"Uy picturan mo naman kami dito. Dali!"
"Wait...video na lang"
"Picture lang at wag ka magkakamali na videohan kami"
"Masusunod kamahalan"
Di ko mapigilan di matawa sa t'wing pinapanood ko ang mga video nila. Di nila kasi alam na sa simula pa lang ay vini-videohan ko na sila. Parang silang timang na nagpo-pose. Ahahaha!
Sa hulihan ng video ay naglagay ako ng group picture namin magba-barkada. Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
'Miss na miss ko na sila.'
Dalawang buwan na ang lumipas simula nagkalat ang virus na sumira ng mga buhay namin. Ang dating maingay na lungsod ay napalitan ng napaka tahimik ngunit delikadong lungsod. Ang dating malinis na kalsada ay napalitan ng madumi at makalat na lungsod. Maraming nagkalat na basura at mga kotse sa daan... at mga ZOMBIES na gutom. Ang dating mga masasayang tawanan ay napalitan ng ungol ng mga zombies! Tsk!
Kasalukuyan ako ang nagmamaneho ng RV, nagpapahinga pa kasi ang susunod na mag-mamaneho. Simula nagkalat ang mga zombies sa paligid ay di na kami nagkaroon ng mahimbing na tulog.
"Morning Dawn" bati ni Penny.
"Morning" ganting bati ko.
Nung nagsimula na sila kumalat ay di ko na alam kung magiging maganda pa ba ang umaga, tanghali, hapon o gabi ko. Ginawa nilang miserable ang buhay ko.
Sa rear mirror ko nakita na gising na din pala sina Lily at Iya. Kasalukuyan silang naupo sa mini dining area, at tulad ng dati mukhang masama naman ang tulog nila.
Maya-maya ay tumayo si Iya at bumukas ng cup board. Sunod naman ang ref at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
"I see twenty loaf of bread... hmmm... and four cup noodles for breakfast" sabay labas nito sa ref.
Tsk! Di na yan kakasya para sa susunod pang mga araw.
"Dawn may nadaanan ka bang convenience store o pwede pangkuhanan ng pagkain?" tanong ni Iya habang naghihilamos.
"Wala ,gasoline station lang" pagsisinungaling ko. Sa totoo ay may nakita ako, pero nang linapit ko ang RV dun ay may narinig akong ungol ng mga zombies! At bukod do'n, may nakita akong naka jacket na lalaki kung di ako nagkakamali na papalapit sa amin! Agad ko pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na 'yun. Good thing at di sila nagising.
Bukod kay Penny, Lily ,at Iyah. May kasama din kami mas bata sa amin, sina Kalix, Christopher ,at Elsa. Nakakabata kong kapatid si Christopher, kapatid naman ni Iya si Kalix at si Elsa ay kapatid ng kaibigan ko. Magkaka edad lang silang tatlo at ang babata pa nila para harapin 'tong pagsubok ng 'to. How I fucking hate zombies!
"I HATE zombies!" sumilip 'to sa labas at... "Mamatay na kayong lahat!" sigaw nito.
"Hoy Penny!" sita ni Iya. Yan napagalitan tuloy! " Dapat duet tayo" tumikhim sila at- "MAMATAY NA KAYO MGA PESTE!"sabay sirado ng kurtina.
Mga engot talaga. Eh kung biglang ma aware ang mga zombies sa boses nila? Nakita naman nila na maingat ako nagmamaneho.
Sa rear mirror, nakita kong kumakain na sila. Hati-hati na sa cup noodles at tinipid ang natirang tinapay para kahit papaano may matira mamaya.
Tinapik nito ang balikat ko, "Oy kumain ka muna. Ako na ang magmamaneho" naka ngiti nitong ani.
"Uhm... okay. Ihihin-- "
"Bagalan mo na lang ang takbo" sinunod ko siya at mabilis na iniwan ang driver's seat.
Ngayon ko lang napansin na gising na pala ang dalawang bata, pero wala si Elsa.