"Mommy!"
Napalingon ako sa cute na chikiting na umupo sa lap ko.
Siya si Neechan, 2 years old na..
At anak ko siya.
Namin.
Pero di niya alam.
Di niya rin naman ako kilala, bakit pa dapat ipaalam diba?
"Hello baby~ Why are you here?"
"I want to play mommy.." he said then beams brightly.
Nawawala ang pagod ko kapag tinititigan ko ang anak ko.. Pero laging may kirot dun sa puso ko.
Kamukhang kamuka niya si Neechan.
At dahil dito, mas lalong hindi ko matanggap ang lahat.
Na wala na siya sa buhay ko.
Sa buhay naming lahat.
"Hey kiddo, Mommy's busy. Let's play instead?"
"Tito BI!" masayang sabi ni neechan sabay taas ng arms niya at nagpapabuhat kay BI na agad naman kinuha nung isa.
"Hello bes~"
Napangiti ako pagkatapos kong makita si Lud. Ang BFF ko. Kagagaling lang nila ni BI sa honeymoon nila. Kinasal na sila.
Si Junhoe ang naging bestman ni BI.
Wala na siya e.. Sayang.. Double wedding pa naman sana..
"Kamusta ka bes!? Namiss kita! Nakabuo naba?" Pabiro kong sabi at humalik sa pisngi ni Lud.
"Syempre shooter ata ako!" natatawang sabi ni BI at lahat kami napatawa nang malakas nang magtanong si Neechan.
"Ano yung shooter tito?"
"Naku! Hanbin! Ipaliwanag mo yan sa bata. Kasi ikaw e." sabi ni Lud habang pinapanuod yung magtito na naghaharutan.
"Tuturuan kita nun pag big boy kana okay..Basketball yun~" -BI
Kala mo inosente pa e..
Parang ang saya namin, Dapat masaya naman na talaga ako..
Pero..Hindi, may kulang pa rin e...
"Oy ate! Halika na! Kain na tayo sabay-sabay!" bungad ni Junhoe at nagulat pa nang makita yung mag-asawa sa opisina ko.
"Uy bro! Kamusta?!" excited na dagdag pa niya sabay kiss sa pisngi ni lud anne at fist pump kay BI saka ginulo yung buhok ni neechan ng konti.
"Ayos lang. Eto, masaya. Meron na ata e..." -bulong ni BI kay Junhoe at agad na nagtawanan sila.
"Amin na nga si neechan. Bastos nitong dalawang to!" sabi ni Lud sabay kuha kay neechan at bigay ng toblerone dito na agad namang kinain ng baby kong cute.
"Sungit naman ng wifey ko.." -BI at tatawa tawang umakbay kay Lud habang palabas ng opisina ko..Kinuha ko na rin yung bag ko at sumunod sa kanila nang nakangiti.
Kahit kailan kagulo parin ng mga to.
Mas magulo panigurado pag andito siya.
Naku! Erase Nica! Pasaway ka. Ala na nga sya!
"KADIRI NAMAN! WIFEY?!" halos mamatay sa katatawang sabi ni Junhoe habang pababa kami.
"Anong masama?! Inggit kalang e! ala ka kasing sugar sa katawan.Nakaka 2 na anak ka na e.. Ala kapang call sign kay Hyejeong!" sabi ni Lud saka tumawa.
"Di na kailangan yun, kagwapuhan at boses ko lang pwede nang pampakilig sa asawa ko no." -Junhoe
Kayabang talaga oo.
Pagdating namin sa baba sakto, andun din pala sila Jinhwan at Seolhyun, wala silang kasamang anak kasi nasa school parehas. Katulad nang anak ni Junhoe. Si Hyejeong andun na bumati samin. Tinext na pala nila Lud na andito sila sa opisina namin nila BI.
Ang awkward. Sila mag-aasawa na.. Ako.. Well, may anak naman ako. Kaso andun sa mag-asawang PDA.. Pinagpapraktisan ata ang neechan ko..Kaya solo lang ako..
Kung an--
Hay naku. Tama na nga nica. Ang haba na nito di ka pa nagpapakilala..Haha
By the way, Kilala nyo naman na ko. Pero tama..Akin ang POV na to. Park Nica, May-ari ng Serendipity Hotel and Resort with Kim Hanbin na asawa ng bff ko. Si Junhoe, CEO na ng Star Maker Entertainment. Si jinhwan at Seolhyun, nagpapatakbo sa Asian International University at si Lud Anne, May-ari ng isang sikat na botique shop na "Memoirs" at kasosyo ko rin sa cafe at bakeshop na "Sweet Treats". Lahat kami successful na.. Akalain nyo ba? Salamat sa angkan namin at talento. ^^
Kumain nalang ako nang tahimik habang pinakikinggan sila nang may biglang lumapit samin..
"Miss Nica Park, I assume?"
YOU ARE READING
Hopeful Wish
FanfictionThe truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward. ...