BI's POV
Buhat Buhat ko si Neechan habang yung magbff ay walang tigil sa pagkukwentuhan nang biglang magtext si Bobby.
SMS:
Tol, sinusundan ko kayo e.. Pwede bang pahiram kay Neechan kahit saglit lang?
Kawawa naman tong si Bobby. Natotorpe pa kasi. Lalapitan lang si Nica e.. Aaminin ang lahat.
Edi tapos.
Kadali e.
Nireplyan ko naman siya agad at pumunta na dun kasama si Neechan. Kasama naman ako e..
Habang pinapanuod ko si Bobby at anak nila ni Nica.
Mas naexcite ako lalo.
Malapit na kong maging Daddy.
7months nalang.:D
Nica's POV
Pagkatawag ko palang kay BI nakita ko na yung Ilong na to!
Kasama pa talaga si Bobby!
At buhat pa talaga ni Bobby ang neechan ko ha?! Agad-agad ko namang kinuha si neechan kay bobby at tiningnan ng masama si BI.
Kesyo daw kasama naman sya.
Tse.
Etong mga to naman tuwang-tuwa kay Bobby. Nagkamustahan pa..
Si Lud kunwari pang ayaw lumapit e.
Halata namang gustong kamustahin si Bobby. Psh..
Bahala kayo dyan, basta akin ang anak ko..
Naglalakad na kami kaso nakakasar tong si Neechan! Tingin ng tingin sa likod! Sabay tatawa! E si Bobby nasa likod ko! Ano ba yan!
Lukso ng dugo ba to?! Nakakapanggalaiti pa ah.
"Mommy.. Papabuhat nalang po ako kay Tito Mister.." -Neechan
"Wag na baby..Mapapagod siya.."-Ako
"Hindi okay lang" -Bobby
At ayun nga. Nabuhat niya. ;(
Psh. Ako nag-ire at nagpakahirap sa kanya ng dalawang taon tapos..;(
Ang bilis naman nilang naging close.
Lud Anne's POV
Andito kami sa may garden sa hotel na may palaruan ng mga bata at kumakain ng french fries na may iba't ibang flavor at dip ni Nica..
Etong Si Bes kasungit..
"Bes.. Karapatan naman ni Bobby na makasama yung anak niya e.." -Ako
"Psh. Hindi kaya! Tingnan mo ginagawa niya! Nakalipas ang 2 years ng di nadumihan at nagkaganyan si Neechan tapos siya saglit lang na kasama ganyan na itsura ng anak ko!" -Asar na sagot niya.
Tiningnan ko sila Neechan kasama ang hubby ko..
Naku si Bobby..
Ayun, iniikot yung parang bilog na ride kung san nakakapit si neechan tapos lalakad ng medyo malayo. Tapos papalapitin sa kanya si Neechan.. Ayun natumba yung isa. Umiyak.
Haha. May karapatan palang magalit si Bes kahit papano.
Si hubby nasa gilid, official photographer ng magtatay. xD
Pinatatahan ni bobby si neechan kaso..
Tito BI ang iniiyak nung bata.
Naging sobrang close nun kay BI e. Yung itsura ni Bobby nakakaawa..Parang naiinggit siya kay BI.
"Bes...Kita mo nga o.. Sya yung tatay, mas close pa yung anak mo kay BI.. Masakit yun para sa kanya...Di naman niya kasalanang mawala ng 2 years e.. Pagbigyan mo naman siya.." sabi ko at tumingin sa kanya. Nakatingin rin pala siya kila Bobby. Napansin rin siguro kasi sabi niya..
"Oo na."
Pero pagalit pa din.
Haha.
Bumabalik na yung highblood na bes. xD
YOU ARE READING
Hopeful Wish
FanfictionThe truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward. ...