Nakatalikod ako sa lalaking nagsalita pero di ako maaaring magkamali. Sa tono ng boses at amoy pa lang.. Alam ko..
Siya yon...
Pero.. Di ba..
Sabi nila...
Di ko na daw siya pwedeng lapitan..
Ay mali, sabi nila.. Wag ko na daw guluhin ang buhay ni Bobby.. Kaya daw nagkakaganoon si Bobby dahil sakin.
Kaya siya naging mahina..
Akala ko okay ako sa kanila..
Pero hindi pala.. Akala ko lang yun.
Maling akala..
Di ko naman sila masisisi.. Nagiging tanga nga siya pagdating sakin.
Mas tama nga na lumayo ako sa kanya..
Parehas lang naman kaming mahal siya.
Pinalalayo nila ako sa anak nila.. at ako lumayo..
Parehas lang ang gusto namin.
Na maging maayos siya..
Di ako makapagsalita, feeling ko kasi iiyak ako pagginawa ko..
Bakit siya nandito? Naalala na ba niya ko? Pero hindi.. Iba yung paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko.. Napakapormal..
"Ah. Anong kailangan mo.. Mister?" Sabi ni Junhoe at nagside glance sakin.. Napansin ko rin na nakatingin yung rest ng barkada sakin.
Composure Nica. Kaya mo to..
"I just wanna discuss something with her.. If you don't mind?"
Kahit di ako nakatingin, alam kong tinititigan niya ko.. kaya tumayo na ko.
"Saglit lang guys. I guess this is urgent." sabi ko at sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng dalawang taon.. Nakaharap ko ang taong nagpatibok ng puso ko.. at tanging nagpapatibok nito.
He nodded at me then lead me to the nearby table.
Di pa rin siya nagbabago, may pagkaarogante pa din.
I smile at the girl waiting at the said table.
Bittersweet smile ba tawag dito.
Siya ang babaeng kinaiinggitan ko.
YOU ARE READING
Hopeful Wish
FanfictionThe truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward. ...