamat ako sayong minahal mo ang katulad ko. Mahal kita, Jania. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagmamahal sayo ng tapat,
Avelino

---
NAPAUPO NA lang sya sa sahig pagkatapos basahin ang sulat ni Avelino para sa kanya. Pakiramdam nya ay dinudurog ang puso nya sa sobrang sakit. Nagtatampo sya, gusto nyang magalit pero hindi nya alam kung kanino. Bakit? Bakit pa kami pagtatagpuin kung ganito lang din? Sunud-sunod ang luha na pumapatak galing sa mata nya hanggang sa hindi nya na napigilan pang humagulgol ng iyak.

My Love's in History (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon