Chapter 4
*Past, Present , & Future*
--
[Josh’s POV]
“Hmmmm. Something’s fishy BF. Sabihin mo na kasi, kala ko ba best friends tayo?”
“O-okay fine…Ikukuwento ko na po.”
Nandito ako ngayon kasama si Amber, habang ikwekwento ang nangyari sa amin ni Danny.
“It all started when I met her last year…. Nakilala ko si Danny as a close friend, hindi siya tulad ko ngayon, adik sa anime, nerd, at kung ano man, hindi ako nerd dati. Kaya lang naman ako nagganito dahil, gusto ko na siyang kalimutan. Para na ding hindi makilala ng mga dati kong kaklase, for sure maawa na nanaman sila sa akin… Ang nangyari kasi, isang buong taon kami nagsama ni Danny na magkaklase, pero hindi niya alam kung gaano ko siya kamahal na nung mga panahon. So She treated me like her normal friends… Hindi ko naman expected na magkakagusto din siya sa akin, so basically naging MU kami, or Mutual Understanding ba. Nang tumagal, MU lang kami, hindi pa kasi kami… pero nung araw na liligawan ko na siya, nabalitaan kong may boyfriend na siya and 1 year na sila. Tinanong ko siya personally kung totoo nga yun, and sinabi niya ang totoo. Ginawa niya lang pala akong kasayahan nung magkaaway sila ng boyfriend niya. Alam mo Amber? Ang sakit ng naramadam ko nung nalaman ko yun. Ginamit niya lang ako… Pinagkasayahan, simula nung araw na yun, nagiba ako ng itsura…”
Hindi ko na namalayan na lumuluha na ako at si Amber.
“B-besstt!” bigla na lang napayakap si Amber sa akin at umiyak.
“B-bakit ka umiiyak?!” tanong ko.
“Eh kasi ang sad sad ng pinagdaanan mo! T___T parang shoujo manga lang eh! Ay hindi pal! Mas matindi pa sa Shoujo mang! >___________<”
“Sus! Wag ka nga diyan! Oh siya tahan na.” habang pinapat ko yung ulo niya,
“Naku! Babaguhin kita BF! I shall help you get over her!” O_O ano?
“O_O HAH?”
“OO! Bukas! Magbabagong anyo tayo para makaranas tayo ng magandang love life >_<”
“Anoh?!”
Hinatak na alng ako ni Amber pabalik ng classroom tsaka nagstart ang klase.
(After Class)
Hinatak muli ako ni Amber T____T
Grabe tong babaeng to mang aya sa mall kung kelan uwing uwi na ako. T_______________T
“Amber? Pa saan ba tayo?”
“I-mamake over kita.”
“O_O Hah? W-wala akong pera!”
“Ako bahala sayo best! ;)” pagkindat niya.
“Pero, ayaw kong ako lang yung gwagwapo… Baka ang weird pati.” Pagkombinse ko sa kanya.
“Fine, para kay BF. Magpapaganda din ako! ;)”
ANO?! :O Ano kaya binabalak nitong babaeng to sa akin oh?
Umikot kami ng umikot ni Amber sa mall, nagpunta kaming eye doctor muna,
Sabi ng doctor, hindi naman talaga required na mag salamin ako kaya tanggalin ko na daw. =_________= and nagulat din naman ako ng parehas kami ni Amber na hindi malabo ang paningin, nakadisguise din pala tong bruhang to.
Sunod naming pinuntahan ang dentista, and yes… Wala na akong braces dahil kay Amber. Isang taon ko din pinagtisan yung brace na yun para magtago pero dahil kay Amber, wala na siya T__T Pati din siya nakafake braces?! Ano ba naman tong Best Friend ko? Parang ako lang puros peke ang nerd things.
Sunod naming pinuntahan ang isang hair stylist. Pina-ayos yung buhok kong mukhang Jose Rizal, and well, si Amber naman…. Nag pa bangs?! D: Ano ba to? Bakit parang hindi ko na siya kilala?
Yung kaninang babaeng Amber na nakatirintas ang buhok, naka-salaming itim ang frames at silver na braces mukha na ngayon artista?
Ganon ba ang epekto ng bestfriend? Napapatibok niya lalo ang puso ko eh :”>
“Hui!” Pagbulanta niya sa mukha ko.
“A-ano ang ganda mo pala.” Pambola ko x)
“Sus, nambola ka pa, eh ikaw din naman eh, ang gwapo mo na ngayon best ;)”
“Talaga?!” actually alam ko naman talaga yun pero pag nanggaling sa kanya parang may meaning eh.
“Tignan mo kaya.” Inikot niya yung upuang umiikot at tinapat ako sa salamin.
“see? Gwapo diba?” sabi niya
“Oo nga no :D” Nagulat ako sa sarili ko ng makita ko sarili kong bagong bago sa paningin ng tao, parang bagong heartthrob na ngayon.
“Wah! Nakakapagod mag shopping ano best?”
“Yep, ui salamat sa make-over ah.” Pagpapasalamat ko sa kanya habang papunta kami sa Dairy Queen para kumain ng ice cream at makapag pahinga na din.
Pumunta na kami sa harapan ng counter and umorder.
“Good Evening Mam, Sir, may I take your order?”
“Pa-order nga ng isang Cookies & Cream!” We both said in chorus.
Natawa naman yung babae kasi sabay na sabay talaga kami nung oras na yun.
“Sige po, dalawang Cookies and Cream, in cone or cup?”
“In cone!” we said in chorus again >_<
“Ahaha, you may wait here po.” Pangasar nung babae.
“Grabe ang galing nating dalawa magsabay xD” Pagtawa ni Amber.
“HAHAHAHA. Oo nga eh, parehas na parehas ang sinasabi natin.” Parang meantto be :”>
“Mam, sir, ito na po order niyo ^_^” Pag abot sa amin ng order namin.
Dumiretso kami ni Amber sa may fountain, naupo at nagkulitan.
“Hay! 1st time ko lang makakilala ng isang bestfriend na tulad mo, unang ice cream galing pinas at isang masayang araw dito. Sana ganito lagi.” Sabi ni Amber, sana nga..
Palagi ko na lang sana siya kasama.
--
YOU ARE READING
Perfect Two.
Teen FictionAno pa nga ba mismong gagawin mo kung in-love ka na sa Bestfriend mo? Mga nararamdaman mo toward sa kanya, na pilit mong itinatago hanggang kelan mo kaya. Ganyan ang nangyari kay Joshua E. Bernardo at Amber D. Mori. Friendship & Love <3