Feelings and Feelings

187 52 25
                                    

Jania
ILANG ORAS na syang nakahiga sa kama pero hindi pa din sya makatulog. Ni hindi sya makaramdam kahit konting antok man lang. Simula ng isama ng mga pulis si Avelino para magbigay ng salaysay sa presinto ay hindi nya na ito nakausap ulit maghapon. Bumaling sya sa kaliwang bahagi ng kama nya at inalala ang nangyari ng araw na yon. Nang makita nyang hinabol ni Avelino ang bumaril sa isa sa mga teacher nila ay sobrang natakot sya para dito. Alam nya naman na kaya ng lalaki ang sarili nya pero nag-alala pa din sya na baka mapahamak ito. Pero bakit ba ko sobrang nag-aalala para sa kanya? Gusto ko na ba sya? Mahal ko na ba sya?
"Argh!", inis na sinipa nya ang unan na nasa paanan nya at bumangon mula sa pagkakahiga. Alam nyang hindi pwede na magustuhan nya ang lalaki dahil hindi naman sya nanggaling sa panahon na 'to. Ibig sabihin, pagdating ng araw ay aalis din ito. Aalis din sya, sa isip nya. Natigilan sya dahil don. May parang kumurot sa puso nya. Pag dumating na ang araw na yon, mas lalo lang syang masasaktan. Tumayo sya at bumaba sa kusina nila para kumuha ng maiinom. Kelangan ko ng gatas. Kelangan ko ng makatulog, sabi nya sa sarili. Aakyat na sana sya pabalik sa kwarto pagkatapos makapagtimpla ng gatas nang may marinig syang parang bato na tumatama sa semento. Sinilip nya sa bintana sa sala nila at nakita nya si Avelino. Naglalakad ito ng pabalik-balik mula sa tapat ng bahay ni Mr.Sinaguinan hanggang sa tapat ng bahay nila, habang naglalaro ng bato sa kalsada. Lumabas sya ng bahay at nilapitan ito. Nagulat naman ito ng makita sya.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Masyado ng gabi para lumabas ka.", sabi nito na patuloy pa din sa paglalaro ng mga bato pero tumigil na sa paglalakad.

"Ikaw din, bakit gising ka pa?", tanong nya din dito. Ngumiti lang sya dito nang hindi ito sumagot. Pagkatapos ay naupo sya sa gutter ng kalsada. "Okay ka na ba?", tanong nya ulit dito. Nakatayo lang ito sa tabi nya.

"O-okay?", pagtataka nito at naupo na din sa gutter katabi nya. Muntik na syang matawa sa pagka-inosente nito sa mga salitang ginagamit nila.

"Maayos. Kung maayos na ba ang pakiramdam mo?", sabi nya. Parang naliwanagan naman si Avelino nang ulitin nya ang tanong.

"Oo. Hindi naman ako iyong nasaktan kanina.", sagot nito. "Ikaw? Okay ka na ba?", tanong naman nito sa kanya.

"Ang bilis mong matuto ha?", natatawang sabi nya bago tumango. "Ano ba kasing nasa isip mo kanina at bakit mo hinabol yung taong yun?", maya-maya pa ay hindi na sya nakapagpigil pang magtanong.

"Dahil pakiramdam ko ay nasa serbisyo pa din ako. Tawag ng tungkulin.", seryosong sagot naman nito. Inaasahan nya na ang sagot na yon mula sa isang sundalo sa panahon ng digmaan. "Ikaw?"

"Ha? Anong ako?"
"Bakit ka umiyak kanina?", tanong ng lalaki sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Hindi nya inaasahan ang tanong na yon. "Natakot ka ba?", dagdag nito nang hindi sya sumagot. Tumango lang sya. "Patawad. Sa panahon na pinagmulan ko, maraming pangyayaring higit pa don ang makikita mo. Sa katu--"

"Hindi ako natakot sa nakita ko.", putol nya sa paliwanag nito. Napalingon naman ang lalaki sa kanya. "N-natakot ako para sayo. Sa kaligtasan mo. Alam mo bang sobrang pag-alala ko nung nakita kitang hinabol mo yung taong yon? Parang lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba nung mawala ka sa paningin ko. Akala ko... akala ko kung napano ka na. Kaya nung nakita kong okay ka, na walang nangyari sayo naiyak ako. Para kong nabunutan ng tinik sa dibdib.", mahabang paliwanag nya sa lalaki. Natahimik naman ito na parang nabigla sa mga narinig.

"Pero bakit ka naman mag-alala ng labis para sa akin?", tanong naman nito ulit sa kanya. Humarap sya dito at halata sa expression ng mukha nito na nalilito ito. Gusto nya ng sipain ang lalaki sa sobrang pagka-slow nito.

"Hindi pa ba halata?! Kase gusto kita! May gusto ko sayo!", madiin nyang sabi dito. Ilang segundo din silang nakatitig lang sa isa't-isa hanggang sa ma-realize nya ang mga sinabi nya. Unti-unti syang lumayo dito at iniwasan ang titig nito. Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob para sabihin lahat yon, basta ang alam nya ay wala ng natira sa lakas ng loob na yon. "Sige. Matutulog na ko.", sabi nya. Akmang tatayo na sya nang hilahin ni Avelino ang kamay nya. Bigla syang napaupo ng sobrang lapit dito. Halos magdikit na ang mga mukha nila. Pakiramdam nya ay aatakihin sya sa puso sa mga oras na yon.

"Gusto din kita, Jania.", mahinang sabi nito na nakatingin diretso sa mga mata nya. Hindi nya alam kung imahinasyon nya lang ang narinig o nananaginip lang sya buong oras na yon.

"Totoo? Hindi ba 'to panaginip?", hindi makapaniwalang tanong nya dito.

"Kung pahihintulutan mo, papatunayan kong hindi ka nananaginip.", sagot naman ng lalaki. Hindi nya alam kung bakit pero automatic na napapikit sya pagkatapos marinig yon. Maya-maya pa ay naramdaman nya na dumampi ang labi ni Avelino sa labi nya. Dampi lang iyon pero sapat para mapatunayan sa sarili na hindi nga sya nananaginip.
--

KINABUKASAN, EXCITED na pumasok sa school si Jania. Excited syang makita si Avelino. Gusto nya nga sanang sabay sila pumasok sa school ng araw na yon pero nung kumatok sya sa bahay ni Mr.Sinaguinan ay walang sumasagot doon. Mukhang walang tao. Kaya naisip nyang sa school na lang nya kikitain ang lalaki. Pero lunch break na wala pa din ito. Kahit anino nito ay walang nakakita sa school. Matamlay syang kumain kasama ang mga kaibigan. Hanggang dumating ang oras ng pag-uwi ay wala pa din ito. "Baka naman nag-out of town? Kasi narinig ko wala rin si Mr.Sinaguinan sa mga klase nya ngayon eh.", sabi ni Mary habang naglalakad sila palabas ng school. Tumango lang sya. Dapat syang makapante kung ganon nga, dahil magkasama naman pala sila ng teacher. Nakita naman nilang lahat na parang totoong anak ang turing nito kay Avelino. Pero hindi nya makumbinsi ang sarili sa idea na yon. Pakiramdam nya merong hindi tama sa mga nangyayari.

Tatlong araw ang lumipas na walang tao sa bahay nila Mr.Sinaguinan. Wala ring Avelino na nagpapakita sa bahay man o sa school. Pinilit ni Jania na maging normal ang araw-araw na buhay dahil ayaw nyang mag-alala ang mga kaibigan lalo na ang mga magulang, pero sa loob nya ay hindi na maganda ang pakiramdam nya. Hanggang sa isang araw na nakita nya ang kotse ni Mr.Sinaguinan na nasa labas ng bahay nito. Bigla syang nabuhayan ng loob. Sa wakas! Pagkatapos ng ilang araw na pagtitiis ay makikita nya na si Avelino! Patakbo syang dumiretso sa pintuan ng teacher kahit kagagaling nya lang sa school at naka-uniform pa. Agad syang kumatok sa pinto. "Sir!", ngiting-ngiting bati nya sa teacher nang magbukas ito ng pinto. Pasimple pa syang sumisilip sa loob ng bahay nito, nagbabakasakaling makita si Avelino. "Andyan ba si Avelino, sir?", hindi nya na napigilan ang magtanong. Hindi pa din naaalis ang ngiti sa labi nya hanggang sa mapansin nya na sobrang lungkot ng mata ng teacher. Parang tumanda ang itsura nito ng ilang ulit dahil sa expression ng mukha nito. Maya-maya pa ay may iniabot itong sobre sa kanya. Naka-sealed pa iyon at pangalan nya lang ang nakasulat sa labas. Biglang nabura ang ngiti nya. Yung saya nya kanina ay napalitan ng iba't-ibang negatibong emosyon. Takot, kaba, lungkot.

"Sir? A-ano po 'to?", mahinang tanong nya nang kunin ang sobre. "Para saan po 'to?", dagdag na tanong nya kahit alam nya na. Nararamdaman nya na ang sagot. Hindi nya na hinintay pa ang sagot ng teacher. Tumakbo na sya pauwi sa bahay nila. Hindi nya pinansin ang mama nya na tinanong kung kumain na sya. Ganon din ang papa nya na tinanong kung nakita nya ang reading glasses nito. Diretso syang umakyat sa kwarto nya at pagkatapos ay ni-lock ang pinto. Hindi pa man nailalapag ang dalang mga gamit ay binuksan nya na ang sobre.

My Love's in History (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon