The Friendship Tower

217 50 32
                                    

"KALAHATI PA lang ang nasasagutan ko sa workbook!", sabi nya kay Mary nang makalabas sa classroom ang teacher nila. Masyado syang naging busy kaiisip sa mga nangyari, nalimutan nya tuloy na bukas na pala ang pasahan ng workbook nila sa Math.

"Ano ka ba naman, Jania? Nagtext pa nga ako sayo at pinaalala ko sayo yan, hindi mo pa din ginawa.", pagsesermon sa kanya ni Mary. Nakasimangot lang sya habang nakayuko sa mesa nya. Pati nga cellphone nya eh buong weekend nyang nalimutan icharge. "Ano na naman bang pinaggagawa mo nung weekend?", tanong nito sa kanya. Agad pumasok sa isip nya yung pagpunta nila ni Avelino sa Balanga at yung gabi na niyakap nya ang lalaki.

"Wala akong ginawang masama!", defensive na sabi nya sabay tayo. Nagulat naman si Mary sa reaksyon nya.

"OA mo ha? Wala naman akong sinabing may masama kang ginawa.", sabi nito at tumayo na din.

"Ha? Oo nga. Ang ibig kong sabihin, baka iniisip mong naglaro lang ako buong weekend!",

"Wag ka na magpaliwanag, nagugutom na kami eh.", hila ni Ryle sa kanya. Natatawa naman na sumunod sa kanila si Mary. Pagdating sa cafeteria ay agad silang bumili ng pagkain at naupo sa bakanteng pwesto na meron doon. Habang masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain ay napansin naman ni Ryle na hindi sya mapakali.
"May hinahanap ka ba? O hinihintay?", tanong ng kaibigan sa kanya.

"Wala ah! Wala naman.", mabilis nyang sagot at binaling ang atensyon sa pagkain pero maya-maya pa ay natanaw nya na si Avelino. Naghahanap ito ng mauupuan. "Avelino!", masiglang tawag nya dito na may pagkaway pa ng kamay. Agad naman syang nakita ng lalaki at nakangiti itong naglakad palapit.

"Wala daw hinihintay.", natatawang bulong ni Ryle. Palihim naman napangiti si Mary. "Upo ka, pre.", alok ni Ryle sa upuan na katabi nito. Katapat yon ng upuan nya.

"Guys, nakilala nyo na si Avelino di ba?", nakangiting tanong nya sa mga kaibigan. Tumango naman ang mga ito. "Avelino, ito nga pala si Mary.", pagpapakilala nya sa bawat isa. "At si Ryle"
"Taga-saan ka dito sa Bataan, Avelino?", tanong ni Mary. Sasagot na sana ang lalaki nang unahan nya ito.

"Pamangkin sya ni Mr.Sinaguinan at doon sya nakauwi sa bahay ni sir.", sabi nya.

"Eh hindi ba magkapit-bahay lang kayo ni Mr.Sinaguinan? Nagkikita ba kayo sa lugar nyo?", tanong ni Ryle sa kanya.

"Oo. Noong nakaraang araw lamang nga ay magkasama kaming lumuwas sa bayan.", sabi ni Avelino na ikinatahimik ng grupo. Pinandilatan nya ng mata ito pero parang hindi naman nito nagets na hindi nya dapat yon sinabi. Nginitian lang sya nito.

"Ngayon alam ko na kung bakit hindi mo nagawa yung workbook mo.", natatawang sabi ni Mary at itinuloy ang pagkain. Maya-maya pa ay dumarating na si Soji na may dala-dalang sariling lunchbox.

"Hindi ko yata talaga magugustuhan ang pagkain dito sa cafeteria.", sabi nito sabay upo sa bakanteng upuan na katabi ni Mary. "Nag-order na lang ako ng japanese food sa labas.", dagdag pa nito.

"Bakit, may mali ba sa pagkain na ihinahain dito?", seryosong tanong ni Avelino na nakatingin kay Soji. Nag-angat din ng tingin si Soji sa lalaki.

"Meron. Hindi ko gusto. Walang-wala kumpara sa luto sa amin.", pabalang na sagot nito habang nakatitig pa din kay Avelino.

"Soji!", saway ni Mary sa kaibigan.

"Kahit pala sa panahon na ito mas mataas pa din ang tingin nyo sa inyong sarili kahit sa lupa namin kayo lumalakad.", sabi ni Avelino sabay tayo at lumakad palayo. Naiwan naman silang naguguluhan sa inasal ng lalaki. Pero sya naiintindihan nya ang pinaghuhugutan nito.

"Sorry, guys. It was just a bad day. Hindi ko dapat yon sinabi.", hingi ng pasensya ni Soji.
---

KINAGABIHAN AY inaya nya si Avelino mamasyal. "Saan tayo pupunta?", tanong nito nang nakasakay na sila ng tricycle.

"Basta, malalaman mo din.", nakangiting sabi nya. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa destinasyon. Bumaba sila sa tapat ng isang tore na nababakuran ng bakal. "Welcome to Bagac Friendship Tower!", masiglang sabi nya dito.

"Nasaan tayo?", tanong ng lalaki na pinagmamasdan ang tore. Lumapit ito hanggang sa bakod na bakal.

"Wag kang mag-alala nasa malapit lang tayo.", sabi nya at tumabi kay Avelino. "Alam mo ba kung ano yan?", tanong nya dito. Tumango naman ito.

"Sinabi mo na kanina, hindi ba?", tanong din nito sa kanya. Natawa naman sya.

"Oo nga pero alam mo ba kung para saan ang tore na yan?", tanong nya ulit. Pareho pa din silang nakatingala sa tore. "Yan ang simbolo ng muling pagkakaibigan ng mga Pilipino at Hapon. At ng mga bansa natin.", paliwanag nya. Pasimple nyang tiningnan ang reaksyon nito pero tulad nung mga una nilang pagkikita, blangko sa expression ng mukha nito. Hindi nya tuloy alam kung tama ba na dalhin sya dito. Mukhang wrong timing pa ah, pag-aalala nya sa isip nya.

"Nasayang lang pala ang lahat ng laban kung magiging kaibigan din natin ang mga kaaway.", dismayadong sabi ni Avelino. Napatingin naman sya dito at nakita nya ang hinanakit sa mukha nito. "Lahat ng hirap, pagod, sakit at sakripisyo. Masasayang lang pala.", dagdag pa nito. Huminga sya ng malalim at hinawakan ang isang kamay nito.

"Walang nasayang, Avelino. Maraming tao ang natulungan ng laban nyo. Maraming tao ang natutong maging matapang, natutong mahalin ang bayan. Mas maraming tao ang natutong mag-sakripisyo para sa bayan. Isipin mo, paano kung hindi kayo lumaban? Sigurado ako, hindi magiging ganito ang lugar na 'to ngayon.", paliwanag nya. "Parte kayo ng kasaysayan natin, wag kang manghinayang dahil lang sa naging magkaibigan ang dating magkaaway. Tingnan mo na lang kung gaano kalaya ang bansa natin ngayon?", dagdag nya pa sabay angat ng tingin sa lalaki. Kanina pa pala ito nakatitig sa kanya. Bigla naman syang nakaramdam ng hiya at akmang bibitawan ang kamay nito. Pero hinigpitan ni Avelino ang hawak sa kamay nya. Nang mga oras na yon, sobrang bilis ng tibok ng puso nya. Para nang sasabog yon sa loob ng dibdib nya.

"Kung ganito ka kasaya sa panahon na ito, sa aking palagay ay hindi nga ako dapat na manghinayang.", nakangiting sabi nito habang nakatitig pa din sa kanya. Hindi nya alam kung kilig o ano ba ang nararamdaman nya pero automatic ang ngiti nya sa sinabing yon ni Avelino. Maya-maya pa ay dumating na ang tatlo nya pang kaibigan. Bigla naman silang nagbitaw ng kamay sa takot na baka tuksuhin ng mga parating.

"Grabe, ang bagal ng nasakyan naming taxi. Kanina pa kayo?", tanong ni Ryle nang makalapit sa kanila. Umiling sila ng sabay.

"Bakit parang nagulat ka pa na andito kami? Samantalang ikaw naman nag-aya sa amin na pumunta dito.", pansin naman sa kanya ni Mary. Natawa naman sya na may halong kaba.

"Alam mo, nag-iimagine ka lang!", sabi nya.

"Pre, pasensya na kanina. Badtrip lang talaga ako. Pasensya na.", hingi ng paumanhin ni Soji nang makita si Avelino. Kahit na sigurado syang hindi naintindihan ng buo ni Avelino ang sinabi ni Soji ay natuwa sya nang tanggapin nito ang sorry ng kaibigan.

"Tinatanggap ko. Humihingi din ako ng paumanhin sa aking inasal.", sabi nito sabay abot ng kamay. Ilang segundo pa bago abutin yon ni Soji.

"Napakapormal mo naman, pre. Pakiramdam ko tuloy nakikipag-kamay ako sa tatay ko eh.", biro ni Soji na nasundan ng tawa nilang lahat.

My Love's in History (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon