Nica's POV
Nandito na kami ngayon sa Seoul, ayos naman yung mag-ama..
Sige mag-ama na. =___=
Eto ako ngayon sa may lobby, hihintayin kung may bagong magchecheck-in. Nakasanayan ko lang gawin to..
Para kilala ko kliyente ko diba. ^^
Yung mag-ama, andito rin. Napakagulo, naglalaro nung kotse-kotsehan na pwedeng sakyan.
Etong bobby na to. Katanda na naglalaro pa. Tapos binabangga pa yung neechan ko, baka mabaldog e.. =___=
Nagpakabusy nalang ako bilang receptionist kaso dumating sila bigla..
"Bobby.."
"Oh. Ma, Pa, andito pala kayo.. Anong kailangan niyo?"- cold na bungad ni Bobby tapos binuhat si neechan, tinabi muna nung staff yung mga kotse.
Si bobby, naglayas sa kanila. xD dito na sa hotel tumira. Pasaway na to.
Katanda na e.
"G-gusto sana naming makausap si Nica.." -Mommy ni bobby habang nakatingin sa akin.
Bakit ako? Babawiin niya sakin si Bobby? Wala naman siyang dapat bawiin dahil yung anak lang naman namin ang pinayagan kong balikan ni Bobby..
Hindi ako kasama dun.. Oo, pwede niyo kong tawagin pakipot,etc. Pero sasaya ba naman ako kung alam kong mismong magulang niya ayaw naman sakin para sa kanya?
"Kayo po lola at lolo ko? hello po!" -bati ni neechan saka nagbless sa kanila.
"Eto na pala ang apo ko, hello sayo.." mangiyak ngiyak na bati ng mommy ni bobby. Yung Daddy niya nakatahimik lang.
"Hindi siya pwedeng istorbohin, busy siya. Umalis na kayo." -Bobby.
"by, tama na nga yan.. sundan niyo po ako.." sabi ko at nauna ng maglakad, sumabay naman sakin si bobby saka nagrant.
"bat mo pa sila kakausapin? di naman kailangan e." -sya
Di ako sumagot sa mga sinasabi niya. Kaingay nito.
Nakarating naman kami sa pinakataas ng building na yun. Sa 2nd office ko sila dinala..
Kinakabahan ako.
Pero dapat ko naman silang harapin. Magulang pa rin sila ng taong mahal ko.
Bobby's Mom's POV
Alam kong maraming galit sa akin. Dahil sinira ko ang relasyon ni Bobby at Nica.
Oo, mabait na bata si Nica, kahit sinabi ko sa kanya na siya ang dahilan kung bakit naging ganun ang anak ko.. Alam ko na hindi naman totoo yun. Pero humina si Bobby. Dati gagawin niya ang gusto niya ng walang iniitindi. Maging ako o ang papa niya.
Pero nang dumating si Nica sa buhay niya, kahit na ibaba niya ang pride niya, magpabugbog siya. Ipagpalit ang buhay niya, gagawin niya para sa babaeng yun.
Ni ayaw niyang tanggapin yung offer na tanggalin ang ala-ala niya para gumaling yung sakit niya sa puso na bata palang siya meron na siya.
Dahil ayaw niyang makalimutan si Nica, yung barkada niya.
Tama, pwede namang ibalik yung ala-ala ni Bobby pagkatapos ng isang taon. Ibig sabihin nun pwede namang magpakilala ng unti-unti si nica at barkada nila kay bobby.
Pero natakot ako, natakot ako na maging mahina uli ang anak ko. Na mawala siya sakin ng tuluyan. At si Nica ang magiging dahilan nun, kaya inilayo ko siya. Binigyan ng ibang impormasyon. Sinabi kong si Hani ay girlfriend niya.. Kahit hindi naman.. Si Hani, gusto niya si Bobby dati pa. Magkababata sila pero nung naging magulo ang pamilya namin mula nang mamatay ang anak ko na babae.. Naging basagulero siya. Naging malayo siya samin at kahit sa kababata niya na may gusto sa kanya mula pagkabata.
Tama na tong desisyon ko, sumusunod sila parehas sakin. At nasa tabi ko lang ang anak ko.
Napagdesisyunan kong dito nalang sa states tumira, dito papakasal si bobby at Hani.. Pero nalaman ko, may apo pala ako.. Nagkaanak si Bobby at Nica.. At si Hani, hindi siya pwedeng magkaanak.. Dahil mamamatay siya pag sinubukan nila ni Bobby.. Sakin lang sinabi ni Lee Hi yun.. Walang alam si Bobby sa lahat..
Kaya naisip kong irekomenda sa kanila ang resorts at hotel nila nica para dun magpakasal. Para mapag-aralan ni Hani ang schedule ni Nica at barkada nila.
Baka sakaling makahanap kami ng paraan para kuhanin si Neechan.. at palabasin na pinsan yun ni bobby na nakuha nila nica sa kung saan at binawi ko lang.
Oo, masama lahat ng balak ko.. Pero para lang naman to sa ikabubuti ng anak ko.
Ina lang naman ako..at tao.. na nagkakamali sa mga bagay..
Nica's POV
"Sorry talaga.. sorry.." sabi ng mama ni bobby at nagulat ako nung lumuhod siya sa harapan ko.
"t-tumayo na po kayo.. w-wag niyo pong gawin yan.." -sabi ko habang itinatayo siya. Si bobby nakayuko lang at sinusuklay yung buhok ni neechan na nakatulog na. Yung daddy ni bobby ganun din. nakayuko..
hay naku..
"Tama na po.. naiintidihan ko po kayo.. siguro po. kung.. wala akong neechan, baka galit pa rin po ako sa inyo. Pero.. Naiintidihan ko na po kayo.. Ina rin po ako.. Alam ko pong kapakanan lang ni Bobby ang iniisip niyo.." dagdag ko at tinap yung likod ng mommy ni bobby..
nakakailang naman to..
Pero tama na rin na magpatawad ako.
Wala akong karapatang ipagkait sa kanila to.. Dahil tao lang naman ako at nagkakamali rin..
YOU ARE READING
Hopeful Wish
FanfictionThe truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward. ...