History: Never Repeat Myself

303 54 28
                                    

6 YEARS LATER.

"JANIAAAAA! CONGRATULATIONS!", sigaw ni Mary sa kabilang linya. Halos mabingi ako sa tinis ng boses nya. "Teacher ka na talaga! Hindi ako makapaniwala!", dagdag pa nito.

"Parang sinabi mo naman na hindi ko kaya maipasa ang LET.", kunwaring nasaktan na sagot ko sa kanya. "At FYI, nagtuturo na ko sa highschool bago mo pa ko batiin!", sabi ko. Narinig ko naman na natawa sya sa sinabi ko.

"Sino ba naman kasi mag-aakala na magiging teacher ka? Naalala ko nung highschool tayo, soooobrang tamad mo mag-aral.", paalala naman nito. Napangiti ako ng maalala ang mga panahon na yon.

"Good and bad days.", sambit ko naman. "O sya sige na, may research pa kong ginagawa para sa lesson ko bukas. Kita-kits na lang tayo mamaya.", paalam ko sa kanya. Pinatay ko na ang cellphone nang magpaalam na din sya at humarap ulit sa screen ng laptop. Filipino World War II Veterans. Yan ang topic na binabasa ko sa laptop. Pero sino ba ang niloloko ko? Lahat yata ng article sa Google at mga libro na tungkol sa World War II eh nabasa ko na. Lalo na yung tungkol sa mga sundalo na lumaban sa panahon na yon. Pinindot ko ang isa pang tab na nakabukas at lumabas doon ang listahan ng mga sundalong naitala na lumaban sa mga Hapon.

"Alido, Avelino.", basa ko sa nag-iisang pangalan na konektado sa puso ko. Pagkatapos ng gabi na mabasa ko ang sulat nya, hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy kinabukasan. Para akong namatayan sa sakit. Kahit alam kong, oo, patay na nga sya sa panahon ko. Para sa akin sya ang first love ko. True love din. Kahit bata pa ako non, hindi ko yata sya basta-basta na lang makakalimutan. Sinubukan ko naman makipag-relasyon sa iba habang nasa college ako pero hindi pa yata panahon para magmahal ako ulit. May sugat pa din. Hindi pa magaling.

Tinuon ko na lang sa pag-aaral ang lahat ng panahon ko. Nag-decide akong maging teacher. Nag-take ako ng BS Education in History. Gusto kong ituro sa mga darating pang generation ang lahat ng tungkol sa bayan natin, lalo na ang kabayanihan ng mga sundalong pilipino. Para malaman ni Avelino na walang nasayang. Kung magkita man kami ulit, makikita nya na lahat ay nagbunga ng maganda.
---

ANG DAMING bituin nang kinagabihan na yon at ako ang naunang dumating sa lugar na pagkikitaan naming magkakaibigan. As usual, maaga na naman akong dumating. Napabuntong-hininga na lang ako at napatingala sa Bagac Friendship Tower. Anim na taon din akong hindi nakapunta sa lugar na 'to. "Ang tagal din kitang iniwasan, ano?", tanong ko sa tore na animo'y nakatingin pababa sa akin. Pagka-graduate ko kasi ng highschool ay lumuwas agad ako pa-Maynila para doon na mag-aral. Umuuwi lang ako sa bahay ng magulang ko kapag bakasyon pero hindi pa ako nagtatagal ng dalawang linggo ay bumabalik din agad ako sa Maynila. Hindi na ako namamasyal sa Bataan. Ngayon na lang ulit pagkatapos ng ilang taon. Nasa ganon akong pag-iisip nang mapansin kong may tao pala sa kabilang dulo ng bakod na nakapalibot sa tore. Sino yun?

"Parang pamilyar.", wala sa sariling bulong ko sa hangin. Habang palapit ako ay napagmamasdan kong mabuti ang tao yon. Matangkad na lalaki. Pamilyar talaga ang figure nya. Ang pagtayo at paghawi ng buhok na nalalaglag sa noo nya. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko hanggang sa mag-angat ito ng tingin sa akin.

THE END.
Note: Song used in the media section is not mine.
Song title: Watch The Star
By: Tearliner

My Love's in History (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon