That Man

200 52 21
                                    

"SA LAHAT ng pagkain na natikman ko dito sa cafeteria ng school, 'tong adobong manok lang talaga ang gusto ko. Hay. Sana everyday!", masiglang sabi ni Soji sabay subo ng pagkain.

"Mapili ka lang talaga sa pagkain, pre.", sabi ni Ryle sa kanya na napapailing pa. "Hindi ba sasabay sa'tin si Avelino?", tanong naman nito ng bumaling sa kanya. Nagkibit-balikat lang sya bilang sagot. Mula din kaninang umaga ay hindi nya pa nakikita ang lalaki. Naging involved na din kasi ito sa mga school activities at meron na ding mga kakilala sa sarili nyang klase.

"Siguro hindi, nakita ko sya kanina eh. Kasama nya yung grupo nila Denise.", sabi ni Mary na hindi nag-aangat ng ulo mula sa binabasa. Tapos na kasi ito mag-tanghalian.

"Ahh. Kasali pala talaga sya sa Theater Club?", tanong ni Soji pero wala sa amin ang sumagot. Sumali na nga kaya sya? Nasa gano'ng pag-iisip sya nang biglang tapikin sya ni Mary sa braso. Pagtingin nya dito ay itinuro nito nang pasimple si Avelino na may hawak na tray ng pagkain. Palinga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap. Itataas nya sana ang kamay nya para tawagin ito nang biglang may lumapit na babae dito. Si Denise. Halos mapunit na ang labi nito sa sobrang pag-ngiti habang niyayakag si Avelino papunta sa pwesto nila ng mga kaibigan nya. Nakita nyang pasimple pa nitong hinawakan ang braso ng lalaki.

"Huy!", tapik ulit sa kanya ni Mary. Nagulat pa sya at muntik mabitawan ang hawak na kutsara. "Nakikinig ka ba? Ang sabi ko samahan mo ko sa library. Ang ingay dito, hindi ako makapagbasa ng maayos.", sabi nito. Tumango lang sya na wala sa wisyo at sinundan ang tumayo nang si Mary. Hindi nya na nilingon ulit ang grupo nila Denise.

SA LOOB naman ng library ay tulala lang sya sa harap ng hawak na History book. Nagpapanggap na nagbabasa din. Dalawang oras na yata sila doon at dalawang oras na din nyang tinititigan ang iisang page lang ng libro. Samantalang ang kaibigan nyang si Mary ay nakailang palit na ng subject. Natapos na din nitong gawin ang mga ibinigay sa homework. "Jania, ano na? Sabi sayo gawin mo na din yung homework mo eh.", sita sa kanya ni Mary habang nililigpit ang mga librong ginamit. Napasimangot naman sya.

"Hindi bale na. Sa bahay ko na lang gagawin.", pagdadahilan nya sa kaibigan. Maya-maya pa ay maingay na pumasok ang isang grupo ng mga estudyante. Nagtatawanan pa ang mga ito kaya sinaway sila ng matandang librarian na naka-duty doon.

"Sorry, ma'am.", si Denise na naman. Mukhang buong araw syang susundan ng pagmumukha ng babaeng 'to.

"Bakit ang daming estudyante dito ngayon? Wala ba silang klase?", pabulong nyang reklamo habang tinutulungan si Mary sa pagliligpit ng mga gamit nito.

"Wala na kasi tayong klase after lunch. May meeting ang mga faculty members eh, remember?", paalala sa kanya ni Mary. Oo nga pala, sa isip nya. "Ako na magbabalik nitong mga libro. Pakilagay mo na lang sa bag ko yang mga yan.", sabi ni Mary sabay lakad papunta sa bandang likod na mga shelves. Habang nilalagay nya sa bag ni Mary ang mga notebook nito, naramdaman nyang parang may nakatingin sa kanya. Dahan-dahan syang nag-angat ng tingin sa gilid nya.

"Omigod!", gulat na sambit nya na napahawak pa sa dibdib. Si Avelino lang pala. Nakangiting nakatingin sa kanya. "Kanina ka pa ba dyan? Jusko, nagulat ako sayo!", sabi nya dito. Nabura naman ang ngiti sa mukha nito at parang naguluhan sa sinabi nya.

"Paanong ikaw ay nagulat kung wala naman akong ginagawa o sinasabi?", inosenteng tanong sa kanya nito. Napabuntong-hininga na lang sya at itinuloy ang ginagawa.

"Yun na nga eh. Sa susunod wag kang nakatayo lang dyan na para kang multo.", sabi nya dito. Natawa naman ng makahulugan ang lalaki sa sinabi nya pagkatapos ay naupo sa katapat nyang upuan.

"Bakit ka natatawa?", nagtatakang tanong nya dito nang maitabi ang bag ni Mary.

"Marahil isa na nga akong multo.", mahinang sagot nito. At kahit na nakangiti ay makikita pa din ang lungkot sa mata nito.

"Sus, may multo bang nakikita ng lahat.", pagbibiro nya para pagaanin ang hangin. Nang mukhang hindi nagets ni Avelino ang sinabi nya ay pasimple nyang itinuro sila Denise at ang mga kaibigan nito. Lumingon si Avelino sa likuran na mesa. Agad naman ngumiti at kumaway si Denise at ang apat na babaeng kasama nito sa lalaki. "May pagkaway pa!", bulong nya pero sapat para marinig pa din ng lalaking kaharap. Natawa naman ito nang bumaling ulit sa kanya.

"Kasama ko sila sa klase at nakasabay ko din sa pananghalian.", pagpapaliwanag ni Avelino.

"Alam ko!", sabi nya na pareho nilang ikinabigla. "Ang ibig kong sabihin... ano. Nakita ko kayo. H-hindi naman sa sinusundan kita o binabantayan...", paliwanag nya pero pakiramdam nya eh lalo lang nya inilaglag ang sarili. Ano ka ba naman, Jania?! Sarap mong sampalin! Mabuti na lang at bumalik na si Mary.

"Uy, andito ka pala.", bati ni Mary kay Avelino. Dinampot nito ang bag nya. "Jania, sorry pero andyan ang daddy ko para sunduin ako. Pupunta kasi kami sa birthday party ng lola ko ngayon.", paliwanag nito sa kanya.

"Ha? Sabi mo sabay tayong uuwi.", sabi nya dito na may halong pagtatampo. Tiningnan nya ng makahulugan ang kaibigan. Please, Mary! Ikaw na lang ang pag-asa ko para makaiwas sa kahihiyan na 'to, sa isip nya. Pero parang hindi nagets ng kaibigan ang tingin na binigay nya dito.

"Andyan naman si Avelino. Sabay na kayo umuwi.", sabi nito na nakangiti pa sa lalaki. Tumango naman si Avelino sa kaibigan nya. "Bye!", paalam nito sabay lakad palabas. Gusto nya itong habulin at kurot-kurutin para ipa-realize ang ginawa nya pero syempre hindi nya yon ginawa.

"Para sayo nga pala.", agaw ni Avelino sa atensyon nya sabay abot ng isang pirasong white rose na nanggaling sa loob ng dala nitong bag. "Hindi kita inabutan sa oras ng pananghalian kanina ngunit nakita ko iyong dalawang kaibigan mo at sinabing dito ka nagtungo. Hinanap kita para ibigay ito.", mahabang paliwanag nito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya, hinihintay na kunin nya ang ibinibigay nito.

"S-salamat.", nauutal na sabi nya nang abutin ang white rose. Bakit?

"Ano?", tanong ni Avelino. Nasabi nya yata ng malakas ang iniisip nya.

"Ano, ang ibig kong sabihin, bakit mo ko binigyan nito?", tanong nya dito. Ngumiti ito na parang nahihiya at hinawi ang buhok na nalalaglag sa bandang noo nito. He looked so manly while doing it.

"Dahil gusto...", paunang sabi nito. Gusto? Gusto mo ba ko? Tanong nya sa sarili habang iniisip kung ano ang sasabihin kay Avelino pagkatapos nitong umamin sa kanya. "Gusto ko lang.", dugtong nito na nakangiti pa din. In an instant, gumuho ang imahinasyon nya at bumalik sya sa realidad.

"Ah...", sabi nya. "Gusto mo lang.", bigla syang tumamlay pero pinilit nya pa din ngumiti para itago ang pagka-dismaya nya. Asa pa more, sabi nya sa sarili. Pero masaya pa din sya sa natanggap mula sa lalaki.

"Hindi mo ba nagustuhan?", tanong ni Avelino sa kanya. Gustong-gusto na nga kita eh, sa isip nya. Nabigla din sya sa naisip at agad na sinaway ang sarili.

"Gusto ko. Salamat ulit.", sagot nya. This time, mas totoo na ang ngiti nya.

My Love's in History (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon