April 12, 2020
Birthday ko ngayon..
Napakaraming nangyari samin! Ang gulo, nandung nagkaroon ng arranged marriage, bugbugan sa mga dating nakabangga ni Bobby.. Nagkasala si BI, Nagkagf na si Junhoe(kasal at may anak na) Nagkaanak na si Jinhwan at Seolhyun, (kasal na rin),ako, si Bobby,BI at Lud Anne. Eto..
Kami pa rin..Pero wala pa ata balak magsettle down..Masaya pa sa ganito..
May party sa bahay, kaso nakapagtataka, wala pa talaga si Bobby.
Ewan ba kung bakit...Di rin sumasagot sa tawag ko... Sabi naman nila BI papunta na...
Pero kinakabahan talaga ako..
Asan kaya yung kumag na yun?
Nagpaparty na sila pero ako nasa gilid.
Di ko magawang maging masaya, kahit andito si papa.. Si mama (ni junhoe), barkada ko.. Mga classmate at business partner namin nila BI..
Pero bakit sya wala..?
Ano ba talagang nangyari?
Sabi ni Lud baka daw may surprise kaya di pa nagpapakita.
Pero sana ni HA or HO man lang na text meron.
Para di ako nag-aalala.
Mas kinabahan ako nang may nagtext sakin bigla.
Mama ni Bobby..
Nasa ospital daw sila.
At may kailangan akong malaman tungkol sa kanya..
--
Agad-agad kaming sumugod nila lud anne dun sa ospital
Ako, sya, si BI, Junhoe, Jinhwan at Seolhyun..
Iniwan muna yung mga bata sa mga magulang namin.
Naiiyak na ko, pinipigilan ko lang.. Pero di ko na natiis nung malaman ko ang lahat mula sa mama nya..
Nun palang panahon na iniwan ako ni Bobby..
May sakit pala sya sa puso..
Nagpagamot sya..
Pero di pwedeng operahan nung oras na yun dahil maliit ang chance ng pagtatagumpay sa operasyon..
Ang tagal nya tong tinago..
Bat di ko man lang nahalata?
Anong klase akong kaibigan? Kasintahan? Fiance?
Sabi nang mama nya, after ng ilang years, Meron nang nahanap na solusyon ang mga doktor at espesyalista para magtagumpay ang isang imposibleng operasyon sa puso..
Kailangan nyang mawalan ng ala-ala..
Eto daw ang tanging paraan para di magulo ang activities at function sa puso nya.
Di ko na naintindihan yung paliwanag nya.
Basta ang tanging alam ko, buhay ni bobby ang nakasalalay dito.
At ito pala ang pinakamabigat na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko..
Ang pakawalan ang taong mahal ko, ang ala-ala namin at ng barkada..
Para mabuhay sya...
Napakasakit na birthday naman tong binigay mo sakin lord..
Pero salamat.. dahil kahit sa maikling sandali, pinayagan mo kong makasama ang taong minsan kong pinangarap... at naging akin.
YOU ARE READING
Hopeful Wish
FanfictionThe truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward. ...