Balanga

333 57 25
                                    

"O AYAN ha? Nauna ko pa kayong paliguan kesa sa sarili ko. Pag hindi pa natuwa si mama dyan, ay ewan ko na lang.", sabi nya sa mga halaman habang nirorolyo pabalik ang hose na ginamit pandilig ng mga halaman.

Tuwing walang pasok, 'yan ang unang bilin ng mama nya na gawin nya sa araw na 'yon. Kapag daw kasi nalanta ang mga halaman, hindi na maganda tingnan ang harap ng bahay nila. At marami din daw pakinabang sa kanila ang mga tanim na 'yon. Mas maraming pakinabang kesa sa kanya, ayon sa mama nya.

Ipapasok nya na sa loob ng bahay ang hose nang mapatingin sya sa kabilang bahay. Nakita nya ang pamilyar na figure na pumasok sa bahay.
---

PAGPASOK NYA sa bahay ay andoon pa din si Mr.Sinaguinan na nakikipag-kwentuhan sa papa nya sa sala nila.

"Sir, may bisita po ba kayo sa bahay?", tanong nya dito. Sandali pa itong nag-isip bago sumagot.

"Ah, oo. Pamangkin ko dyan ngayon nakatira sa akin.", sagot nito. Tumango-tango naman sya. "Bakit mo naitanong?"

"Wala naman, sir. Nakita ko lang po kasi na may pumasok sa bahay nyo.", sabi nya.

"Nagkita na kayo, hindi ba? Nung lumindol. I believe, nagkakilala na din kayo dahil naikwento ka nya eh.", sabi ni Mr.Sinaguinan.

Napaisip naman sya. Sino?

"Si Avelino.", sabi ng teacher na parang nabasa ang tanong sa isip nya.

"Pamangkin mo sya, sir?!", gulat na tanong nya naman dito. Nagulat din ang papa nya dahil medyo napataas ang boses nya. "Talaga po, sir?!", tanong nya ulit.

Parang nagtataka naman ang mukha ng teacher sa reaksyon nya.

"Jania, tulungan mo na don ang mama mo. May pinag-uusapan pa kami dito.", pasimpleng pagtaboy naman sa kanya ng papa nya.

"Nananahi si mama eh, ano naman maitutulong ko dun? Tsk.", pabulong na sabi nya.

"Ano kamo?", tanong ng papa nya.

"Wala po.", sabi nya at iniwan na ang dalawa para ipagpatuloy ang pinag-uusapan nila.
---

Avelino
MGA ILANG minuto na din syang nakatayo sa tapat ng pinto. Hindi nya alam kung saan nya nailagay ang susi na ibinigay sa kanya ni Mr.Sinaguinan.

Tito Anton, sabi nya sa sarili. Yun ang ibinilin sa kanya ng guro na itawag sa kanya. Naguguluhan pa din sya kung bakit at paano sya napunta sa panahon na 'to. At kung bakit kelangan nya pa magpanggap kung sino sya.

Namatay na ba ako? Nasawi ba ako sa gyera? Yan ang palagi nyang naiisip. Pero imposible. Nararamdaman nyang buhay sya. Pangalawang buhay? Maya-maya ay may narinig syang nagsalita.

"O ayan ha? Nauna ko pa kayong paliguan kesa sa sarili ko. Pag hindi pa natuwa si mama dyan, ay ewan ko na lang.", napatingin sya sa kabilang bahay.

Romualdez? Sya nga ba iyon? Mukhang dito din sa lugar na ito sya nakatira. Napatingin sya sa paligid nya. Mukhang ako lang ang hindi nakatira sa lugar na ito, sabi nya sa sarili. Napabuntong-hininga sya sa naisip. Maya-maya ay nakita nyang patingin sa gawi nya ang babae. Mabuti na lang at nakita nya na ang susi. Agad nyang binuksan ang pinto at pumasok na sa loob.
---

Jania
"MA, AALIS muna ako. May bibilhin lang ako sa bayan.", paalam nya sa mama nya pagkatapos makapag-meryenda. Agad nyang nilinis ang lamesa at inilagay sa lababo ang mga ginamit na pinagkainan.

"Wag kang magpagabi masyado.", sabi ng mama nya.

Paglabas nya ng pinto, nakita nya si Avelino na nakaupo sa tabing kalsada. Nakasuot ito ng blue t-shirt na may print na logo ni Superman at maong na pantalon. Ibang-iba ang itsura nito kumpara noong unang nakita nya ang lalaki sa school nila. Nilapitan nya ito para usisain.

My Love's in History (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon